Tyron Perez: The farmer turned actor

Dec 31, 2011
Tyron Perez, a former StarStruck Season 1 Avenger, was found dead last December 29, in an abandoned car along the service road of North Luzon Expressway, near Barangay Ugong, Valenzuela City.

Isang simpleng magsasaka na nangarap na maging artista.

Ganito mailalarawan ang naging simula ni Jojo Perez, o mas kilala bilang Tyron Perez, nang kanyang pasukin ang mundo ng showbiz.

Ipinanganak si Tyron noong Setyembre 14, 1985 sa Concepcion, Tarlac. Siya ang bunso sa kanilang anim na magkakapatid.

Ang kanyang balingkinitang katawan at morenong balat ay bunga ng kanyang pagtatrabaho sa sakahan kasama ng kanyang ama.

Nag-aral siya ng kursong Fine Arts sa Bulacan State University sa Malolos, Bulacan.

Kapapasok pa lang niya ng kolehiyo noon nang pinili niyang tumigil sa pag-aaral upang subukan ang suwerte sa showbiz.

HIS SHOWBIZ LIFE. Unang napanood si Tyron sa late-night show ni German Moreno na Walang Tulugan with the Master Showman noong 2001.

Isang taon din nanatili sa programang ito si Tyron hanggang sa lumahok siya sa reality talent search ng GMA-7 na StarStruck Season 1 (2003), kung saan kasabayan niya sila Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Nadine Samonte, Dion Ignacio, Katrina Halili, Cristine Reyes, at Sheena Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunman, hindi pinalad si Tyron na mapabilang sa mga finalist ng naturang patimpalak, at natanggal sa ika-anim na linggo ng elimination.

Pero, hindi niya isinuko ang kanyang pangarap na maging artista.

Nagsikap si Tyron at noon ngang 2006 ay nakasama siya sa pelikulang Twilight Dancers, kung saan gumanap siya bilang isang macho dancer.

Bukod pa sa pelikulang ito'y gumawa siya ng ilang shows sa Kapuso network tulad ng Kung Mamahalin Mo Lang Ako (2005), Bakekang (2006), Kung Mahawi Man Ang Ulap (2007), at Lupin (2007).

Ngunit, nang pumanaw ang kanyang manager na si Douglas Quijano noong 2009 ay tila natigilan ang pag-usbong ng career ni Tyron.

Kaya naman noong nakaraang taon ay nagdesisyon siyang pumirma ng kontrata sa Star Cinema, at ganap na ngang naging Kapamilya.

Ilang palabas din ag nagawa niya sa ABS-CBN, tulad na lang ng Momay (2010), Imortal (2010), Mula Sa Puso (2011), at ang pinakahuli'y sa "Baunan" episode ng Maalaala Mo Kaya (2011).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HIS EARLY DEATH. Ngunit, ang muling pag-usbong ng karera ni Tyron ay tuluyan nang natuldukan sa edad na 26.

Ito'y matapos siyang matagpuang patay ng gabi ng Disyembre 29, sa isang abandonadong sasakyan sa service road ng North Luzon Expressway, malapit sa Barangay Ugong, Valenzuela City. (CLICK HERE for related article)

Naulila ni Tyron ang kanyang non-showbiz wife na si Liv Espino, isang flight attendant, na pinakasalan niya noong Mayo 27, 2009. (CLICK HERE for related story)

Anggulong "suicide" ang tinitignang sanhi ng kanyang pagkamatay, ngunit patuloy ang mga awtoridad sa pag-i-imbestiga sa naturang kaso.

Ang kanyang mga labi ay kasalukuyang nakaburol sa Loyola Memorial Park, Sucat, Parañaque City, na bukas sa publiko simula Disyembre 30, 2011 hanggang sa Enero 1, 2012.

Ipinararating ng PEP.ph ang lubos na pakikiramay sa pamilya at iba pang mga naulila ni Tyron Perez.

Read Next
Read More Stories About
Tyron Perez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tyron Perez, a former StarStruck Season 1 Avenger, was found dead last December 29, in an abandoned car along the service road of North Luzon Expressway, near Barangay Ugong, Valenzuela City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results