Boy Abunda on current relationship status of KC Concepcion and Piolo Pascual: "I wish it works."

IMAGE 0


"Ang akin lamang, I wish it works. Ang lahat ng ito, parang there's a brewing something pero sana maayos," says Boy Abunda on the current relationship status of celebrity couple KC Concepcion and Piolo Pascual.


Nang lumabas ang balitang nagkakaroon ng problema sa ngayon ang magkasintahang sina KC Concepcion at Piolo Pascual, marami ang humiling na sana ay maayos pa ito.

Isa na rito ang co-host ni KC sa The Buzz—ang tinaguriang "King of Talk" na si Boy Abunda.

Wala umanong nalalaman si Boy sa kung anuman ang pinagdadaanan ngayon ng makasintahan ngunit sabi niya, "I wish it works."

Matatandaan na noong Agosto 24, nagbigay ng isang matalinghagang pahayag ang ina ni KC na si Sharon Cuneta tungkol sa bali-balita sa kanyang anak at kay Piolo.

Aniya, ayaw niyang makialam sa lovelife ng kanyang anak.

Subalit pakiusap niya, "I just want whoever it is who will be in my daughter's life would love and take care of her the way we would. Kasi hindi ko pinalaki 'yan para i-take for granted lang o balewalain." (CLICK HERE to read related article.)

Noong Linggo, Agosto 28, inamin naman ni KC na may pinagdadaanan sila ni Piolo. Subalit hindi na nagbigay ng anumang detalye ang singer-actress. (CLICK HERE to read related article.)

Katulad ng nakararami, interesado rin si Boy na malaman kung ano ang "pinagdaraanang" ito nina KC at Piolo.

Kaya naman umiwas si Boy na magbigay ng anumang pahayag tungkol dito nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa dinaluhan niyang convention ng mga miyembro ng Splash Direct Selling company kamakailan.

Sa halip, sabi ni Boy, "I want to speak to either Sharon or KC so that I would get the right context, 'yong tamang konteksto.

"Hindi ako puwedeng magbigay ng komento dahil hindi ko alam kung ano ang pinaggagalingan.

"Yes, I am close to both and I'd like to find out just like you. Gusto ko ring malaman.

"Pero sigurado ako na mayroong kuwento ito, may pinanggagalingan."

Dagdag pa niya, "Sharon is very intelligent and she's a very nurturing person. She's very intelligent but she's also very emotional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, noong narinig ko 'yon, sabi ko, I wanna know the story from Shawie. I wanna listen. She's a friend.

"Si Kristina naman, magkakasalubong kami niyan. I'm sure she'll share the story.

"But at this point, I have no intelligent comment."

Sa halip na magbigay ng opinyon, sinabi ni Boy na mas makabubuti kung maghintay na lamang ang mga tao na manggaling mismo sa magkasintahan ang paglilinaw sa mga naglalabasang balita.

Aniya, "Ang lahat ng ito, parang there's a brewing something pero sana maayos.

"Kasi, matalinghaga at malalim talaga [ang sinabi ni Sharon], agree naman ako.

"Alam ko na may ibig sabihin, but hindi lang natin nakaklaro pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN