John Lloyd Cruz admits he was tempted by offer from another network, but loyalty to ABS-CBN prevailed

IMAGE 0


John Lloyd Cruz on new network contract: "For the next three years I'll be here, I'll be working for Star Cinema and for ABS CBN. Tatlong taon yun, so marami-rami kang dapat pag-isipan, marami kang bagong gagawin."


Pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si John Lloyd Cruz, bilang patunay ng kanyang pagiging isang certified Kapamilya.

Tatlong taon ang pinirmahang kontrata ng aktor sa kanyang home network.

"Excited ako, looking forward for new projects," sambit ni John Lloyd nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"For the next three years I'll be here, I'll be working for Star Cinema and for ABS CBN.

"Tatlong taon yun, so marami-rami kang dapat pag-isipan, marami kang bagong gagawin.

"Exciting na pag tiningnan mo, 'Ilang pelikula kaya yun?'

"Malamang isa, dalawang pelikula every year, and malamang pinakamahina na yung isang teleserye a year.

"Last ko was Imortal."

Dagdag pa ni John Lloyd, "Magre-resume na kami ng movie with Angel [Locsin].

"They will be pitching today for teleserye, trabaho sa TV."

Totoo bang nagkaroon ng offers sa kanya from other stations, lalo't may lumabas na mga balita na nagbalak rin daw siyang umalis sa ABS-CBN?

"Nagkaroon ng offer," pag-amin niya.

"Medyo... medyo tempting talaga, pinag-aralan ko.

"And gaya ng kahit na anong trabaho natin dito, business ito at the end of the day, na kailangan nating pag-aralan mabuti.

"At sa haba ng pinagdaanan, heto na.

"Pagkatapos ng lahat ng mga pag-uusap, na-realize ko na nandito yung lahat ng kailangan ko, nandito ang puso ko, nandito ang tahanan ko.

"Kahit medyo mahirap yung pinagdaanan, very enlightening naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN