Ruffa Gutierrez answers Nadia Montenegro's charge that her mom Annabelle Rama is a "child abuser"

IMAGE 0


Ruffa says to Nadia on national TV: "In the first place kung minor ang mga anak mo, hindi mo na sila pinag-artista. Kung gusto mo silang patapusin sa pag-aaral, sana hindi na lang kayo nagmakaawa sa mommy ko."


Bago pa napanood ang live interview ni Annabelle Rama kahapon, October 2, sa Showbiz Central ng GMA-7 tungkol sa sigalot nila ni Nadia Montenegro, nauna nang nagbitiw ng matitinding pahayag kontra kay Nadia ang panganay na anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show nito sa TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed.

Mas nauuna kasing umere ang Paparazzi (1:30 p.m.) kaysa sa Showbiz Central (4 p.m.). At sinadya ngang unahan ng Kapatid showbiz talk show and Kapuso showbiz talk show.

Kaugnay ito ng pagpa-file raw ni Nadia, dating aktres at kaibigan ni Annabelle, ng kasong "child abuse" laban sa huli. Ito umano'y dahil sa pang-aabuso sa oras ng pagtatrabaho ng mga anak ni Nadia na sina Alyanna at Annika Asistio, na parehong talents ni Annabelle.

Pag-amin ni Ruffa, wala raw silang kaalam-alam sa aksyong ginawa ni Nadia.

"Actually, na-shock ako because yesterday [October 1] nabasa ko sa diyaryo na my mom was being sued for child abuse by Nadia Montenegro.

"I found it very disgusting.

"I didn't wanna talk about this pero for me I want to defend my mom and answer on her behalf," simulang pahayag ni Ruffa.

THE ORIGIN OF THE PROBLEM. Bago ang sitwasyong ito, ano ba ang scenario? Paano nagsimula ang lahat?

Kuwento ni Ruffa, "Unang-una kasi sa lahat, ang dami nang talents ng mommy ko.

"Ako pa lang, si Raymond, at saka si Richard, busy na siya sa schedule niya.

"So, I already told her [Annabelle], kahit na maraming nag-a-apply sa mommy ko, na huwag nang tumanggap ng talents kasi marami na masyado.

"My mom wants to help people. She's such a good heart.

"Every day kasi nagmamakaawa si Nadia para kunin yung dalawang anak niya para i-manage ng mommy ko.

"And me and Raymond we're like, 'Huwag na, kasi marami na nga kami.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's not gonna be an asset to our company, but it's gonna be a detriment pa.

"It's gonna be detrimental pa for the company, kasi hindi naman sila kilala and kailangang i-build up pa."

Pero sa kabila raw ng paalala nina Ruffa ay tinanggap pa rin ni Annabelle bilang talents sina Alynna at Annika.

"So, yun, naawa ang mommy ko and yung dalawang bata mahilig mag-artista, pinasok ng mommy ko ngayon sa TV5," sabi pa ni Ruffa.

LONG HOURS. Nagko-complain si Nadia dahil masyado raw mahaba ang oras na ipinagtatrabaho ng kanyang mga anak.

Ani Ruffa, "Nadia sued my mom kasi the hours daw were so long.

"Bakit daw binigyan ng tatlong shows? Masyado raw busing-busy.

"Yung mga bata raw bumabagsak na raw ang grades sa school.

"I mean, in the first place, kung minor ang mga anak mo, hindi mo na sila pinag-artista.

"Kung gusto mo silang patapusin sa pag-aaral, sana hindi na lang kayo nagmakaawa sa mommy ko.

"Kasi ang mommy ko naman, tumutulong lang. Tapos, ito pa ang igaganti n'yo sa kanya."

NOT A CHILD ABUSER. Ayon na rin sa pinakamatandang anak nina Annabelle at Eddie Gutierrez, hindi lang si Annabelle ang galit ngayon kay Nadia kundi pati ang buong pamilya nila.

"So, lahat kami galit sa iyo!" deklara ni Ruffa.

"So, please don't text me. Don't call me. Because I'm on my mom's side right now.

"You can call my mom rude, bastos, maingay, but she's definitely not a child abuser."

Ilang taon bang naging alaga ng mommy niya ang dalawang anak ni Nadia bago nangyari ito?

"Recently lang," sagot ni Ruffa.

"Actually, hindi naman sila kinukuha ng TV5 talaga.

"You know, my mom kasi has this ability to sell and make good contracts. You know, she can even sell a can of worms and they'll buy it. Yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In good faith, tumulong naman ang TV5. So, ngayon parang galit pa si Nadia sa TV5."

Dagdag ni Ruffa, "You know, she hasn't even paid my mom for her utang."

Nalulungkot daw si Ruffa sa pangyayaring ito.

"It's just really sad," sabi nito sa telebisyon, bago idagdag, "And sana naman ayusin muna niya yung pamilya niya bago naman siya magdemanda ng child abuse."

COUNTER-CHARGES? Magpa-file ba ang mommy niya ng counter-charges?

"Well, my mom, of course, will answer all these allegations in court.

"And she's been in the business for so long, for thirty years almost, with my dad and everything.

"We will not tolerate any kind of abuse, especially me being a victim once, and now a survivor of abuse." (Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang sinasabi niyang pang-aabuso sa kanya ng dating asawang si Yilmaz Bektas.)

"We don't tolerate that," saad ni Ruffa.

Ang gusto raw kasi ni Nadia ay magte-taping lang ang mga anak niya sa oras na gusto nila.

"When Nadia kasi told my mom na nagsa-suffer yung pag-aaral ng mga bata... Gusto kasi ni Nadia, mag-taping yung mga bata 6 p.m. onwards or 5 p.m. onwards.

"You know naman, in a soap opera, hindi naman puwede yun. You have to start in the morning.

"So, really, one is gonna suffer.

"But she's [Nadia] the mother, she should have thought about that before she started giving fruits, noodles, and all these things to my mom every day para lang tanggapin ni mommy yung dalawang anak niya."

Talagang nasaktan daw si Annabelle sa ginawa ni Nadia.

"My mom is very hurt kasi.

"You know, the two kids, they're actually teenagers. But we really love them, napakabait and talagang gustung-gustong mag-artista.

"Ang problema kasi, when you keep working, hindi mo naman alam kung saan napupunta yung kinikita mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's the problem. That's one thing na ayaw naming makialam.

"Kumbaga, my mom is just the manager. She did her job.

"She gave the kids three shows here in TV5. They should be thankful, and yet ganito ang nangyari."

Alam kaya ni Nadia na ang mga anak niya ay kay Annabelle nagsusumbong ng problema nila, tanong ng TV5.

"I don't think na alam niya yun," sagot ni Ruffa.

"But kasi, ang tingin niya kay Mommy also is parang second mom.

"I mean, kilala n'yo naman ang mommy ko. Gusto niya talagang tumulong especially for kids.

"Yung ibang tao nga na hindi niya kilala tumutulong siya, what more sa kanila?

"So, whenever they would approach my mom, kinakausap ni Mommy bilang nanay."

May mensahe pa si Ruffa sa kanyang mommy.

Aniya, "It's a lesson for you, mom! I told you not to accept them, but you did."

NOT FRIENDS ANYMORE? Pagkatapos ng live airing ng Paparazzi ay sinubukan pang kausapin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa para sa mga karagdagang mga tanong.

Pero nakiusap si Ruffa na hindi na raw siya magpapa-interview. Kung ano ang sinabi niya sa Paparazzi ay yun na ang kanyang saloobin.

Sa kabila nito nagawa pa ring maisingit ng PEP ang isang tanong kay Ruffa na sinagot naman ng TV host-actress.

Hindi ba magkaibigan sila ni Nadia, paano na ang friendship nila ngayon?

"Hindi mo ba napansin, lahat ng mga naging kaibigan niya nakakaaway niya?" ang tanging sagot ni Ruffa at nagpaalam na siya.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Nadia sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN