Gabby Concepcion hopes movie with ex-wife Sharon Cuneta happens next year; refuses to comment on KC-Piolo relationship

IMAGE 0


Gabby Concepcion on Sharon Cuneta losing some weight for their reunion movie: "Hindi pa kami nagkikita, e. Hamo, tatawagan ko siya para magkaalaman."


Hindi nakalimot ang isa sa "original Regal Babies" na si Gabby Concepcion sa pagdalo sa 72nd birthday ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde noong August 19 sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

Bagamat marami nang mga bisita ni Mother ang nakaalis, sumipot pa rin si Gabby, na noong 1980s ay maraming pinagbidahang blockbuster Regal movies.

"Eto na naman tayo, mga original babies ni Mother," masayang bungad ni Gabby sa harap ng mga nag-stay na press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa lobby ng mezzanine kung saan ginaganap ang party ni Mother Lily.

"Kay Mother, maraming dumadalaw sa kanya. Maraming nagmamahal sa kanya.

"Nag-umpisa ako kay Mother Lily, sa Regal. Hindi ko makakalimutan yun.

"Yung Katorse [launching movie of Dina Bonnevie]. In fact, ginawa na ngang remake yun sa TV, di ba?

"Very unforgettable yung Katorse. Kasama ko si Dina and si Alfie Anido. Kung naaalala n'yo pa si Alfie," pagtukoy pa ng aktor sa yumaong matinee idol.

Dagdag pa ni Gabby, "Marami kaming ginawang mga pelikula ni Mother. Ang dami!

"All the directors that are still working right now, yung mga doing movies, like Maryo de los Reyes, nakatrabaho ko sa Regal."

BACK TO REGAL FILMS. Noong gabi ring yun ay nalaman ng press na gagawa si Gabby ng bagong comedy film sa Regal, ang Ded Na Ded Sa 'Yo.

Kasama niya sa pelikula sina Ruffa Gutierrez, Pokwang, Kiray, Jillian Ward, at Gloria Diaz. Introducing dito si Ervic Vijandre na produkto ng recent Survivor Philippines.

"Itong Ded Na Ded Sa 'Yo ang gagawin ko with Regal. Nakakatawa siya. Excited nga ako, e, dahil gagawa uli ako with Regal.

"Situational comedy kasi ito, e," impormasyon ni Gabby na ang huling movie under Regal ay yung White House shown last year, 2010.

Samantala, bakit nga ba muling "nawala" sa sirkulasyon si Gabby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bumalik ako sa States. Gumawa ako ng mga shows. Kakatapos lang namin. I just arrived a few days ago.

"Tamang-tama, birthday ni Mother, pinauwi niya ako. Birthday daw niya. Hindi puwedeng hindi ako sumipot."

MOVIE WITH MEGA? Kumusta naman ang pelikula niya with Megastar and ex-wife Sharon Cuneta sa Star Cinema? Matutuloy pa ba yun, o hindi na?

"Hindi ko alam, e," ani Gabby.

"Pinag-uusapan. Pero, I think baka next year na lang."

Pumapayat na raw ang Megastar kaya ready na ito for their film.

"Hindi pa kami nagkikita, e. Hamo, tatawagan ko siya para magkaalaman," ngiti ng ama ni KC Concepcion.

BYE KAPAMILYA? Ayon kay Gabby, expired na ang contract niya with ABS-CBN kung saan siya pumirma noong 2008 noong dumating siya galing Amerika.

So, hindi na talaga siya Kapamilya?

"Wala naman akong project [sa kanila] ngayon, e. I'm independent [artist], so I can work with anybody.

"Expired na po ang contract ko sa kanila," banggit pa niya.

Ano ang masasabi ni Gabby na since paalis-alis siya ng bansa, hindi raw siya consistent, o seryoso sa career niya rito sa Pilipinas?

"Hindi. Seryoso ako sa trabaho ko," paglilinaw niya.

"In fact, ngayon ko lang narinig 'yan. Ang projects kasi... Very sensitive ako sa projects. Because medyo matagal na ako in the industry.

"Pagbalik ko, naging very ano ako sa projects. Very careful. After all, I owe it to my audience.

"And kung gagawa ako ng mga projects na basta-basta lang [makakasira].

"Mero'n akong mga projects na basta-basta lang, e. So para ko sila [fans] sinu-shortchange.

"So, I promised na ang projects that I will do, e, magaganda. Yung quality. It's not the quantity, but the quality.

"I need to maintain that way. Yun ang consistency."

Puwede ba niyang diretsahang sabihin na may tampo siya sa ABS-CBN? Kasi, after ng last soap opera nito at ang Star Cinema movie niya with his daughter na si KC ay hindi na ito nasundan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala!" pagdidiin ni Gabo.

"No, no, no! Trabaho lang po ito, walang personalan, 'ika nga ni Rudy [Fernandez sa kanyang movie].

"Ako, I'm just doing my work. Ever since na dumating ako, sabi ko nga sa sarili ko, I will work hanggang sa kailangan nila ako.

"Wala akong gagawing sakit ng ulo kahit na kanino.

"Basta kung kailangan nila ako, nandito ako."

Habang kontratado siya ng ABS-CBN, aside from Rose Flaminiano, nasa Star Magic din siya, ang talent development arm ng Kapamilya network.

Kumusta ang naging pagpapaalam niya sa former manager niyang si Mr Johnny "Mr. M" Manahan na head ng Star Magic?

"Oo nga, kasi, maraming nangyayari sa buhay natin na hindi natin kung minsan pinaplano. Nangyayari lang.

"Pero, nag-usap kami [ni Mr. M] and okey naman.

"Ganoon talaga. May mga transition," sabi niya.

MY GIRL KC. Nagkita, o nagkausap na ba sila ni KC?

"Oo. Si KC, gusto nga niyang sumama sa Batangas, e. E, hindi ako puwede.

"Pagka naman puwede ako, hindi naman siya puwede. Pag puwede siya, ako naman ang hindi puwede."

Since open naman ang communication nilang mag-ama, ano ang reaction ni Gabby na may "pinagdadaanan" daw ang anak niya with Piolo Pascual na boyfriend nito?

"Hindi ko alam 'yan!" tawa ni Gabby at akmang iiwas na sa press, lalo't may nakatutok na kamera ng TV talk shows.

Halatang iniiwasan ni Gabby ang isyung KC-Piolo at papasok na ito sa function room ng birthday ni Mother Lily, kaya hindi na nag-follow up question ang press tungkol dito.

Ang naisip na lang naming itanong ay kung paano niya naisip si Boss Vic del Rosario na kunin bilang bagong talent manager? Matatandaang napabalitang ang Viva na ang hahawak sa career niya, after Star Magic.

"A, nag-usap-usap silang mga managers [Boss Vic, Mommy Rose]. And ako, nakikinig naman ako. I'm a team player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung ano na lang ang makakabuti para sa lahat, e, sumusunod na lang ako.

"Yun na lang para wala nang intriga!" pagtatapos ni Gabby, sabay pasok na sa loob to greet the birthday celebrator.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN