Shaina Magdayao agrees with boyfriend John Lloyd Cruz that their relationship is "boring"

IMAGE 0


Shaina Magdayao on John Lloyd Cruz's statement that their relationship is "boring": "Talaga namang wala kaming bagong ikukuwento sa inyo. Napaka-boring talaga. Ganun pa rin kami. Wala kaming bago. Marami kaming bago sa career, pero sa personal naming relasyon, wala pa ring bago."


Naging isyu ang binitawang salita ni John Lloyd Cruz sa nakaraang concert ni Toni Gonzaga na Toni@10 na wala raw bago sa relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Sabi pa ng aktor, "boring" ang relasyon nila.

Pabiro lang naman ang pagkakasabi ni John Lloyd dito, pero tila sineryoso ito ng iba.

Maaaring ang salitang "boring" daw ay ina-associate lang ng aktor sa pagiging tahimik ng relasyon nila ngayon ni Shaina.

Wala kasing mga intrigang ipinupukol sa kanilang relasyon ngayon.

REALLY BORING? Noong October 5 ay muling pumirma ng exclusive contract si Shaina sa Kapamilya network. Ginanap ang contract signing sa Chronicle Lounge, 14th floor ng ELJ building sa ABS-CBN compound.

Matapos ang contract signing, nahingan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 21-year-old actress tungkol sa pagbibirong ito ng kanyang boyfriend.

"Talaga namang wala kaming bagong ikukuwento sa inyo. Napaka-boring talaga," sagot ni Shaina sa himig na nagbibiro rin.

Dagdag pa niya, "Ganun pa rin kami. Wala kaming bago.

"Marami kaming bago sa career, pero sa personal naming relasyon, wala pa ring bago."

Consistent pareho sina Shaina at John Lloyd sa pagsasabing ayaw nilang magkasama sa isang proyekto.

Ayaw raw nilang nahahaluan ng personal ang kanilang showbiz career.

"Oo naman," pagsang-ayon ni Shaina.

"Until now, nagsu-survive naman kami ng ganito na hindi kami nagtatrabaho together.

"So, ibig sabihin, it's working."

A PROJECT CLOSE TO HER HEART. Nakatakdang simulan ni Shaina ang seryeng Doha sa ABS-CBN na pagtatambalan nilang muli ni Jake Cuenca.

Ayon sa young actress, tungkol ito sa Overseas Filipino Workers (OFW), partikular sa Middle East.

"Kasi, yung family namin, nanggaling kami sa pamilya ng OFWs.

"Tapos, habang tumatagal yung story, kami rin nagkakaroon ng opportunity na pumunta sa ibang bansa para magtrabaho dun.

"Nakakatuwa, kasi may ganung story na naman that will touch our Kapamilyas' lives.

"Siyempre, siguro yung mga malulungkot days nila dun, kahit papaano sa maliit na paraan natin, mapapasaya natin sila," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Shaina na malapit sa puso niya ang istorya ng Doha. May mga kamag-anak din daw kasi siyang OFWs.

"Lagi naman akong ginaganahan everytime na binibigyan tayo ng proyekto ng ABS.

"Pero ito, parang somehow honored ako na ako ang napili na gumanap na OFW.

"Kasi ako mismo, mayroon tayong mga relatives na nagtatrabaho sa ibang bansa. So, hindi bago sa atin yun.

"Kaya honored ako na in my own little way dahil nga gagawin ko itong show na ito.

"Sana nga, medyo mabigyan natin ng kaunting saya ang ating mga kababayan.

"Marami akong mga pinsan na nandun [Doha, Qatar]. And right now, yung third sister ko is there kasama yung dalawang pamangkin ko.

"So, alam ko yung feeling na mayroon kang kapamilya na malayo sa iyo, 'di ba?

"Kaya talagang malapit talaga ang dating ng proyektong ito sa akin."

WELL RESEARCHED. Ayon pa kay Shaina, sumailalim ang Doha sa masusing pag-aaral ng mga buhay ng mga kababayan natin doon bago pa man ito simulang gawin.

"Kasi yung show, bago nila ginawa, gumawa muna sila ng research. Nagpunta muna sila dun.

"So, based sa research nila, pinakita kung gaano talaga naghihirap ang mga Kapamilya natin dun.

"So, mas tumaas ang respeto ko sa kanila. Alam natin kung gaano sila nagpapakahirap.

"Siguro ganun nila kamahal ang mga pamilya nila. Na natitiis nila ang mapalayo sa pamilya nila for a while, or even for years.

"Okay na sa kanila yun basta masuportahan nila yung mga pamilya nila dito sa Pilipinas."

HER PREPARATIONS. Kapansin-pansin ang pagbawas ng timbang ni Shaina. Ayon sa aktres, ginawa niya ito para sa Doha.

"Nagpapayat ako for this show kaya medyo marami-raming preparations.

"Gusto namin yung ilalabas nating story ay malapit sa katotohanan.

"Kung ano talaga yung pinagdadaanan ng mga OFWs. Kaya careful din yung mga writers namin at director."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil istorya ito ng mga Pinoy workers sa Middle East, may mga eksenang kukunan talaga sa mga bansa roon.

"Yes, yung flashback, magsu-shoot kami sa Abu Dhabi, sa Dubai, tapos sa Doha.

"Ideally kasi, mayroon silang kung ilang weeks. So, definitely weeks kami dun.

"Ang story namin is 60 percent na nangyari dun sa Doha nga. At 40 percent lang dito sa Manila."


WITH JAKE AGAIN. Nakatrabaho na ni Shaina si Jake Cuenca sa Rubi, Your Song, at Villa Estrella.

Sa pagtatambal nilang muli ng aktor, excitement daw ang nararamdaman ni Shaina lalo't maganda ang naging working relationship nila dati.

"Hindi pa kami nag-i-start, mag-i-story [conference] pa lang and taping, pero kami ni Jake, gamay na namin ang isa't isa.

"Siyempre, excited ka ulit na makatrabaho yung tao.

"And si Jake naman, napaka-gentleman na tao. Napakamaalagain na ka-loveteam.

"So, excited talaga ako na makatrabaho uli siya," sabi ni Shaina tungkol sa kanyang leading man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN