Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez's rumored transfer to TV5: "Irespeto natin kung ano ang desisyon niya sa ngayon."

IMAGE 0


"Siyempre, hindi naman natin mapapangunahan 'yong desisyon ng mga tao. Kasi buhay nila 'yon, e. Nandito lang tayo para umintindi at sumuporta. So, 'yon na lang siguro," says Toni Gonzaga (in photo) about the rumored transfer of friend Mariel Rodriguez to TV5.


Kahit gaano ka-busy si Toni Gonzaga ay lagi siyang naglalaan ng oras para sa entertainment press.

Kagaya na lang kahapon, September 18, nang humabol siya sa fundraising project ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na "Star For A Cause" na ginanap sa Skydome sa SM North Edsa.

Ang nakakatuwa pa, nagkasabay sila ni Raymond Gutierrez sa stage at nag-host for a few minutes sa nasabing event.

Si Toni ay co-host ng Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz, samantalang si Raymond ay co-host naman ng katapat nitong programa na Showbiz Central ng GMA-7. Kaya naaliw rin ang mga taong nandoon to see them hosting together for the first time.

Sa naturang event nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni.

MARIEL RODRIGUEZ. Malapit na kaibigan ni Toni si Mariel Rodriguez. Kaya tinanong siya ng PEP tungkol sa napapabalitang paglipat ni Mariel sa TV5. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ani Toni, "I don't think I'm in the position to answer any of those questions.

"Kasi, artista din lamang ako. At kaibigan lang naman ako. Hindi naman ako lawyer. Hindi naman ako spokesperson.

"So, hayaan na lang natin silang mag-confirm ng mga ganyang bagay."

Pero di ba't wala na si Mariel sa Happy Yipee Yehey! noong Sabado, September 17?

"Oo. Desisyon niya 'yon," sagot ni Toni.

"Siyempre, irespeto natin kung ano ang desisyon niya sa ngayon. Hindi natin alam ang mga desisyon niya.

"At kahit na alam ko rin naman, hindi naman siguro maganda na sa akin manggaling 'yon dahil masyadong personal 'yong paglipat na mangyayari.

"So, if ever man na matuloy o kung hindi, I think ang dapat na sumagot niyan ay si Mariel.

"Sa ngayon kasi, wala pa akong alam na concrete na desisyon.

"So, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman namin. Naghihintay din lang kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May lumabas ding balita na nagbigay na ng farewell party ang Happy Yipee Yehey! kay Mariel. So, ibig sabihin, tuloy na nga ang pag-alis ni Mariel sa bakuran ng ABS-CBN?

Ayon kay Toni, "No'ng Friday [September 16], wala ako. Nagkasakit kasi ako. So, narinig ko lang 'yan.

"And uhm... mahirap siguro na magsalita ako kasi hindi ko naman alam kung ano ang nangyari doon, e.

"Kung nando'n siguro ako, puwede akong makapagbigay ng detalye."

Pero noong Huwebes, September 15, ay present pa si Mariel sa show.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng PEP, nagkaroon daw ng closed-door meeting si Mariel kasama ang mga big boss ng ABS-CBN. At nag-resign na raw si Mariel effective kinabukasan.

Ano ang reaksiyon dito ni Toni?

"Siyempre, hindi naman natin mapapangunahan 'yong desisyon ng mga tao. Kasi buhay nila 'yon, e.

"Nandito lang tayo para umintindi at sumuporta. So, 'yon na lang siguro."

Kaugnay ng balitang ito, napag-alaman ng isang mapagkakatiwalaang source na kumpirmado nang lilipat si Mariel sa TV5. Posible ring makasama ang TV host sa variety-game show ni Willie Revillame na Wil Time Bigtime.

EAT BULAGA!Sa ibang topic naman, may naging pahayag si Joey de Leon na kasama pa rin daw si Toni—at maging si Derek Ramsay—sa libro na ilalabas ng Eat Bulaga!. Bago kasi lumipat si Toni sa ABS-CBN ay naging co-host siya ng nasabing noontime show sa GMA-7.

Alam ba niya ang tungkol dito?

"Actually, nasa Eat Bulaga! pa lang ako, 25th year pa lang, pinag-uusapan na 'yong coffee table book.

"Tapos siyempre, lahat excited. Excited talaga ako no'ng time na 'yon na sabi ko, 'Wow, makakasama ako!'

"Kaya lang, siyempre no'ng lumipat na ako, iniisip ko nga, baka hindi na ako maisasama. Pero I'm really thankful.

"Una kong nalaman 'yon kay Paul [Soriano, Toni's boyfriend].

"No'ng idinirek niya si Tito Joey sa GMA, sinabi ni Tito Joey na isasama raw ako do'n sa libro. So, natuwa naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, ngayon na sinabi niya [Joey] na kasama ako talaga, siyempre I'm grateful and thankful dahil kahit papa'no ay inilagay tayo na naging bahagi ng Eat Bulaga!."

Sa ngayon ay isa si Toni sa mga host ng Happy Yipee Yehey!, na katapat na programa ng Eat Bulaga!.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN