Annabelle Rama fires back at Nadia Montenegro: "Dapat ikaw ang ipakulong, dapat ikaw ang gapusin, wala kang kwentang nanay!"

IMAGE 0


"Dapat siya ang idemanda ng abuse kasi hindi niya inalagaan ang mga anak niya, e. Pinagtrabaho niya, hindi niya alam anong oras umuwi, tapos nagrereklamo siya!" says Annabelle Rama (main photo) about Nadia Montenegro (inset).


Nahaharap ngayon sa mga kasong "child abuse" at "oral defamation" sa Quezon City Prosecutor's Office ang talent manager na si Annabelle Rama.

Idinemanda si Annabelle ng dating aktres na si Nadia Montenegro, ina ng TV5 talents na sina Alyanna Asistio, 17, at Annika Asistio, 15.

Kapwa talents ni Annabelle ang dalawang anak na ito ni Nadia sa ilalim ng Royale Artist Management.

PAGLABAG SA MANAGEMENT CONTRACT? Sa isinumiteng four-page affidavit ni Nadia, kasama ang dalawang anak, noong Biyernes, September 30, inakusahan nito si Annabelle ng paglabag diumano sa kasunduan sa kanilang management contract.

Sa halip na tatlong taon lamang ay pinalawig daw ni Annabelle ang kontrata to five years, forcing her daughters to work under the talent manager's supervision.

PINAGTRATRABAHO NG SOBRA SA ORAS? Ayon pa sa isinumiteng affidavit, pinilit diumano ni Annabelle na magtrabaho ng apatnapung oras kada linggo ang dalawang menor de edad at kinumbinsing maging prayoridad ang showbiz kesa sa pag-aaral.

INUUNA ANG PAGTRABAHO KAYSA SA PAG-AARAL? Sabi ni Nadia, "As my children's manager, Rama failed to protect the interests of my children by making them work even during school hours to the detriment of their grades, giving them the impression that the same was required by the network and that they either 'take it or leave it.'

"I even learned that when she was alone with my children, Rama would convince my children to choose work over their education, giving them the impression that they need to give up their education to be able to be successful in their career."

PINAGSUSUOT NG "SEXUALLY SUGGESTIVE" CLOTHES? Maliban rito, isa pang alegasyon ni Nadia laban kay Annabelle ay ang pagpapasuot daw nito ng "mature and sexually suggestive" na mga damit. Binanggit rin ng dating aktres ang diumano'y pag-attend ng mga anak niya sa mga social events kung saan nae-expose raw ang mga ito sa "circumstances that were prejudicial to their morals."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagalitan din diumano ng talent manager ang dalawang dalagita nang tumanggi silang magsuot ng seksing damit at mag-entertain ng ilang "influential" at "powerful" na kalalakihan.

CHILD ABUSE? Ayon kay Nadia, nilabag daw ni Annabelle ang Section 2 ng Republic Act 7610, o Anti-Child Abuse Act, na nagsasabing ang mga batang may edad disiotso pababa ay hindi dapat pagtrabahuhin ng higit apatnapung oras kada linggo.

VERBAL ABUSE? Dagdag pa ni Nadia, maituturing namang "oral defamation" batay sa Article 358 of the Revised Penal Code of the Philippines ang "verbal abuse" na naranasan ng kanyang mga anak kay Annabelle.

SPREADING GOSSIP ABOUT THE CHILDREN? Ikinagalit din ni Nadia ang aniya'y pagpapakalat ni Annabelle ng tsismis tungkol sa kanyang mga anak.

Limang taon ang pirmadong kontrata ng mga anak ni Nadia sa ilalim ng management company ni Annabelle.

Ngunit dahil daw sa mga pangyayaring nakasaad sa kanyang pormal na reklamo, nais na raw nitong tapusin ang propesyunal na ugnayan nila.

ANNABELLE FIRES BACK. Ang unang buwelta ni Annabelle tungkol sa pagdedemanda sa kanya ni Nadia ay ang maiinit na pahayag niya sa kanyang sariling Twitter account noong Biyernes ng hapon, September 30:

"Nakakaloka ang news this morning. Denemanda daw ako. What???"

"Nag-file siya ng demanda? Hoy bago ka magfile ng demanda sa akin, u think 1 thousand times dahil sayang ang pera. Baka mangutang ka na naman ng pambayad ng lawyer."

Kahapon, Linggo, October 2, ay live namang nag-guest si Annabelle sa Showbiz Central upang sagutin ang mga paratang sa kanya ni Nadia.

Bagamat isa sa mga host ng programa ang anak ni Annabelle na si Raymond Gutierrez, si John "Sweet" Lapus ang nag-interview sa controversial talent manager. Dinipensahan ni Raymond ang ina sa ibang bahagi ng programa.

Simula ni Annabelle, "Before tayo mag-umpisa, meron akong sasabihin sana.

"Itong isyu na ito, dapat hindi ko na papatulan supposed to be. Kasi mas sikat na ako, 'no! May pangalan na ako, marami na akong fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung gumagamit sa akin, no name, nameless! Sorry to say, wala siyang career.

"I don't wanna to be used by anybody pero because dinemanda na niya ako, lalabanan ko siya.

"That's why I'm here right now, to clarify."

Tinanong ni Sweet si Annabelle kung paano nagsimula ang kanilang professional relationship ni Nadia at ng mga anak nito.

"Ito yun, buti tinanong mo sa akin. Siya, namimilit sa akin na i-manage ko yung dalawang anak niya.

"E, sabi ko, 'Nads, matataba pa, dapat papayatin mo. Kasi sa TV, plus ten 'yan, tsaka ano ba talent nila?' Wala!

"Dahil kakukulitan niya sa akin, masyado siyang tawag nang tawag, kung anu-anong pagkain ang inihahanda sa akin...

"Sa madaling-salita, na-convince ako na hawakan ang mga anak niya.

"So, hinawakan ko anak niya. Hindi lang tatlo, e, pati dalawang maliliit.

"Gusto niya pati maliliit niyang anak, yung four years old tsaka seven years old, mag-artista na rin.

"Sabi ko, 'Teka muna, hindi ko uunahin yung maliliit kasi mga minor masyado.'"

So, hinawakan niya muna ang dalawang teenagers?

"No, tatlo!" paglilinaw ni Annabelle.

"Yung dalawa lang ang may problema. Si Ynna [Asistio], nasa GMA, walang problema.

"Pinipilit niya akong i-manage, okay naman.

"Nakuha ko sila ng kontrata sa kabilang network [TV5], three years guaranteed contract sa mga anak niya.

"Nakakuha ako ng tatlong shows para sa mga anak niya, sayang kasi yung mga bata, enjoy na enjoy sa pagtatrabaho.

"Talagang trabaho, as in trabaho. Enjoy sila, marami sila, pambagets ang show, e. So, nanghinayang ako."

WORKING HOURS. Patuloy ni Annabelle, "So, sabi sa akin ni Nadia, diyan sa diyaryo, pinagtatrabaho ko daw ang anak niya ng forty hours.

"Hindi totoo 'yan.

"Kasi ang anak niya, hindi naman bida, e. Ang anak niya, hindi rin support.

"Hindi pa naman siya sikat, hindi pa puwedeng mag-support yun, parang doon lang, kasama lang. Best friend, kaibigan sa bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, tinalbugan pa niya ang anak kong si Richard Gutierrez.

"Sariling show ni Richard, twenty hours siyang nagtatrabaho, twenty-two hours siyang nagtatrabaho.

"Tapos ito, forty hours? Bakit?!

"Ano bang... dalawang eksena lang siya, forty hours?

"Besides, unang-una, huwag niyang ibe-blame sa akin iyon, hindi naman ako producer, hindi naman ako sa production.

"I-blame niya sa production kasi sila nandoon sa set, okay?

"As a mother, ako, panahon ni Ruffa [Gutierrez, Annabelle's eldest daughter], nandoon ako, nakabantay ako talaga, para alam ko, maaalagaan ang anak ko.

"Dapat siya nagbabantay doon, trabaho dapat niya yun.

"Na may cut-off, dahil anak mo yun, e! Pababayaan mong ganyan, di ba?

"Pangalawa, papaano siyang magtatrabaho ng forty hours?

"Ibig kong sabihin, nagtataka ako kung bakit forty hours."

CAREER OVER STUDIES. Tinanong naman ni Sweet kung sa palagay ni Annabelle ay nabigyan niya ng impression ang dalawang bata na i-prioritize nila ang kanilang career kaysa sa kanilang pag-aaral.

"Ito yun... So, sabi ko, ito yun, mag-aaral daw ang anak niya.

"Sabi ko, 'Mamimili ka...' Totoo, sinabi ko yun. 'Mamimili ka, career or schooling.'

"Kasi ang gusto ni Nadia, mag-aral ang anak niya tapos magsu-shoot siya ng alas-sais ng hapon.

"Sabi ko, 'Tinalbugan mo pa yung mga sikat na artista, 'day! Tinalbugan mo pa ang anak ko. Ang anak ko nagtatrabaho alas-singko ng umaga start.

"'Hindi naman bida anak mo, paano ko sasabihin sa production na ang anak mo puwede lang mag-shoot, mag-start ng alas-sais ng hapon?

"Napaka-donya naman natin kung sasabihin ko pa sa production 'yan.'

"Sabi ko, 'Kung gustong mag-aral ng anak mo, pahintuin muna sa pag-aartista. Kung gustong mag-aral, huminto muna sa career sa showbiz. Tutal naman mga bata pa naman marami pa silang panahon, di ba?'

"Ayaw niyang pumayag, siya ang nagpa-quit sa anak niya para hindi makasagabal sa trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Annabelle, "At saka dapat siya ang idemanda ng abuse kasi hindi niya inalagaan ang mga anak niya, e.

"Pinagtrabaho niya, hindi niya alam anong oras umuwi, tapos nagrereklamo siya."

MONEY MATTERS. Tungkol naman sa pera, ayon kay Annabelle, "Pagdating sa payday, ang aga-aga sa opisina, kumukuha ng suweldo ng mga bata kasi daw walang pambili ng ganito, walang pambayad ng kuryente, ng ganyan.

"Sabi ko sa mga bata... ang mga anak ni Nadia, close sa akin 'yan, kasi ako, kasi ang mga talents ko, kinu-close ko, parang mother ako.

"Sabi ko, 'Ano bang problema ninyo sa buhay ninyo, 'day?' Tinatanong ko naman yung mga anak ni Nadia.

"'Huwag kang mahiya sa akin, ano man sasabihin mo sa akin, hindi lalabas sa press.'

"Gusto ko lang malaman kung anong problema kasi sabi sa akin ng PA [personal assistant] ng mga bata, parang may problema ang mga bata, parang hindi maka-akting.

"Yun pala, problema sa pera.

"Hindi naman ako papayag na ang mga bata magtatrabaho, pa-morning-an.

"Sabi niya [Nadia], pa-morning-an. Pagdating sa suweldo, walang nakukuha ang mga bata.

"Kaya sabi ko, 'Ano ba itong klase ng ano ng mga batang ito, walang pambili ng damit?'"

Natanggap na ba ni Annabelle ang kopya ng demanda sa kanya ni Nadia?

"Hindi pa," sagot ng talent manager.

"Nauna pa niya i-headline sa mga newspapers, hindi ko pa natatanggap."

SEXY DRESSES. Sinagot din ni Annabelle ang alegasyong pinagsusuot daw niya ng seksing damit ang mga anak ni Nadia.

"That's a lie!" bulalas niya.

"Ako, ang gusto ko sa mga talents ko, presentable sila. Kasi gusto kong pagdating ko sa labas, yung pinupuri ang mga talents ko.

"Ako, wala akong time sa mga talents ko sumama-sama. Ano sinasabi niyang social gatherings, hindi nga ako nagsu-social sa sarili ko."

May social gatherings ba na pinapunta niya ang mga bata?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naaalala ko yung kay Belo, yung ano ni Ruffa, launching niya. Ang suot nung Alyanna, pangmatanda," sabi ni Annabelle.

Seksi raw iyon, pero hindi raw si Annabelle ang nagpasuot noon.

"Siya ang nanay, siya nakakaalam diyan," sabi niya.

"Sabi ko, 'Alyanna, you're only seventeen, ang pinagsususuot mo, pang-forty years old. Pati kulay! Nakakahiya naman.'

"'Next time, magsuot ka ng damit na pang-teenager, yung age mo. Hindi yung magsusuot ka ng mga seksi galing sa nanay mo. Hindi puwedeng ganun.'

"Bawal ba mag-advise sa mga talents ko?"

Sabi pa ni Annabelle, "Alam mo, si Nadia, laging may problema sa pera 'yan, ako laging tinatakbuhan niya.

"Kaya ako nahe-hurt ngayon, kasi tinutulungan ko lang siya umasenso ang buhay niya.

"Kinuha ko ng kontrata ang mga anak niya, puro guaranteed contract 'yan, para makatulong sa kanya.

"Maski ayaw ng mga anak ko, nag-away kami ni Ruffa noong tinanggap ko ang mga anak niya. Kasi wala ngang pangalan, mahirap mag-buildup.

"Magkano komisyon ko sa dalawang anak niya, three thousand!

"Sa three thousand, ako nagsusuweldo ng P.A. [Personal Assistant] nila, ako nagbabayad ng workshop, acting workshop, dance workshop... kasi they were nobody.

"Ang hirap kayang mag-buildup ng artista, di ba?"

THE BEGINNING. Nakausap ba niya si Nadia bago ito nag-file ng demanda? Nakipag-usap ba ito nang maayos sa kanya bago ang demanda?

"Alam mo, I have to start kung saan kami nanggagagaling, bakit ito nangyayari sa amin," buwelo ni Annabelle.

"Noong pinapalayas siya sa bahay niya sa BlueRidge, lumapit siya sa akin.

"Kailangan daw niyang mangutang sa GMA si Ynna, advance ng suweldo para pang-downpayment dun sa bahay na kukunin nila ngayon, kung saan sila nakatira.

"[One] hundred thousand a month yung bahay, so kailangan siyang mag-downpayment ng one million.

"Doon nag-start ang aming away, e. Ng one million.

"So, as a manager, ang sini-save ko, ang mga anak ni Nadia. Ayoko na matutulog ang anak niya sa kalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kinausap ko si Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films president] na pagbigyan naman si Ynna na mag-advance ng one million."

Nagkaproblema si Annabelle at Nadia sa komisyon. Ayon kay Annabelle, "As a manager, maski saan ka pumuntang manager, mag-advance ka, automatic, bigyan mo'ng komisyon sa manager mo, di ba?

"Pinagpipilitan ni Nadia, nangutang daw siya, bakit daw ako kukuha ng komisyon?

"Papaaano ka mangungutang, Nadia, kung wala namang ano ang bata, kontrata sa GMA?

"Sino ba naman siya, bakit siya papautangin ng isang milyon, di ba?

"Ang gusto niya, yung komisyon ko, three years to pay.

"Sabi ko, 'Hindi naman ako kotse, 'day!'

"Sabi ko sa kanya, 'O, para maliwanag ito, pagkuha mo ng one million, hundi muna ako kukuha ng komisyon ko. Ibayad mo na lang sa downpayment ng bahay ninyo.'

"Pero sabi ko, 'Nads, hindi ka magtatagal sa bahay na 'yan, kasi hundred thousand a month, napakamahal niyan na rent!'

"Kawawa na naman ang mga bata, sila na naman ang magbabayad na naman diyan sa rent na 'yan, di ba?

"Diyan nag-umpisa ang gulo namin."

JUST LAUGHING IT OFF. So, hindi umabot na nakapag-usap sila nang maayos bago nagdemanda si Nadia?

"Hindi," sagot ni Annabelle.

"Alam mo, Sweet, pinagtatawanan ko lang siya.

"Siguro lang hindi siya nag-aral. Ano'ng meaning ng child abuse? Ginugulpi ko ba anak niya?

"Yung kanina, in-English mo lang, e. Binubugaw ko anak niya?

"Alam mo, Nads, suwerte na buhay ko ngayon. Disente ang mga anak ko, disente ang mga talents ko.

"Lahat mga talents ko na ang mga nanay hindi nakikialam—sumisikat, nakabili ng bahay, kotse, maayos ang buhay nila.

"Pag once ang nanay pumapasok na sa eksena, nasisira lahat ng career ng anak.

"Hindi lang si Nadia, sa ibang nanay sinasabi ko. Pag once pumasok ang nanay na walang alam sa mga ginagawa as a manager, talagang sira ang career ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito, Nads, tandaan mo ha, hindi ako puwedeng magbugaw, malas 'yan, 'day! Nakita mo, napakasuwerte ko.

"Kaya ang suwerte ko sini-share ko sa mga anak mo.

"Wala akong kinikita. Tatlong libo? Hindi nga makabili sa akin ng make-up ko!

"Tatlong libo, 'day! Bakit ko pagtrabahuhin ang anak mo ng forty hours?

"Mga two hours... three thousand pala ang suweldo ko, forty hours, three thousand pa rin!

"O, bakit ako papayag ng forty hours ang anak niya, wala naman siyang... wala namang patak ang metro niyang overtime, di ba?"

YOU OWE ME. Pagkatapos nito ay binalikan ni Annabelle si Nadia sa pagkakautang diumano nito sa kanya.

"Nadia, tutal inaway-away mo na ako, sisingilin na kita ngayon!

"Nagsangla ka sa akin ng singsing, nagsangla ka sa akin ng alahas, ng earrings, hundred fifty thousand for three years.

"Ni piso, 'day, hindi kita sinisingil ng interes, 'day.

"Hundred fifty, ni hindi pa bayad hanggang ngayon.

"Tapos, 'day, bakit ganyan ang ugali mo?

"Nag-birthday ang asawa mo, wala kang pera pam-birthday, umutang ka sa akin ng thirty thousand, pinagbigyan kita, di ba?

"Wala ding interes yun, Nadia!

"Ano bang gusto mo? Mga anak mo nakautang ng milyones sa network, ano bang gusto mo, 'day?

"Dahil diyan, kinakalaban mo ako?

"Ako'y tumutulong lang, Sweet. Hindi naman ako papayag, Sweet, na ako ang nagsasaing, siya ang kakain.

"Siyempre, ako nag-buildup ng anak niya.

"O, ngayon, one day tumawag siya sa akin... a, hindi, text. 'Puwede ba i-pull out ko na mga anak ko kasi mag-aaral.'

"Mismong nung oras na iyon, sumulat ako kay Perci [Intalan, TV5 executive] sa kabilang network, sabi ko, 'I-pull out na lahat, mag-aaral ang mga bata.'

"Ganyan ko kamahal ang mga anak niya.

"Hindi ako nagpipilit na, 'Ipu-pull out mo? Hindi puwede!' Pull out!

"Wala namang mawawala sa akin, tatlong libo lang naman, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang susunod niyang hakbang?

"Sasagutin ko ang demanda niya hanggang Supreme Court.

"Yung pag-release, hindi!

"You have to give me a good reason bakit ko ire-release ang anak mo.

"Unang-una, ako nagpagod, binuild-up ko anak mo, gumastos na ako, ngayon gusto mong kumita?

"Ako ang nagpagod, ikaw kikita? No way!

"Gusto mo ipahinto ang anak mo, hinto!

"Hinto. Hindi umaandar ang kontrata. Klaro 'yan, walang ano sa kontrata 'yan, di ba?"

Bilang close siya sa mga anak ni Nadia at maging kay Nadia bago ang kontrobersiyang ito, ano ang nararamdaman ngayon ni Annabelle sa mga nangyayaring ito?

"Masakit, dahil away tungkol sa pera. Iyon ang masakit diyan, di ba?

"Kaya sabi ko nga, nakakatawa ito, e.

"Sabi ko, hindi naman ako uurong sa demanda, e. Haharapin ko 'yan. Ako pa!

"Kung nakalusot siya kay Cristy Fermin, kay Lolit Solis—no way, Nadia, hindi kita uurungan hanggang saan.

"Huwag mo akong tatakut-takutin sa mga Gabriela-Gabriela!

"Dapat ikaw ang ipakulong, dapat ikaw ang gapusin, wala kang kuwentang nanay!

"Ang anak mo, kahit maliit gusto mong pagtrabahuhin sa akin, iwo-workshop ko? Napakahirap kaya ng ano.

"Ako, nandito lang naman ako, Sweet, tumutulong.

"Ang dami kong naitulong sa babaeng 'yan, tapos ako pa ngayon pinagbintangan? Ako pa ngayon ang masamang manager?

"Kaya sabi ko, uulitin ko, hindi ako bugaw, Nadia. Suwerte ako.

"Kay Richard lang, buhay na ako, e.

"Itong mga iba, tulong ko lang sa parents. Lahat ng mga talents ko, may mga bahay na sila.

"Natutuwa ako, Sweet, e.

"Uulitin ko lang, ako'y tumutulong lang.

"Pag ginawa niyang maging masama, problema na niya iyon, Sweet. Hindi ko na problema yun.

"Kaya Nadia, ang last message ko sa iyo, 'Bayaran mo ang utang mo sa akin plus three years interest, puwede?'"

Nananatiling bukas ang PEP kay Nadia Montenegro kung may nais siyang ipahayag tungkol sa mga pahayag ni Annabelle Rama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN