KC Concepcion promises to be patient and understanding with boyfriend Piolo Pascual for as long as she can

IMAGE 0


"Tinatanggap ko siya nang buong-buo. At iniintindi ko siya nang buong-buo. Kasi, importante na kapag nag-commit ka sa isang relasyon, hindi mo siya iiwan sa ere. So, sinabi ko sa kanya yun. 'Noong nag-promise ako sa 'yo na kaya mo 'to, naniwala ako na kaya mo. So, nandito ako para hawakan ang kamay mo. At talagang magiging patient and understanding ako hangga't kaya ko. Hangga't talagang kaya ko pa," says KC Concepcion in committing herself fully to relationshi


Last week, absent sa The Buzz si KC Concepcionpero nagbigay pa rin siya ng pahayag tungkol sa pinag-uusapang pagkakalabuan ng kanilang relasyon ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi itinanggi ni KC na may pinagdadaanan silang pagsubok ng kanyang boyfriend.

Sa Star Magic Ball noong Sabado ng gabi, September 3, magkasabay na dumating ang dalawa at magkasama rin na hinarap ang isyu sa kanilang relasyon. (CLICK HERE to read related story.)

Sila rin ang binigyan ng award sa nakaraang Star Magic Ball bilang Star Magic Male and Female Fashionistas.

WE ARE TOGETHER, STILL. Bago ang Star Magic Ball, nakausap ng The Buzz si Piolo sa airport no'ng dumating ito mula sa kanyang concert tour.

Inamin din ni Piolo ang naging pahayag ni KC na may pinagdadaanan nga sila ng girlfriend.


Ayon kay Piolo, "Yes, exactly. Ganoon talaga. Normal naman yun. Maayos naman yun. Wala namang problemang hindi naayos."

"Yes, of course" din ang naging tugon ni Piolo when asked kung maayos silang dalawa at kung sila pa rin ba ni KC.

May contact at nagkaka-text-an naman daw sila ni KC noong nasa Malaysia siya.

Para kay Piolo, hindi naman dapat pangunahan pa ng iba ang kanilang relasyon.

Aniya, "Huwag namang pangunahan. There are things na nangyayari sa bawat relasyon.

"Kung anuman ang pinagdadaanan namin noon, hinaharap natin yun.

"Kung anu't anuman ang mangyari, let's just pray. Let's just pray na maging maayos."

HEART-TO-HEART TALK. Bago pa man nga raw humarap nang sabay sa Star Magic Ball, nagkausap na ang dalawa at napag-usapan ang anumang naging problema nila.

In fact, bukod sa pag-uusap, labis din daw na ikinasaya ni KC ang espesyal na regalong ibinigay sa kanya ng boyfriend.

"Masaya ako. Nakapag-usap naman kami and, you know, you really hope that it works out till the end, di ba?" sabi ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, happy ako, first time na binigyan niya ako ng jewelry.

"So, mero'n akong gift from him. Mahilig ako sa emerald at saka sa corals."

Suot nga ni KC noong gabi ng Star Magic Ball ang earrings na ibinigay sa kanya ni Piolo. Habang ang singsing na suot naman daw niya ay nanggaling sa kanyang lola bilang pamana.

Kapansin-pansin na ang earrings na suot ni KC sa Star Magic Ball na bigay ni Piolo ay ang parehong hikaw pa rin na suot niya sa The Buzz kahapon.

THE EARRINGS. Bigla ring naging emosyunal at napaluha si KC sa interview sa kanya ng kanyang mga co-host sa The Buzz kahapon.

"Teka, hindi ko napaghandaan 'to. Unang-una na lang po, sa mga nagmamahal sa amin ni PJ [palayaw ni Piolo], I'd like to thank yung mga nagmamahal sa amin ni PJ.

"Sa sobrang faith ninyo sa amin. Sa sobrang paniniwala ninyo sa love.

"At saka siguro, normal lang na maraming pinagdadaanan ang mga taong nasa isang relasyon.

"And siguro lang, sa mga hinaharap na problema, or challenges sa isang relasyon, ang importante, hindi talaga pinagtataguan, or tinatakasan yung mga isyu.

"And sana, parehong harapin ng dalawang taong nasa relasyon kung anuman ang maging problema.

"And dalawang magkaibang tao yun, di ba? Two separate people na pinagsama.

"So, talagang importante lang siguro na magkaintindihan yung dalawa.

"So, sa lahat ng nagmamahal sa amin, salamat sa suporta ninyo.

"Sa lahat ng tweets ninyo at sa lahat ng masaya kapag masaya kami. At malungkot kapag malungkot kami."

Sa pagitan ng pagluha, nakuha pang magbiro ni KC ng, "So, i-share natin ang hikaw na ito. Hiramin n'yo kung gusto niyo. I-schedule n'yo lang."

Ayon kay Toni Gonzaga, nagulat daw siya na umiyak si KC.

"Nagulat din ako! Sabi ko na kasi..." sabi naman ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY NOW? Then, Boy asked KC kung masaya ba siya habang nag-uusap sila ng mga oras na yun ni Piolo Pascual.

"Well, kagabi po, nakapag-usap naman kami ulit. At saka, tinatanggap ko siya nang buong-buo.

"At iniintindi ko siya nang buong-buo. Kasi, importante na kapag nag-commit ka sa isang relasyon, hindi mo siya iiwan sa ere.

"So, sinabi ko sa kanya yun.

"'Noong nag-promise ako sa 'yo na kaya mo to, naniwala ako na kaya mo.

"'So, nandito ako para hawakan ang kamay mo.

"'At talagang magiging patient and understanding ako hangga't kaya ko. Hangga't talagang kaya ko pa.'"

Ano naman ang naging commitment ni Piolo sa kanya?

"Siya na lang ang tanungin n'yo!" natatawa niyang sagot.

HER COMMITMENT. May pahabol na tanong naman si Charlene Gonzalez kay KC kung may mga bagay raw ba sa kanila ni Piolo na hindi alam ng publiko, pero gusto niyang i-share.

Ayon kay KC, "Siguro, ano lang, kailangan lang talagang pag-usapan. Siguro, na hindi mag-iwanan.

"Kapag nag-commit kayo, kung ano ang importante sa isang tao, kailangan na bigyan ninyo talaga ng importansiya yun.

"Kasi, kayong dalawa lang ang nasa relasyon.

"At the end of the day, kayong dalawa ang magkasama. Nagsasama.

"And nagiging priority siyang talaga once na nag-commit ka, di ba? So, hindi na puwede yung dating buhay.

"Siguro, there are things na kailangang mag-iba dahil meron nang taong involved.

"And God has always been at the center of our relationship.

"I'm so sorry kanina, talagang hindi ko ine-expect na meron tayong sariling segment tungkol sa amin.

"Thank you lang talaga sa lahat ng nagmamahal.

"And of course, thank you rin sa pamilya ni PJ na talagang mahal na mahal ko.

"At sa pamilya ko na hindi ko lang mahal na mahal, kung hindi alam ko na mahal na mahal nila ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nakuha pang magbiro ni KC.

Aniya, "Come to think of it, okay rin pala na may mga ganito kaming moment, bigla akong nagkakaroon ng gift. Joke lang!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN