Sharon Cuneta reveals Frankie and Miel's interests; happily announces that Miguel is now "legally a Pangilinan"

IMAGE 0


"Ahm... I'd love to announce no'ng December 7, [Miguel's] adoption came through already, so he's legally a 'Pangilinan!'" the Megastar Sharon Cuneta says about her adopted son, Miguel.


Sa isang press conference nuong January 11, Wednesday, sa Discovery Suites, para sa Once in a Lifetime concert ni Sharon Cuneta with Martin Nievera, nagkuwento ang Megastar tungkol sa ginawa nilang bonding ng kanyang pamilya nuong nakaraang Pasko.

"December 25 we left for ahm... Japan. For the first time ever, umalis kami ng Christmas season.

"Tinapos lang namin yung Christmas day... then we left.

"'Tapos January 1st we went to Hongkong... with my Mommy naman in Hongkong.

"Talagang family lang, talagang bonding kami, napakaligaya, napakasaya," kuwento ni Mega.

Buong pamilya niya pumunta ng Japan?

"Yes, the kids, including Miguel," saad niya.

Ikinagagalak pa niyang ibinalita, "Ahm... I'd love to announce no'ng December 7, [Miguel's] adoption came through already.

"So he's legally a 'Pangilinan!'

"And yes, magandang Christmas gift.

"Si 'Mr. Pangilinan,' niloloko 'ko," sabay ngisi ni Shawie.

Dumating ang adopted son nila Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan sa kanilang buhay nuong November 1, 2010.

Mahaba man ang naging proseso ng pag-adopt nila kay Miguel, dahil dumaan talaga ang mag-asawa sa legal procedures, masaya naman sila dahil natapos na ang kanilang mahabang paghihintay.

(CLICK HERE to see related article)

SON OF KIKO? Ang pagdating ni Miguel sa household ng mga Pangilinan ay nagbigay-daan sa isang haka-haka na posibleng anak daw ng senador si Miguel sa ibang babae.

"Ay, alam ko nang mabri-bring up 'yan, noh!" ang mabilis ba reaksiyon ng Megastar sabay tawa. "At tingnan mong mabuting kung magkamukha, hindi."

Limang beses pa niyang binanggit ang "hindi," bago sinegundahan ng, "So, of course not. Mabait akong tao, pero malamang may lumabas munang giyera bago ko tinanggap kung totoo yun."

BROTHER AND SISTERS. Kumusta na ba ang kanyang dalawang babae na mas nakakatanda kay Miguel? Paano ba sila maging "ate" kay Miguel?

"Oh they are in love with him!" bulalas ng singer and TV host-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, "I think iba siguro yung nangyari kung girl yung inadopt namin.

"Pero since si Miguel, best friends niya mga ate niya.

"I can't ask nga for anything more, e.

"Paggising sa umaga, sabay-sabay sila.

" Siya [Miguel] yung 'Mama, good morning. Wake up mommy, wake up.'

"Yung gano'n siya and then the kids... wala tambayan nila kwarto namin.

"Very ano, very cute, very smart [si Miguel], naughty lang, natatakot ako!"

Dagdag pa ng Megastar, "Ganyan siya, 'Hi Mama, hi! Hi Mama, hi!'

"Kasi parang sanay ako na since KC—praise God for this—wala akong nakuha kundi compliments about my three girls, even from strangers!

"Talagang they'll come up to you and say 'My God, your kids are so well-behaved.'

"... They know when they're not supposed to bother anybody.

"E, si Miguel naiinip, so naguguluhan ako, hindi ako sanay.

"Saka parang may ipo-ipo sa bahay, Diyos ko, maya-maya!

"Tawag nga ni Kiko [sa kanya], 'Master of Disaster.'"

Sa tingin mo iba talaga pag baby boy?

Sumang-ayon naman agad si Shawie, "Iba talaga!

"Pero hindi, e, kasi anim ang pamangkin kong lalake, hindi rin gano'n.

"Sabi ko 'Ano ba 'to?!'

"Nakakatuwa siya, 'tapos ang hilig-hilig niya talaga sa car."

How old is Miguel?

"Two, no'ng October 27, nag-two siya," sagot ni Mega.

PROUD MOM. Bukod sa pagiging proud Mommy ng TV host-actress na si KC Concepcion, proud Mommy din si Shawie ni Frankie at Miel.

Kwento ni Mega, "Parehong mag-aartista pagdating ng araw, feeling ko!"

Aniya, "Yung isa [si Miel] 'I want to be a singer-scientist.'

"... Frankie is very busy writing her first novel.

"Frankie writes very well, she's finishing her first ano, and she acts in school plays, she writes songs.

"Miel is my dancer and tinanong ko siya, e, 'Which do you like most— singing, dancing, or acting?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'I think Ma, the acting.'

"Si Miguel ayon 'sira-niko,' atin-atin na lang!" sabay tawa ni Sharon.

Ang "sira-niko" na ibig sabihin ni Mega ay ang kabaliktaran ng mekaniko.

Kung ang mekaniko ay nagkukumpuni ng mga sirang bagay, ang "sira-niko" naman ay 'yong malimit na nakakasira ng mga bagay sa paligid nito.

BIRTHDAY IN LAGUNA. Nuong January 6 ay nag-celebrate ng 46th birthday ang Megastar.

Nagkaroon siya ng intimate celebration sa Laguna kasama ang kanyang buong pamilya at ang pamilya ni Judy Ann Santos-Agoncillo.

Kumusta ang naging selebrasyon?

"Kami lang, no'ng birthday ko.

"Family na rin kasi si Juday.

"Ang nandoon lang Mommy ko, ahm... asawa ko, lahat ng anak ko.

"Si Juday at mga anak niya, dahil may appointment pa si Ryan no'n, kundi, sasama siya.

"Kami lang, family lang, tahimik na tahimik," natutuwang kwento ni Mega.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN