Sam Milby denies courting Kim Chiu, but thinks she's girlfriend-material

IMAGE 0


Sam Milby on fellow Kapamilya talent Kim Chiu: "Maganda siya, mabait talaga. Si Kim, any guy would be lucky na mging girlfriend siya. Alam mo naman na faithful siya kung siya ang maging girlfriend."


Natatawa ang acoustic heartthrob na si Sam Milby tungkol sa kumakalat na balitang nililigawan niya ang My Binondo Girl lead actress na si Kim Chiu.

Nagsimula ang usap-usapan na ito nang biruin si Sam ng TV host na si Kris Aquino sa kanyang morning show na Kris TV. Pabiro kasing iminungkahi ng host kay Sam na ligawan si Kim.

Bagamat ikinatuwa ito ni Sam, ipinaliwanag naman niya na hindi totoo ang balita.

"Natutuwa ako kasi si Ate Kris naman, love na love kay Kim.

"Para sabihin [puwede] ako kay Kim, ibig sabihin she likes me," sabi ni Sam sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos niyang mag-renew ng endorsement contract sa Dermablend kahapon, Agosto 16, sa Mario's Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Pagkatapos ang muli niyang nilinaw, "Friends lang kami ni Kim.

"Hindi ibig sabihin na walang puwedeng mangyari.

"Pero ayaw ko rin na, you know, to put any color to what we have kasi talagang friends lang kami."

Ibig sabihin ba nito na imposible magkaroon siya ng espesyal na relasyon sa dalagang aktres?

Sagot ni Sam, "Hindi ibig sabihin na walang chance. You can't say that. But we're really just friends."

Para kay Sam, maituturing na girlfriend-material ang dating Pinoy Big Brother Teen grand winner.

"Maganda siya, mabait talaga," paglalarawan ni Sam kay Kim.

"Si Kim, any guy would be lucky na mging girlfriend siya.

"Alam mo naman na faithful siya kung siya ang maging girlfriend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN