Piolo Pascual on Sharon Cuneta's remarks about him and girlfriend KC Concepcion: "Sa amin na lang po yun."

IMAGE 0


Piolo Pascual on public opinion about him and girlfriend KC Concepcion: "Siyempre, hindi natin maiaalis kung anuman ang sabihin ng tao. Bahala na. Basta ang alam ko, okay kami. Nairaos din namin ang Star Magic Ball. For three consecutive years, siya ang kasama ko, so malaking kapanatagan sa akin yun. Kung anuman ang mga iniisip ng mga tao, bahala na lang sila."


Nakapagbigay na ng kanyang pahayag at saloobin si KC Concepcion last week sa The Buzz tungkol sa sinasabing pinagdaanan, or pinagdadaanan ng relasyon nila ng boyfriend na si Piolo Pascual.

Ayon kay KC, nakapag-usap at nakapag-ayos na sila ng aktor. At tinanggap nga raw niya ito nang buong-buo at inuunawa. (CLICK HERE to read related story.)

FROM PAPA PIOLO. Yesterday naman, September 18, sa maikling pakikipag-usap ng The Buzz kay Piolo, nagbigay rin ito ng ilang pahayag sa estado ng relasyon nila ngayon ni KC.

Ayon kay Piolo, "Siyempre, hindi natin maiaalis kung anuman ang sabihin ng tao. Bahala na.

"Basta ang alam ko, okay kami. Nairaos din namin ang Star Magic Ball.

"For three consecutive years, siya ang kasama ko, so malaking kapanatagan sa akin yun.

"Kung anuman ang mga iniisip ng mga tao, bahala na lang sila."

Sa kabila ng mga intriga sa kanila noon ni KC bago ang Star Magic Ball at pag-uwi ni Piolo galing sa kanyang Asian tour, instead nga raw na indahin ang anumang intriga, may dala pa itong pasalubong kay KC na alahas.

Sabi naman ni Piolo sa bagay na ito, "Siyempre, kapag alam mo naman sa babae na makakapagpaligaya ka at tinanggap ng buong-buo, happy ako do'n."

Yun nga lang, mas mapapadalas daw ang pag-alis ni Piolo sa bansa para sa kanyang Asian tour nga na konektado sa kanyang album.

At posibleng mas magkulang ang oras nila para sa isa't isa.

"Basta may oras naman, hindi naman mawawala yun.

"Mag-ii-start na rin siya ng soap niya and I'm excited for her. Workaholic din."

MEGA'S COMMENT. On the other hand, naungkat din nga ang naging pahayag ng ina ni KC, ang Megastar na si Sharon Cuneta kaugnay ng mga pinagdaanang intriga ng anak.

Nagbitiw ng pahayag si Sharon sa isa sa interview sa kanya ng The Buzz na, "I just want whoever it is in my daughter's life to love and take care of her the way we would.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi ko pinalaki 'yan para i-take for granted lang at balewalain because that's very unfair."

Natatawang naging tugon naman ni Piolo sa naging pahayag ni Sharon ay ito: "Sa amin na lang po yun."

GOOD FOR KC. Sa huli, excited na rin daw si Piolo sa kanyang pagbabalik-teleserye sa ABS-CBN.

"It's a dream project. Kasi, ang makakasama ko rito, first time kong makakasama.

"So, kanina lang siya nag-confirm and I'm really excited to work with him," pa-suspense pa niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN