Cristy Fermin claims John Rendez is the reason why Nora Aunor reportedly wants her out of TV5

IMAGE 0


"Pakialam ko sa kanya! Nabuhay ako nang wala siya. Nabuhay din siya nang wala ako," says Cristy Fermin about Nora Aunor.


Sa umpisa ay ayaw magbigay ng anumang statement ang columnist- showbiz talk show host na si Cristy Fermin tungkol sa isyu sa kanila ng Superstar na si Nora Aunor.

Tumatawa-tawa lang siya habang pabirong kinukulit ng writer na ito kahapon, October 9, sa dressing room ng TV5 habang nagpapa-makeup siya ilang minuto bago tuluyang umere ang Paparazzi.

"Tumigil kayo, wala akong sasabihin! Tigilan n'yo ako!" natatawang sabi niya.

"Huwag na... Same roof," na ang ibig niyang sabihin ay nasa iisang network sila ni Nora.

"Nakakahiya.

"Kagaya nga ng naisulat ko sa column ko sa Bulgar, respeto ko na lang sa TV5. Respeto ko sa mga boss.

"Iyon ang dahilan kung bakit ako'y tahimik."

Pero hindi pa rin nakaiwas si Cristy sa usapin sa kanila ni Nora ngayon.

Totoo ba talagang ipinatatanggal siya ni Nora sa TV5?

"Hindi siya nakarating sa itaas," sagot ni Cristy, na ang management ng Kapatid network ang ibig niyang sabihin.

Ano ba ang sinabi raw ni Nora sa kausap na staff from TV5 base sa nakarating din sa kanya?

"'Ilan ang shows niya sa inyo? It's about time na mamili ang istasyon between her and me.'"

Pero, di ba't okey naman sila ni Nora nang dumating ito sa bansa? At na-interview pa nga niya ito para sa Paparazzi?

"Plastik nga, e," pasaring ni Cristy.

Ano ba ang pinagmulan ng kinikimkim na galit pala sa kanya ng Superstar, kung meron man?

"Si John Rendez," sagot ni Cristy, pagtukoy niya sa rumored boyfriend ng Superstar.

"Tinira ko raw siya [John] no'ng 2008.

"May dalang diyaryo, 'yong Bulgar, na 2008 pa."

Ang tinutukoy naman dito ni Cristy ay ang kopya ng diyaryo kung saan may nakasulat daw na artikulo tungkol kay John.

Dagdag pa niya, "Dalawang buwan na lang, 2012 na. 2008 pa 'yong ipinakikipaglaban mo?"

Alam na ng management ng TV5 ang tungkol sa isyung ito sa pagitan nina Nora at Cristy. Naglabas na rin ng statement ang network hinggil sa usaping ito. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang sinabi ng pamunuan ng TV5 kay Cristy?

"There was never a chance na hiningi ako ni Nora sa kanila.

"At kung sakali man, hindi ako umaasa ng pangit na resulta. Mapagpahalaga kasi ang 5 sa mga ganyan.

"Siguro ang akala ni Nora, '70s pa. Panahon pa ng Tower [Productions]," sabi niya.

Hindi pa ba sila nagkita ni Nora?

"Hindi ko siya gugustuhing makita," sagot ni Cristy.

Paano kung magkita sila nang hindi sinasadya?

"Walang aksidente sa mundo. Naiiwasan 'yan!" mariin niyang sabi.

Paano kung mag-guest ulit si Nora sa Paparazzi?

"Hindi siya magge-guest dito sa show. Ayaw niya.

"Ni magpa-interview nga sa crew ng Paparazzi at Juicy, ayaw niya, e.

"Kaya nga ang sabi ko sa radyo, 'Bakit ayaw mong magpa-interview sa mga kasamahan ko? Ang Juicy ba at Paparazzi ipinapalabas sa ibang istasyon? 'Di ba, isang payong lang ang kinasusukuban natin?'"

Saad pa ni Cristy, "Ang ayos-ayos nang dumating siya. Ininterbyu ko pa ng pinakamahabang interview.

"Pagdating kay Boy Abunda [interview kay Nora para sa The Buzz], merong isang reporter-TV host na nando'n sa kinapipirmahan kong istasyon... magtutuos kami isang araw... magkikita at magkikita kami!

"No'ng ininterbyu ko siya [Nora], wala naman akong napansing may kinikimkim pala siyang galit sa akin."

Baka naman may nagsulsol o nanggatong kay Nora para maalala 'yong mga lumang isyu sa kanila?

"Kaya nga. 'Di ba, sulsulin naman siya [Nora]?

"Si John Rendez nga no'ng dumating, ipinakita 'yong 2008 na blind item ko sa Bulgar. Inaangkin niyang siya 'yong nasa blind item ko.

"Gisingin na lang niya [Nora] ang mga Noranian nang tumaas ang rating niya—2.8 [percent] ang rating ng Sa Ngalan Ng Ina.

"Gisingin niya ang mga Noranian," patutsada pa ni Cristy sa pinagbibidahang mini-serye ni Nora sa TV5.

Paano kaya maaayos ang sigalot sa kanila ni Nora?

"Pakialam ko sa kanya!" bulalas ni Cristy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabuhay ako nang wala siya. Nabuhay din siya nang wala ako."

Paano kung isang araw ay biglang dumating sa radio program niya halimbawa si Nora para kausapin siya?

"Si Nora, hindi gano'n.

"Hindi natin pwedeng gamitan ng mga ganyang hypothetical si Nora. Dahil ang buhay niya ay isang hypothetical story!

"Tumigil nga siya!" matalim na sabi ni Cristy.

Samantala, bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Nora Aunor at John Rendez kaugnay ng mga pahayag ni Cristy tungkol sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN