Enchong Dee and his "simple" health regimen

IMAGE 0


Enchong Dee's advice to people who want to start a healthy and active lifestyle: "Choose an exercise or a sport na mag-e-enjoy ka, hindi 'yong napipilitan ka. If you do, 'yong napipilitan ka lang, magsa-stop siya in a certain point and tatamarin ka lang. Hindi mo magagawa 'yong pagiging healthy."


Bago pa man sumali sa showbiz ay health conscious na si Enchong Dee, o Ernest Lorenzo Dee sa totoong buhay.

Ang kanyang fit physique ang magpapatunay kung paano niya inaalagaan ang kanyang kalusugan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Enchong noong Sabado, Enero 7, sa Nutrilite's Living in Full Color event sa Market! Market! Mall sa Taguig City.

Si Enchong ang bagong brand ambassador ng nasabing produkto.

Simple lang ang daily health regimen ng actor: "Dapat you constantly drink water, kung lalagpas ng eight servings okay lang 'yon.

"Second is tamang bilad lang sa sunlight.

"And third, ihiwalay mo lang 'yong taba sa mga kinakain mo."

Wala naman daw siyang diet plan na sinusunod, at kinakain lahat ng gusto niyang pagkain.

Pero, sinisiguro niyang nabu-burn ito sa pamamagitan ng exercise at pagkakaroon ng active lifestyle.

Bukod kasi sa pagpunta sa gym, si Enchong ay active din sa sports, gaya ng running, biking, at swimming.

Kung tutuusin, kayang-kaya niya ang sumali sa Ironman Triathlon.

"Ang daming [invitation]," ang sabi ng aktor. "Like 'yong sa Camarines Sur, mayro'ng tatlong team na nag-offer sa akin to join their team.

"Kaya lang because of work, hindi ko talaga [kaya]."

Ngunit, kung papipiliin siya, swimming pa rin ang pinakagusto niyang sport.

SWIMMING. Miyembro si Enchong ng Philippine National Swimming Team na lumahok sa SEA Games at Asian Games noong 2006.

Paglalangoy ang tinuturing niyang "first love."

Kaya naman kahit busy na siya sa showbiz ay pinipilit niyang makapag-swim kahit isang beses sa isang lingo.

Tatlong bagay daw ang ikinalamang ng swimming sa iba pang sport na nasubukan niya: "less injury," "good exercise sa may hika," at "discipline."

At basta may libreng oras, sumasali pa rin siya sa competitions.

"Every now and then, people from my former team text me kung ano 'yong competitions na puwede kong salihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kapag wala masyadong work that day, sinisingit ko talaga."

At kung may health tip para sa mga gustong magsimula ng healthy and active lifestyle, ito ay ang pumili ng sport na gusto mo.

Aniya, "Choose an exercise or a sport na mag-e-enjoy ka, hindi 'yong napipilitan ka.

"If you do, 'yong napipilitan ka lang, magsa-stop siya in a certain point and tatamarin ka lang.

"Hindi mo magagawa 'yong pagiging healthy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN