PART 1. Mark Herras says Nadia Montenegro-Annabelle Rama feud has gone too far: "Sobrang below the belt na."

IMAGE 0


Mark Herras on Nadia Montenegro's feud with Annabelle Rama: "Actually, si Ynna and to her family, yung support na binibigay ko is normal lang naman po. Na, 'Huwag ninyo na lang pansinin 'yan kahit sobrang below the belt na. Pabayaan ninyo na lang po.' Pero alam ko naman po na lalaban at lalaban sina Tita Nadia."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark Herras sa taping ng Time of My Life sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Dahil girlfriend ni Mark si Ynna Asistio, tinanong namin kung ano ang saloobin niya sa gulong namamagitan sa ina ni Ina, na si Nadia Montenegro, at sa talent manager ni Ynna, na si Annabelle Rama.

Paano niya sinusuportahan si Ynna?

"Actually, si Ynna and to her family, yung support na binibigay ko is normal lang naman po.

"Na, 'Huwag ninyo na lang pansinin 'yan kahit sobrang below the belt na. Pabayaan ninyo na lang po.'

"Pero alam ko naman po na lalaban at lalaban sina Tita Nadia.

"Sa case ko lang po kasi, ayoko lang manghimasok dun sa gulo.

"I mean, family ko na rin po sila, pero siyempre po, ayoko na rin pong mas makagulo pa sa isyu.

"So, iyon po," pahayag ni Mark.

BELOW THE BELT. Naniniwala siyang "below the belt" na ang alitan sa pagitan nina Nadia at Annabelle?

"Oo, sobra naman po!" bulalas niya.

"I mean, nakakabasa naman ako sa mga Twitter.

"Di ba talaga naman pong below the belt na yung nangyayari?

"Tsaka ayoko na pong mag-comment tungkol diyan, ayoko na pong sumama sa isyu."

Si Nadia, paano sinusuportahan ni Mark?

"Si Tita Nads, actually wala naman po yung support na salita.

"Pero sa text or sa tweet, or pag nagpupunta kami lagi...pag nagkikita kami, iki-kiss tapos iha-hug ko siya.

"Pag nakikita kong meron sa Twitter na something, sasabihin ko, 'Nay, relax ka na lang.' Iyon po."

Si Mark mismo ay may nakaaway raw recently sa Twitter...

"Hindi po, kasi may nag-tweet ... nag-tweet sa akin si Tita Nads, 'Ang guwapo naman ng anak ko sa Party Pilipinas!'

"Sabi ko, 'Salamat Nay, I love you!'

"Tapos, may biglang nag-tweet na parang, 'Hoy, Nadia, magkano ba inutang mong pera kay Mark?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako naman po kasi, kaya hindi ako madalas mag-twitter kasi nga pag may mga below the belt na haters, sobrang sinasagot ko.

"Yun, nasagot ko siya ng 'F--k you!'"

Hindi na raw sumagot pa ulit ang naturang hater.

"Hindi. Ako naman, after kong sumagot, bina-block ko na."

NOT AFFECTED. Magkakaibigan ba sila nina Raymond at Richard Gutierrez, na mga anak ni Annabelle?

"Yeah, kami ni Richard, kami ni Raymond," sagot ni Mark.

Hindi naman daw naapektuhan ang friendship nila sa gulo nina Nadia at Annabelle.

"Wala naman. Ever since po kasi na nagsimula ako, si Richard po, talagang 'Hoy, bro, kumusta?'

"Lagi po kaming ganun."

Ngayong may isyu, hindi sila affected?

"Hindi naman po, hindi naman.

"Kahit kami ni Raymond, nagkita kami nung Sunday [sa Party Pilipinas], 'Hey, Mark!' ganun siya."

MARK AS DANCER. Sa Time of My Life, bilang Bad Boy ng Dance Floor, maituturing na si Mark ang pinakamagaling sumayaw among the cast members.

Hindi ba siya nahihirapan na kailangang umalalay siya sa ibang stars ng show?

"Actually po, sa totoo lang, pag nakita n'yo po silang sumayaw as a group...

"I mean, alam naman ninyo na hindi ako sumasayaw dito [sa Time of My Life].

"Pag nakita ninyo silang mag-perform, andun yung dedication nila sa trabaho, lalung-lalo na si Kris Bernal.

"Sobrang-sobrang binibigay po lahat ni Kris yung kaya niya dito sa show.

"Kahit pag nagte-taping kami ng twenty-four hours, pagtingin mo sa kanya, 'Saan mo kinukuha yung energy mo? Bakit gising ka pa?'

"Kaming lahat natutulog!

"Iyak pa siya nang iyak [sa mga eksena], iyak pa siya nang iyak. Sobra!

"Even si Rocco [Nacino], even si Enzo [Pineda]... Actually lahat po, kahit sina LJ [Reyes], si Sef [Cadayona]—sobrang natutuwa po ako.

"Kasi itong show na ito, talagang puro dancers po, e. Dancers and actors po, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, wala po yung kailangan ko silang dalhin, kailangan ko silang ganun.

"Pero siyempre, everytime na nagkakaroon ako ng dance number, iyon pa rin ako.

"I mean, iyon pa rin yung ginagawa ko, kung ano po yung dapat kong gawin.

"Pero hindi... hindi ko intensyon na, 'Ano ba, kailangan ko kayong dalhin!' Hindi po, hindi po ganun."

Magkakaroon daw si Mark ng bonggang dance number sa Time of My Life.

"Magkakaroon na po at magugulat kayo!" sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN