Kean Cipriano ecstatic over box-office and critical success of Ang Babae Sa Septic Tank

IMAGE 0


When Kean Cirpiano learned about the success of the film Ang Babae Sa Septic Tank he said, "Alam mo yun, sobrang happy na first movie ever kong ginawa, e, malayo yung naabot niya."


Gulat na gulat ang band singer turned actor na si Kean Cipriano nang hiningan siya ng reaksiyon tungkol sa pagkakapili sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank para maging entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng Oscar Awards sa susunod na taon. (CLICK HERE to read related article.)

Ang naturang indie film ang kauna-unahang pelikula ni Kean. Nakasama niya rito sina Eugene Domingo, JM de Guzman, at Cai Cortez.

"Sobrang saya ko!" tuwang-tuwa sabi ni Kean.

"Pero, we're going to Korea on October, pupunta sa festival.

"I'm so excited, very excited kasi first movie ko ever, first movie ko sa Cinemalaya ever, first festival na pupuntahan ko.

"Alam mo yun, sobrang happy na first movie ever kong ginawa, e, malayo yung naabot niya.

"Siguro, wala, we just made it happen, and for making it happen, thank you very much.

"And hindi ko alam, ang sarap, sarap ng pakiramdam!"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media si Kean sa story conference ng P.S. I Love You sa Viva Office, Tektite Building, Mandaluyong City, kanina, September 16.

PRIMETIME DRAMA. Kasama nga si Kean sa upcoming primetime show ng TV5 na P.S. I Love You, ang remake ng popular na '80s movie na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sa bagong version na ito ay magiging bida ang Bagets Just Got Lucky stars na sina Nadine Lustre at AJ Muhlach.

Gayunman, hindi pa raw alam ni Kean kung ano ang kanyang mararamdaman tungkol sa pagkakasali niya sa proyektong ito.

"Hindi ko alam, kasi ako naman hindi ko nililimitahan yung sarili ko na kung ano.

"Pero, I just follow directions. I just follow directions, they can tell me everything they want me to do.

"I try to do it at my best kaya, game!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Di ko naman iniisip kung ano gagawin, yun ang masasabi ko na hindi ko masyado ginagawa sa buhay ko.

"Hindi ako masyado nag-iisip, e. Ayoko mag-isip masyado ng kung ano gagawin ko, ayoko planuhin.

"Gusto ko lang, kung ano mangyayari sa nararamdaman ko sa pagkakatong mangyayari siya, ayun yung gagawin ko."

COSMO BACHELOR BASH. Sa Ikalawang pagkakataon ay naimbitahan din si Kean na rumampa sa annual Bachelor Bash ng Cosmopolitan magazine.

Kuwento ni Kean, mabilisang preparasyon lang daw ang nagawa niya para sa naturang event.

"Nasabi sa akin two weeks, two weeks [before] nun sinabi sa akin na ini-invite nga daw ako.

"So, ako, two weeks, okey sige, tinray ko na lang mag-exercise, tinray ko na mag-squeeze in siya dun sa schedule.

"Medyo madami akong ginagawa: may shooting, may gig, may recording, may taping.

"So, medyo pinuspos ko na lang, hinanapan ko na lang ng oras para naman, alam mo yun, siyempre binigay nila sa akin yung pagkakataon."

Gayunman, sinabi niyang na-enjoy daw niya ang event lalo na nang rumampa siya sa entablado.

"Yung last, last year pa 'ata tingting ako nun, e. Hanggang ngayon tingting pa din ako!" natatawang sabi ni Kean.

Dagdag pa niya, "Pero, enjoy ko 'to, na-enjoy ko 'to dahil yun nga, nasabi ko na the fact na binigyan ako ng pagkakataon na, invitation ng Cosmo, alam naman natin na legit siya, na institusyon na din.

"I gained friends, I met new people.

"Malaking bagay yun sa akin, and na-appreciate ko yun, for having me [in the event]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN