Gelli de Belen says GMA-7 is still in her heart despite being a Kapatid now

IMAGE 0


Gelli de Belen on her decision to leave GMA-7 after 10 years: "I felt that it's just time for my career, in my life, na parang maybe a change would be good for me... Not na ayoko sa GMA-7... I've been with GMA for, what, 10 years—straight! Pero siyempre, lahat naman tayo, parang we all want change at some point in time in our lives, 'di ba? Eventually, obviously, 'eto na, nandito na ako, Kapatid na ako ngayon. Pero nasa puso ko pa rin siyempre ang GMA.&quo


Pagkatapos ng halos sampung taon ay nilisan na ni Gelli de Belen ang bakuran ng GMA-7 para subukan namang makipagtrabaho sa ibang network.

Ngayon ay isa nang Kapatid si Gelli pagkatapos niyang pumirma ng two-year guaranteed contract sa TV5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Gelli sa presscon para sa unang show niya sa TV5, ang food magazine show na Gellicious, kagabi, October 12. Ginanap ito sa Uncle Cheffy's restaurant sa Eastwood Mall sa Libis, Quezon City.

Dito ay nilinaw niya na hindi ang talent fee ang naging pangunahing kunsiderasyon niya kung bakit siya lumipat sa Kapatid network, kundi ang offer mismo.

Bukod sa Gellicious ay nakatakda ring gumawa ng sitcom si Gelli kasama si Vic Sotto.

THE DECISION. Nahirapan ba siyang iwan ang GMA-7?

"We did not take this decision lightly. Siyempre, pinag-isipan naming mabuti," sagot ni Gelli.

Ayon pa sa actress-TV host, kinausap daw muna niya ang kanyang manager na si Boy Abunda ng Backroom at pati na ang mister niyang si Ariel Rivera.

Paliwanag niya, "I felt that it's just time for my career, in my life, na parang maybe a change would be good for me...

"A, gusto ko ring magtrabaho sa ibang environment.

"Not na ayoko sa GMA-7... I've been with GMA for, what, 10 years—straight!

"Nasa puso ko na ang mga Kapuso, 'di ba?

"Pero siyempre, lahat naman tayo, parang we all want change at some point in time in our lives, 'di ba?

"So, 'yon ang naisip namin...

"Eventually, obviously, 'eto na, nandito na ako, Kapatid na ako ngayon.

"Pero nasa puso ko pa rin siyempre ang GMA," diin niya.

Ano naman ang naging reaksiyon ng GMA-7 nang magpaalam siya?

"Si Boy ang kumausap ke Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV]. Si Boy ang kausap ni Ma'am Wilma diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I remember, there was this instance na I went to a binyag... actually binyag ng anak ni Paolo Contis, na ando'n din si Ma'am Wilma. Nagkataon na she was there.

"That was I think same week na medyo nalaman na niya na malamang hindi na ako tutuloy sa GMA.

"Nagkita kami and she said, 'Naku, ayan ka na. Payakap nga.'

"Tapos sabi niya, 'Kung saan ka masaya.'"

Wala bang naging counter-offer sa kanya ang management ng GMA-7?

"It's not that GMA did not offer anything because they did naman.

"It's just that it was a matter of choosing whether this was right for me, or that offer from them is right for me."

Dagdag pa niya, "Nag-weigh na lang ako, which one outweighs the other.

"Hindi naman kasi ako aspiring to become a mega superstar. Wala na ako sa gano'ng mode, e.

"Gusto ko lang makapagtrabaho, gusto ko lang makapagtrabaho nang maayos din.

"Wineigh ko lang ang pros and cons ng offer, and medyo this one outweighs the other."

Ang tinutukoy ni Gelli na offer ng GMA-7 sa kanya ay ang Daldalita, ang early primetime series na pagbibidahan nina Jillian Ward at Ogie Alcasid.

Incidentally, kasabay ng presscon ni Gelli para sa Gellicious ang grand launch ng Daldalita sa GMA Network Center.

Kay Manilyn Reynes napunta ang role na dapat ay kay Gelli. (CLICK HERE to read related story.)

JANICE & CARMINA. Bago ang paglipat ni Gelli sa TV5 ay bumalik naman sa ABS-CBN ang nakatatanda niyang kapatid na si Janice de Belen. Si Janice ang gumaganap na ina-inahan ni Gerald Anderson sa Budoy.

Magkasama noon sina Gelli at Janice, at maging ang kaibigan nilang si Carmina Villarroel, sa morning talk show na SiS. Tumagal ang naturang programa ng siyam na taon.

Pinag-usapan ba nila ni Janice ang halos sabay nilang pag-alis sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sabi ni Gelli.

Si Carmina ay balitang may plano na ring lumipat ng network, ayon mismo sa partner nitong si Zoren Legaspi. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon dito ni Gelli?

"Ay, hindi, siyempre desisyon niya 'yan. Respeto ko naman sa GMA 'yon.

"Pero nasa kanya 'yon, kung gusto niyang dyumoyn, okay lang, masaya!

"Pero kung hindi, okay din lang. Lahat ng bagay ay posible."

Naging turning point din ba ang pagkawala ng SiS sa desisyon niyang lumipat ng network?

"Yes," pag-amin ni Gelli.

"Kasi parang... hindi naman lumipat. Pero naging turning point 'yon para mag-isip ako na, 'Okay, what's next? What do I do now?'

"Kasi, parang masyado akong nasanay na eight years of doing SiS.

"Of course, nanghihinayang pa rin ako na nawala ang SiS dahil mahal na mahal ko yung show na 'yan.

"Pero nung natapos yung SiS, 'Oo nga 'no, nothing in life is permanent, 'di ba? So, ano na next ang dapat kong gawin? Ano na ang dapat kong pagtuunan ng pansin?'"

Dumating ba siya sa punto na parang nagsawa na siya sa klase ng mga proyektong ginagawa niya sa GMA-7?

Ang huling serye ni Gelli sa Kapuso network ay Bantatay, at huli naman siyang napanood sa Spooky Nights Presents Bampirella at sa showbiz talk show na Tweetbiz Insiders.

"Hindi naman sa nagsawa, pero I wanted to try new things," aniya.

"Like I said kanina, I wanted to do... work in a different environment also. So, ganun lang.

"Hindi naman porke nandito na ako sa TV5, ayoko na sa kanila [GMA-7]. Hindi naman sa gano'n."

STILL BACKROOM. Gaya ng nabanggit ni Gelli, ang Backroom ang namamahala ng career niya ngayon.

Ito ay sa kabila ng desisyon ni Boy Abunda na ipagkatiwala na ang pamamahala sa talent management na itinatag niya sa kanyang mga empleyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nanatili si Gelli sa Backroom, na siya ring talent management ng mister niyang si Ariel Rivera?

"Bakit hindi?" sambit naman niya.

"Kasi, andiyan pa rin si Boy if you really need him, e.

"Like Perci [Intalan, TV5's VP for Entertainment TV] said, he was the one who made this possible—paglipat ko sa TV5. It was Boy and Backroom [na nakipag-usap].

"So, parang ganun din pa rin naman, e."

Dagdag pa ni Gelli, "I've been with Backroom for only two years.

"Happy ako and kuntento naman ako sa pagtulong ng Backroom sa akin. So, bakit naman ako aalis?"

Bago siya naging talent ng Backroom ay ang yumaong talent manager na si Douglas Quijano ang humawak ng career ni Gelli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN