Aiza Seguerra on Eat Bulaga!: "It feels like coming home talaga, it's home."

IMAGE 0


"I don't think I'll be here, you know, lahat, lahat ng natutunan ko sa trabaho na 'to is all because of them. Yung friendship, yung marunong ka mag-honor ng loyalty, at ng kahit walang kontrata kaya mong makipagtrabaho sa tao, I got it from them," says Aiza Seguerra about being part of Eat Bulaga!.


"It feels like coming home talaga, it's home."

Ito ang naramdaman ng dating child star na si Aiza Seguerra sa kanyang pagdalo sa launching ng Eat Bulaga! coffee table book noong Oktubre 6, Huwebes, sa Whitespace sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza, at inamin niyang naging malaking bahagi ang naturang show sa kanyang buhay.

"Hindi lang sa showbiz career, e, pati sa buhay," sambit niya.

"Actually, work ethics ko ngayon, lahat ng mayroon ako ngayon, it's all because of Eat Bulaga!, e—sina Mr. [Tony] Tuviera and the whole gang.

"I don't think I'll be here, you know, lahat, lahat ng natutunan ko sa trabaho na 'to is all because of them.

"Yung friendship, yung marunong ka mag-honor ng loyalty, at ng kahit walang kontrata kaya mong makipagtrabaho sa tao, I got it from them."

WORKING ON PROTEGÉ. Samantala, bukod sa kanyang gigs at appearance sa ABS-CBN show na ASAP Rocks, abala rin si Aiza sa pagme-mentor sa show ng GMA-7 na Protegé.

"I'm enjoying Protegé so much!" bulalas niya.

"Actually, kahit ako, madami akong natututunan.

"And it's also good na parte ka ng paglago ng isang tao.

"So, 'yon, I like that feeling."

Kung tutuusin, ang ginagawang pagme-mentor ni Aiza sa kanyang Protegé na si Krizza Neri, ay maihahalintulad sa ginawang paghubog sa kanya ng Eat Bulaga!.

Gayunman, para sa kanya'y hindi ito mahirap gawin.

"I don't find it hard kasi ano, e, na-instill nila sa akin 'to, yung values na meron ako, yung sa pagtatrabaho, yung professionalism, na-instill nila sa akin nang todo-todo.

"And, once it's normal sa 'yo na gano'n, wala na, parang wala ka nang ibang gustong gawin kundi i-share na sa ibang tao.

"Kasi, sobrang ganda ng experience mo, e. I want my protegé to learn the Eat Bulaga! way, you know—na how to treat other people, how to work with other people."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung mayroon daw isang importanteng bagay na ituturo si Aiza sa kanyang mine-mentor, ito daw ay ang "loyalty."

"Siguro number one is loyalty," napangiting sabi ni Aiza.

"I don't need... hindi mo kailangan ng papel para maging bound ka sa isang [show].

"Pero, you have to be loyal to those people who cared for you, who loved you, and honed you in such a special way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN