Did Nora Aunor ask TV5 executives to choose between her and Cristy Fermin?

IMAGE 0


Nora Aunor is said to have opened old wounds. The latest controversy surrounding the Superstar reportedly stemmed from unfavorable write-ups published by fellow Kapatid Cristy Fermin back in 2008.


Ang confidante ni Nora Aunor na si Albert Sunga ang nagbigay-linaw na walang katotohanan ang balitang gustong ipatanggal ng Superstar si Cristy Fermin sa mga show ng huli sa TV5.

Sa pamamagitan ng text message, sinabi ni Albert na hindi lumalapit si Nora kahit kanino para matanggal si Cristy. Ito ang pahayag ni Albert:

"Ang sinabi ni Ate Guy, kakausapin niya si Nay Cristy. Remember na nagkausap at nagkita na sina Ate Guy at Nay Cristy sa unang araw pa lang ng pagdating ni Ate Guy sa 'Pinas, dahil pumayag si Ate Guy na pa-interview kay Nay Cristy para sa Paparazzi? Thanks."

Ang paghaharap nina Cristy at Nora sa EDSA Shangri-La Hotel, kung saan unang naganap ang press conference ni Nora, ang tinutukoy ni Albert.

August 2 nang dumating si Nora sa Pilipinas mula sa walong taon na paninirahan sa Amerika, at kabilang si Cristy sa mga unang nag-interbyu sa kanya para sa showbiz talk show nito.

Hindi na nakasipot si Cristy sa radio program niya sa Aksyon TV dahil pinili niyang mainterbyu si Nora sa EDSA Shangri-La Hotel. Ang pagdating ng Superstar nga naman ang pinakamalaking balita ng araw na iyon.

Naging maayos naman ang pag-uusap ng dalawa at panay ang papuri ni Cristy sa nag-balikbayan na Superstar. Nang mag-report siya sa kanyang radio program, ang mga kanta ni Nora rin ang kanyang pinatutugtog bilang tribute sa singer-actress.

Pero tila nagbago ang ihip ng hangin.

Ilang linggo makalipas ang pagdating sa bansa ni Nora, naringgan daw ito sa set ng Sa Ngalan ng Ina sa Taal, Batangas, ng mga salita tungkol kay Cristy.

Ang Sa Ngalan ng Ina ang mini-serye ni Nora sa Kapatid network.

At ang sinasabing rason: ang mga unfavorable write-up na sinulat ng TV host/entertainment columnist noong 2008 tungkol sa pamumuhay ng aktres sa Estados Unidos kasama si John Rendez, na kamakailan ay dumating na rin sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matindi at masakit ang mga nilalaman ng mga kolum na ito ni Cristy, na nakaabot umano sa Superstar kahit noong nasa States pa lang siya.

Ngayon naman, may mga nakasaksi sa ginawa umanong pagtatanong ni Nora kung ilan ang programa ni Cristy sa TV5.

At nang malaman niya na tatlo at may radio show pa, nagsalita raw ang aktres na, "It's about time na mamili ang station sa aming dalawa."

Nang araw at oras na 'yon, tumanggi rin si Nora na magpa-interbyu sa Paparazzi dahil, sa kanyang katwiran, host ng programa si Cristy.

Mabilis na nakarating kay Cristy ang mga binitiwang-salita ni Nora, at mula noon, wala na siyang reaksyon sa tuwing ang aktres ang pinag-uusapan ng kanyang mga co-host sa Juicy at Paparazzi.

Kung hindi blangko ang kanyang facial expression sa harap ng TV camera, binabasa ni Cristy ang mga text messages sa cellphone niya sa tuwing si Nora ang topic ng discussion ng kanyang mga kasamahan sa programa.

Tingin ng marami, ito ang pinakamagagawang sagot ni Cristy, isang talent ng TV5, dahil mukhang hindi niya maaaring patutsadaan si Nora, ngayong talent na rin ito ng TV5.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Cristy tungkol sa isyung gusto siya ipatanggal ni Nora sa mga programa ng TV5. Hindi man kinumpirma ni Cristy ang balita, malaman at makahulugan naman ang kanyang mga sagot.

Ayon kay Cristy: "Napakatagal ko nang nananahimik. Maraming paraan para sumagot ako pero dahil sa respeto ko sa mga ehekutibo ng TV5 at sa mismong istasyon, wala akong sinasabing anuman. Pero alam ko ang buong katotohanan ng kuwento."

Wala namang sinabi si Cristy tungkol sa naging negatibong panunulat niya noon kay Nora. Ipinaliwanag ba niya ang mga ito kay Nora? May sinabi ba siyang konteksto para maintindihan ito ni Nora? Nagkaayusan ba talaga sila? O hindi na lang iyon pinag-usapan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagtingin ng PEP, maaaring kay Cristy ay tapos na ang mga iyon dahil 2011 na. Ngunit dahil si Nora ang tinamaan ng mga negative writeups, maaaring hindi pa nakakalimutan ito ng Superstar.

Ngunit, ayon nga kay Albert Sunga, walang ginagawang hakbang si Nora sa TV5 laban kay Cristy.

Samantala, kinokontak pa rin ng PEP ang TV5 para kumpirmahin kung nagkaroon nga ba ng ganoong demand ang Superstar.

Sisikapin din namin na kuhaan ng dagdag na pahayag si Nora tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN