Cassie Umali: The "accidental" Rugby Football player

Dec 25, 2011
Cassie Umali (in photo) on playing Rugby Football: "Iniisip nila na dahil babae, hindi dapat masaktan or hindi dapat magkaroon ng galos, kahit na magkaroon ng peklat. Pero kaya kami nagte-training, para sanayin 'yong katawan namin, pati 'yong mental aspect ng game. NA kailangan talaga confident ka maglaro para hindi ka ma-injured at para hindi ka rin mahirapan during the game."

Isa si Cassie Umali sa mga naniniwalang football ang bagay na laro para sa mga Pilipino. Pero, Rugby Football at hindi American football ang kanyang inirerekomenda.

Ang kaibahan ng rugby football sa American football ay ganito: sa rugby, imbes na sipain ang bola, bubuhatin ito papuntang goal.

Nakapanayam kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Cassie sa ginanap na JML Products promotion sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Ang katangiang "mabilis tumakbo" ang sinasabi niyang magiging lamang ng Pinoy sa larong ito.

"Kasi ang mga Pilipino nage-excel sa mga running sports, sprinting," saad niya.

"Well, let's face it, hindi naman tayo matatangkad. So, kaya sinasabi ko na Rugby is good because mabilis tayong tumakbo.

"Sa field, takbuhan talaga 'yong rugby, and then you need a height na tama lang para i-tackle mo 'yong mga tao sa field.

"Pero, para hindi ka i-tackle, kailangan mabilis ka. So, overall, kailangan mabilis ka pagdating sa rugby.

Continue reading below ↓

"That's why Filipinos are good for this sport."

Ang sinasabi ni Cassie na "tackle" ay isang skill na ginagamit sa paglalaro ng rugby football, kung saan pipigilan mo ang kalaban at aagawin sa kaniya ang bola upang ikaw ay maka-goal.

THE ACCIDENTAL PLAYER. Ang larong ultimate frisbee ang talagang nilalaro ni Cassie at hindi rugby football.

Nagsimula lamang siyang maglaro nito matapos ng kanyang panayam sa coach ng Philippine Rugby Football Team na si Coach Matt Cullen.

Sportscaster at segment producer noon si Cassie para sa isang sports program ng ANC, ang 24-hour news channel ng ABS-CBN, kung saan katambal niya si Bill Velasco.

Kuwento niya, "Kasi I play ultimate frisbee. I used to play volleyball, baseball, nag-basketball din ako. So, the athleticism was already there.

"We came across the Philippine Rugby Football Union, nang gumawa kami ng feature do'n sa sport.

"So, I featured them. Ako nag-interview sa kanila, and during that time, which is about early last year, 2010, noong in-interview ko si Sir Matt Cullen, sabi niya they're going to put up together a ladies' team.

Continue reading below ↓

"So, first ever Philippine ladies' rugby team! Ako, parang ano, di ba, there's a chance to become a part of the national team.

"So, I don't know how to play rugby. So, I got into it and started playing with them, and then I came trying out for the team.

"Hindi ako nakuha no'ng first team pero I still trained and continuously went to the practices.

"And, eventually, I became the part of the second team. Noong tour, we went to Laos and we also went to Hong Kong Sevens this year."

Ang Hong Kong Sevens daw ang pinakamalaking kompetisyon para sa mga manlalaro ng rugby football mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Kung panonoorin ang paraan ng kanilang paglalaro, hindi maiiwasan na magkasakitan ang mga manlalaro ng sport na ito.

Dahil kailangan mong makipag-balyahan para maprotektahan o maagaw ang bola sa kalaban.

Kaya naman, hindi maiwasan ng ilan na isiping hindi nababagay ang larong ito para sa mga babae. Gayunman, iba ang pananaw ni Cassie.

Continue reading below ↓

"Kasi hindi talaga maiiwasan na masusugatan kami, na hindi na flawless 'yong legs namin.

"Tanggap na namin 'yon, it comes with the sport," natatawang sagot niya.

"Iniisip nila na dahil babae, hindi dapat masaktan or hindi dapat magkaroon ng galos, kahit na magkaroon ng peklat.

"Pero kaya kami nagte-training, para sanayin 'yong katawan namin, pati 'yong mental aspect ng game.

"Na kailangan talaga confident ka maglaro para hindi ka ma-injured at para hindi ka rin mahirapan during the game.

"Kasi, lalo na sa rugby, it's a very physical sport. So, there's a lot of preparation and exercise and training to be put in."

FROM CHUBBY TO HEALTHY. Samantala, bukod sa magandang libangan ay may iba pang magagandang nadulot ang larong ito kay Cassie.

Inamin niya sa PEP na may katabaan siya noon.

Pero dahil sa sinusunod niyang diet at pagiging aktibo sa rugby ay naging maganda na ang kanyang pangangatawan.

Continue reading below ↓

Kaya naman, ibinahagi niya ang kanyang sikretong diet: "Hindi mo dapat maramdaman na nagda-diet ka para pumayat. So it was like the key factor.

"So, ginawa ko, instead of rice I have oatmeal that's cooked like rice na kasama ng ulam!

"Hindi mo binago 'yong diet mo dahil 'yon pa rin 'yong kinakain mo.

"'Di ba, parang 'pag nag-diet ka, nasa bahay ka na iba kinakain mo, like salad lang 'yong kinakain mo. Parang you'll feel so deprived.

"So, parang hindi mo matuloy 'yong diet mo kasi, sila masarap 'yong kinakain, tempting, pero ikaw hindi.

"So, what I did is I just replaced oatmeal for rice.

"And then kung anong ulam noong family ko sa bahay, kasabay lang din no'n.

"Kasi there's a lot of fiber in it, and it's not different because it's the same like carbohydrates. It's just that mas marami siyang fiber.

"So, that's the diet that I recommend for everyone who asks me. Kasi maraming nagtatanong sa akin and athletic ako, and they really saw na pumayat ako.

Continue reading below ↓

"So, 'pag ni-recommend ko sa kanila 'yong diet kong 'yon, lahat sila pumayat talaga."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cassie Umali (in photo) on playing Rugby Football: "Iniisip nila na dahil babae, hindi dapat masaktan or hindi dapat magkaroon ng galos, kahit na magkaroon ng peklat. Pero kaya kami nagte-training, para sanayin 'yong katawan namin, pati 'yong mental aspect ng game. NA kailangan talaga confident ka maglaro para hindi ka ma-injured at para hindi ka rin mahirapan during the game."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results