Gerald Anderson: "Natutulog pa po ang lovelife ko."

IMAGE 0


"Siyempre, kapag na-in love po ako sa isang artista, in love na po ako. Kapag na-in love po ako sa hindi artista, ganoon din po," says Gerald Anderson.


Sabay na humarap sa press ang Kapamilya stars na sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo kahapon, August 11.

Ito ay may kinalaman sa launching nila bilang endorsers ng Globe Prepaid na ginanap sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.

Bukod sa bagong endorsement nilang ito together, kumpirmado na rin ang paggawa nilang muli ng pelikula. Una silang nagkasama sa Catch Me... I'm in Love na ipinalabas noong March 2011.

Pero ayon kay Gerald, nasa meeting process pa raw ang susunod na proyekto nila.

Dagdag niya, "At saka inaayos pa po ang schedule, of course, ng Pop Princess para rin po magtugma.

"Maraming abroads... taping."

At this point, masasabi ba ni Gerald na tanggap na ng Kimeralds—ang fan club nina Gerald at Kim Chiu—ang team-up nila ni Sarah, lalo na't naging box-office hit naman ang una nilang pagtatambal?

"Yung mga tunay na Kimerald, of course," sambit niya.

"Nagpupunta pa nga sila sa set, e. Yung mga tunay na fans na talagang mahal po ako, mahal kami.

"Siyempre po, may ibang fans na to this day, ayaw rin nilang tanggapin na ano...

"But, you know, sa part po namin, wala po kaming magagawa diyan.

"We're just really thankful sa lahat ng supporters po namin."

MISSING SARAH. Natawa naman si Sarah sa mga tanong ng press sa kanila, lalo na nang may magtanong kay Gerald kung na-miss daw ba niya si Sarah nang mag-abroad ito ng halos isang buwan.

Sabi naman ni Gerald, "Three weeks, ang tagal din po niyang nawala sa ASAP at doon po kami talaga nagkikita.

"Siyempre, na-miss din siya ng maraming tao. Siyempre ako, nakaka-miss din na makasama siya sa ASAP."

Kadalasan, nawawala ang communication o closeness ng mga nagkakasama sa isang proyekto kapag tapos na ang kanilang shooting o taping.

Sa kanilang dalawa, nagpatuloy ba ang friendship even after their movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gerald, "Doon po kami naging friends sa movie namin.

"Pero hindi naman po ibig sabihin na dahil wala nang movie, hindi na po kami puwedeng maging friends.

"Tuloy-tuloy lang."

Mas nagiging slim ba ang chance na magkagustuhan sila kapag may nagpu-push o pumipilit na mangyari ito?

"Well, tulad po ng sinabi ko, hayaan n'yo lang. Dahan-dahan lang. Just step by step," sabi ng young actor.

Nakuha na ba ni Gerald ang cellphone number ni Sarah?

"Ayun, nagkaroon na po ako ng lakas ng loob para hingin yung number niya, lalo na po magkasama na kami sa Globe!" natatawang sabi ng binata.

"So, yeah, yun... pero hihingin pa lang po.

"At saka, number lang naman. Wala namang ibig sabihin dun."

FALLING IN LOVE. May halong takot din ba on Gerald's part to pursue Sarah dahil kilala sa pagiging protective ang mga magulang ng singer-actress, partikular na ang ina nitong si Mommy Divine?

"Takot? Alam n'yo, nakasama ko si Mommy Divine almost every day noong mag-shooting kami sa movie.

"Sobra-sobra po akong napapabilib sa kanya, sa pamilya nila, kay Sarah.

"Takot, wala. Wala namang dapat ikatakot kasi alam mong buo ang pamilya nila.

"Dapat lang sure ka kasi yung mga taong katulad ni Sarah, dapat po talagang alagaan," saad niya.

Pero if ever, ready ba siya sa kundisyon ng mga magulang ni Sarah na dapat ay dumaan sa tamang proseso ang sinumang manligaw sa kanilang anak?

"Kahit sino naman pong liligawan ko, dapat aware ka sa pamilya niya, aware ka sa lahat. Sa mga kaibigan niya.

"Para mas malaki po ang chance, di ba?" sagot niya.

Naniniwala ba siya sa love at first sight?

"Well, yes," sambit ni Gerald.

"Pero sa akin po, hindi pa po nangyayari yung love at first sight.

"Mas gusto ko yung ma-in love ka sa kakilala mo at matagal kayong magkakasama. Na kilalang-kilala mo siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon na siya ng relationship na taga-showbiz. Mas gusto ba niyang sa susunod ay taga-showbiz pa rin ang makarelasyon niya, o non-showbiz naman?

"Hindi po natin puwedeng sabihin," sabi niya.

"Siyempre, kapag na-in love po ako sa isang artista, in love na po ako.

"Kapag na-in love po ako sa hindi artista, ganoon din po."

KIM CHIU. Balitang maraming manliligaw ngayon si Kim Chiu. Ano ang reaksiyon ni Gerald dito?

"Hindi ko na po hawak yun. Wala na po akong magagawa do'n," nakangiti niyang sabi.

"Magandang-magandang babae po si Kim Chiu, at dadami at dadami pa 'yan.

"I'm happy for her. She's very beautiful right now at meron din siyang bagong project, ang Binondo Girl, sana suportahan din po."

Love pa rin ba niya si Kim?

"Oo naman, love ko siya," sagot ni Gerald.

Anong klaseng love ito?

"Alam naman niya na nandito ako palagi sa kanya. I care for her, of course.

"Kapag may problema siya, alam naman niya na nandito lang ako.

"Kung may kailangan siya sa akin, supportive ako sa kanya."

Nakikita ba niya ang sariling falling in love again with Kim o ligawan niya ulit ang dalaga?

"Natutulog pa po ang lovelife ko," mabilis na sabi ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN