Joey de Leon receives a Louis Vuitton bag from Willie Revillame

IMAGE 0


"Bihira yung design na yun, e. Ang sabi nga niya, meron din siya. Dalawa raw [binili niya], tig-iisa daw kami, dalawa raw para maalala ko siya. Sabi ko nga, 'O, ikaw pa, kahit naman ano, mahirap kang kalimutan!'" says Joey de Leon about the Louis Vuitton bag Willie Revillame gave him.


Habang nagliliwaliw ang tropa ni Willie Revillame at mga taga-Wil Time Bigtime sa Macau, lumabas ang isang balita na diumano ay binilhan ng regalo ni Willie si Joey de Leon.

Masasabing malaking balita ang tungkol sa pagbibigay ng regalo ni Willie kay Joey dahil naging malaking isyu ang iringan nila noon.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang sagutan nila ni Joey noong nasa ABS-CBN pa si Willie sa kanyang dating programang Wowowee, na katapat naman ng Eat Bulaga! nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey.

Pero nagkabati at nagkapaliwanagan na sila noon sa isang event ni Tim Yap. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos noon ay may mga iringan pa ring naganap sa pagitan ng dalawa sa ere dahil sa iba't ibang isyu, pero hindi na ito lumaki nang lumaki.

LOUIS VUITTON BAG. Sa taping ng reformatted show ni Joey de Leon sa TV5, ang Celebrity Samurai, natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang beteranong TV host at dito ay sinagot niya ang mga tanong tungkol sa nasabing "regalo" ni Willie.

Bungad ni Joey, "Oo, pinasalamatan ko na siya. Maganda, maganda.

"At saka, maganda yung... Sabi ko nga sa kanya, e, na parang nabasa niya yung isip ko dahil meron akong ganun na maliit na version.

"Bihira yung design na yun, e. Ang sabi nga niya, meron din siya.

"Dalawa raw [binili niya], tig-iisa daw kami, dalawa raw para maalala ko siya.

"Sabi ko nga, 'O, ikaw pa, kahit naman ano, mahirap kang kalimutan!'"sabay halakhak niya.

Patuloy pa ni Joey,"Meron akong ganun, eksakto. Bihira yung ganun, e, hindi yun yung ordinaryong mga design-design na ganun.

"Pang-lalaki talaga, pang-lalaki talaga yun na simple... para nga niyang nabasa ang isip ko.

"Ang binigay niya sa akin yung malaking version. Yung maliit lang ang ginagamit ko, e.

"Kaya nag-thank you naman ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginawa raw ni Joey ang pagpapasalamat kay Willie sa kanyang programang Startalk noong September 17, 2011.

Eksaktong pasasalamat na salita ni Joey: "Thank you Willie ha, thank you, pare."

Bago nagtapos ang nasabing portion ng show kung saan nagpasalamat si Joey, idinugtong pa niya ang mga salitang, "Uli, Willie, thank you ulit doon sa regalo mo.

"Maganda, e, dahil may koneksiyon doon sa isang bagay sa akin, e. Thank you, pare."

Ipinost naman ang nasabing video sa Facebook page ng Wil Time Bigtime eksaktong alas-4:48 ng hapon noong araw ring iyon.

Nauna rito, napabalita ring inimbitahan pala siya ni Willie na sumama sa Macau through Lolit Solis sakay sa kanyang private jet.

Pero hindi napagbigyan ni Joey ang imbitasyon dahil akala raw niya ay nagbibiro lamang si Lolit.

"Akala ko kasi nagbibiro, tsaka kagagaling lang naming dun. Kararating lang din namin.

"Siguro, someday," sambit niya.

And speaking of the Louis Vuitton bag, masasabi bang ang nasabing gesture ni Willie ay patunay na wala na talagang bad blood between them?

"Wala, wala, kapatid yun, e," sabi ni Joeypatukoy sa pagkapareho nilang talents ng TV5.

"Wala, yung mga nagkatapat lang, alam mo minsan nangyaryari 'yan, e, totoong nagkaparinigan kayo, lumalaki dahil sa media o sa press, umiikot lang 'yan, e.

"Ang hindi ko lang naririnig, yung mga dating mag-asawang nagbabalikan sa showbiz, parang bihira yun.

"Pero yung mga magkakatrabaho, magkakakilala, pareho kayo ng ginagawa, hindi malayong magkakumbinasyon kayo someday, magkasama kayo at magkabati kayo.

"Magkatampuhan, hindi naman mawawala yun."

MOVIE WITH SARAH AND GERALD. Kinumusta rin ng PEP kay Joey kung meron ba siyang ginagawang pelikula ngayon.

"Hindi na ako nagmo-movies talaga, e," sabi niya.

"Minsan nagge-guest ako sa mga movies ni Vic [Sotto], aba, sunud-sunod yun, ilang taon.

"Pero may ginagawa akong movie... wala, nakatuwaan ko lang dahil nagustuhan ko lang yung role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapiraso lang to, hindi ito pang-MMFF [Metro Manila Film Festival].

"Secret muna yung title, pero tatay ako ni Sarah Geronimo. Kasama din dito si Gerald Anderson.

"Gusto ko yung role kasi. Rocker, e, rocker."

Ang nasabing movie ay ang follow-up sa matagumpay na pinagtambalan nina Sarah at Gerald, ang Catch Me, I'm In Love.

Patuloy pa ni Joey, "Rocker ako dito, rocker na ayaw sumuko. Siyempre daddy niya [Sarah], may edad na."

Paano naman kaya siya nakumbinsing umarte sa pelikulang ito ng Star Cinema?

"Natuwa lang kasi ako, at si Sarah Geronimo kasi ay isa sa mga paborito ko sa mga... Huwag naman masasaktan yung iba, pero natutuwa ako dun, napaka-simpleng bata, e.

"Maganda yung role, first of all... Basta yun pa lang ang puwede kong sabihin, abangan n'yo na lang, October 'ata."

Hindi man binanggit ni Joey ang titulo ng nasabing pelikula, bali-balita namang ang working title daw nito ay I Just Fall In Love Again.

Hindi kaya na-intimidate sa isang Joey de Leon sina Sarah at Gerald?

"Hindi, ako naman parang bata rin ako pag nagtatrabaho," sabi niya.

JOEY IN POLITICS? Inusisa na rin ng PEP si Joey kung balang-araw ba ay papalaot din siya sa mundo ng pulitika. Hindi rin naman kasi matatawarang sikat siya at kilala.

Big "no" naman ang tugon nito.

"Never, hindi ako mahilig.

"Parang ano na rin lang naman 'yan, e, para na rin naman kasi 'yan pag nasa TV ka.

"Paghuhusayan mo yung serbisyo mo, paghuhusayan mo yung trabaho mo.

"Siyempre, may kalaban, kalaban ka ring sasabihin, kunyari lang, ibang partido, ibang network, ganun. Pareho din yun.

"Buti pa nga ito [TV], may oras lang. E, ang pulitika kailangang masasabi kang magserbisyo nang tuluy-tuloy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN