Nadia Montenegro and daughter Ynna Asistio release statements on Annabelle Rama child-abuse case

IMAGE 0


Nadia Montenegro posted this statement on her Twitter account: "I promised everyone who loves me that I will keep quiet through the storm. My kids, family, friends, truth, breeding and God are all I have. That's all I need. I'd rather live a simple life than pretend I have everything."


Ayon sa report ng StarTalk TX kahapon, Sabado, sa pananahimik ng aktres na si Nadia Montenegro sa matinding isyu tungkol sa demandahan nila ng talent manager na si Annabelle Rama, tanging sa kanyang Twitter account lamang nagbigay ng kanyang pahayag si Nadia ukol sa mga kaganapan.

Narito ang pahayag ni Nadia sa kanyang Twitter account hinggil sa eskandalo sa pagitan nila ni Anabelle Rama.

"I promised everyone who loves me that I will keep quiet through the storm.

"My kids, family, friends, truth, breeding and God are all I have.

"That's all I need.

"I'd rather live a simple life than pretend I have everything."

Idinemanda ni Nadia si Annabelle Rama ng kasong "child abuse" at "oral defamation" sangkot sa mga anak niyang sina Alyanna Asistio, 17, at Annika Asistio, 15, na parehong talents ni Annabelle.

May pahayag din ang kapatid nilang si Ynna Asistio, na talent din ni Annabelle, in a taped interview sa StarTalk TX...

"Tama lang yung ginagawa ng mommy ko, kaya hanga ako kasi alam mo yun? Hindi siya lumalaban, sa interview, hindi siya ano, so...

"Iyon lang, tsaka kahit papano may respeto naman din kami kay tita. Kumbaga yung ginagawa lang naman ng mommy ko e nagiging tunay na nanay, na kahit ano'ng mangyari e, ipagtatanggol ang mga anak.

"So antayin na lang natin kasi, eventually lalabas din naman, lahat ng ano e, lahat ng totoo, lahat ng totoo. So sana hindi sila mag-judge agad."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN