Carmina Villarroel has no plans to get married, says it has nothing to do with first marriage to Rustom Padilla who's now BB Gandanghari

IMAGE 0


Does Carmina Villaroel dream of getting married? "Wala yata... kasi, feeling ko, tapos na, okay na. Walang kulang sa akin. 'Di ba, nangangarap ka lang naman kapag may kulang? You're only dreaming and wishing kung hindi ka kuntento sa buhay mo. So, I guess, kuntentong-kuntento na ko. Hindi na ko nagdi-dream," she says.


Nadagdagan na naman ang product endorsement ni Carmina Villarroel with Del Monte tomato and spaghetti sauce.

Wish ba niyang maging No. 1 endorser sa bansa?

"Hindi, hindi naman!" natatawa niyang sabi sa launch bilang endorser ng naturang produkto last Wednesdsay sa 55 Events Place.

"Parang ano lang ako, always thankful na sana, continuous lang ang mga ito. Masarap ang feeling kapag nag-e-endorse ka ng produkto. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan ka.

"Pero never ko naman talagang naging goal na kailangan, I have to be No. 1. Kailangan ganito ko. No, ang sa akin lang talaga, as long as happy kami ng pamilya ko. At pinagkakatiwalaan pa rin ako, enough na sa akin yun."

Hindi nga raw ine-expect ni Carmina na mas pagkakatiwalaan pa siyang maging endorser kung kailan may pamilya na siya.

Aniya, "Hindi, hindi ko talaga inisip na after giving birth, tuloy-tuloy pa rin ang career ko. Akala ko nga, wala na, hihinto na. Yung ganyan. But you know, I'm just so lucky and blessed na tinanggap pa rin ako ng mga tao.

"At saka, siguro nakita rin nila na yung love ko sa craft ko. 'Eto na 'ko. Ito lang ang alam kong gawin. Siguro nakita rin nila na love ko talaga kaya nandito pa rin ako."

In real life, mommy na mommy na nga si Carmina sa kanyang kambal. At isang ina rin ang ginagampanan niya sa seryeng Pahiram ng Isang Ina.

MORE KIDS? Wala ba silang planong sundan pa ang kambal?

"Gusto ko na nga, ayaw ni Zoren, e!"

Bakit si Zoren pa ang may ayaw?

"Hindi, hindi naman, loko lang!" sabay bawi nito nang natatawa. "Masyado naman kayong nag-react kaagad!

"Siguro lang kasi ngayon nga, parang malalaki na nga ang kids, parang, ay, gusto ko namang magka-baby.

"Siguro kaming dalawa, parang minsan gusto namin. Minsan, tama na siguro itong dalawa. Tutal binigyan na tayo ng Diyos ng pair. May one boy, one girl na nga. At okay na okay naman. Siguro, makuntento na lang tayo rito. So, minsan, hindi rin namin maisip. Kung darating, e, 'di, hayan na. Kung hindi naman, okay pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano pa ba sila ni Zoren magpakasal?

"Hindi namin napag-uusapan, so, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa inyo. Hindi ko alam kung, ah, oo; ah, wala. So, kung kami nga, parang okay na okay naman ang relationship namin to the point na hindi na nga namin napag-uusapan kasi, akala nga namin parang tapos na. So, nahihirapan akong sumagot kasi, hindi ko na alam ang isasagot ko."

Nandoon talaga sa kanya ang feeling of security?

"Yes. Kasi, wala naman kaming problema. Ang tagal na namin."

CONTENT. Does she ever dream of getting married?

Napaisip si Mina bago sumagot sabay sabi nang, "Wala yata... kasi, feeling ko, tapos na, okay na. Walang kulang sa akin. 'Di ba, nangangarap ka lang naman kapag may kulang?

"You're only dreaming and wishing kung hindi ka kuntento sa buhay mo. So, I guess, kuntentong-kuntento na ko. Hindi na ko nagdi-dream."

It has nothing to do with her previous marriage with Rustom Padilla, na ngayon ay BB Gandanghari na nga. Hindi naman daw siya na-trauma.

"You cannot please everybody naman. Basta kami, kung darating, darating na lang 'yan."

Naniniwala pa rin ba siya sa kasal?

Mabilis naman ang sagot niya nang, "Of course, of course, naniniwala ako sa kasal. Sino ba naman ang hindi?"

Does it have something to do with religion, kaya hindi pa sila humahantong sa kasalan?

"Wala, hindi rin. Walang hindrance. Walang problema. It has nothing to do with religion. It has nothing to do with my past relationship or current, wala. Wala talaga. Wala lang."

Aminado naman si Carmina na talagang may pagka-tsismoso raw ang mga lalaki compared sa mga babae. Kahit daw si Zoren ay no exception. Kaya nga raw siya ang nagre-remind dito, dahil madalas, dire-diretso ito kapag nagho-host sa Paparazzi at kung ano-ano ang nari-reveal.

"Siyempre, ayoko lang na may magalit sa kanya. Kaya minsan, pinag-a-absent ko na talaga siya. So, kung may time na wala siya, ako ang may kasalanan no'n!" sabay tawa ni Carmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although, cute naman si Zoren. Minsan, nagso-sorry siya na I don't mean it naman. Mari-realize niya na, oo nga 'no."

Pero kahit ganun, hindi pa rin naman daw siya nadadala at madalas, nakakapag-kuwento pa rin siya kay Zoren ng ilang nalalaman or nababalitaan niya.

KEEPING OPTIONS OPEN. Wala namang maisagot pa si Carmina sa tanong na lung lilipat siya sa Kapatid network tulad ni Zoren kapag natapos na ang serye niyang Pahiram ng Isang Ina.

Ayon kay Carmina, "Open ako kung saan ako mapadpad. I think, wala namang masama kung open ka. I'm just weighing my options. Yun lang. Basta, okay ako kung saan ako mapadpad, yung ganoon."

Although sa ngayon, ayon kay Carmina, masaya naman daw siya sa GMA-7.

"Happy ako. I have three shows with GMA. Wala naman akong naging problema sa kanila."

Kung sakaling dumating ang time na kailangan niyang mamili, posible pa rin kayang lumamang sa puso niya ang GMA or nandoon na ang desire to try something new?

"Alam niyo, sa lahat talaga, depende 'yan sa magiging usapan. Doon na lang talaga magkakatalo. Happy ako sa GMA. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanila. Nanggaling din naman ako sa kabilang istasyon. If ever na mapupunta ako sa Cinco, it's gonna be a new environment for me. So, lahat, e.

"Siguro ang maganda sa akin, wala akong inaaway-away. Kapag umaalis ako, malinis naman talaga.

"So, yun nga, magkakatalo na lang sa magiging offer or magiging usapan talaga. Kasi siyempre, kung lilipat man ako sa iba, I want to be happy.

"So, kung saan ako magiging happy at magiging tiwasay rin naman ang buhay at career ko, doon ako.

"Ayoko ng problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN