Ynna Asistio given a promise ring, not an engagement ring, by boyfriend Mark Herras

IMAGE 0


Binigyan si Ynna Asistio (above) ng isang promise ring ng kanyang boyfriend na si Mark Herras. Sa premiere ng The Road nuong Biyernes, suot nilang dalawa ang singsing na kulay itim na may mga maliliit na bato sa paligid. "Binigay ni Mark ito a few days ago. May sorpresa raw siya sa akin at sinuot nga niya yung promise ring sa daliri ko. Meron din siyang [singsing] kapareho ng binigay niya sa akin. Symbol daw iyon ng love niya sa akin," Ynna s


Magkasamang dumating sa premiere night ng The Road, ang suspense-thriller ng GMA Films, ang magkarelasyon na sina Mark Herras at Ynna Asistio.

Ito ay naganap noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 25, sa Cinema 3 ng SM Megamall.

Kasama si Ynna sa cast ng pelikula bilang isang babae na aksidenteng napatay ng character ni Carmina Villarroel.

Nakikitang matibay pa rin ang relasyon nina Ynna at Mark, at hindi naapektuhan kahit na dumaraan sa matinding problema ang pamilya ng aktres.

Nagpapasalamat si Ynna sa Diyos na 'binigay sa kanya si Mark dahil isa ito sa nagtatanggol sa kanilang pamilya kahit na hindi naman nila ito hinihiling.

Patunay lang na maaasahan si Mark sa kahit anong problemang kinakaharap ng pamilya ng aktres. At sa ngayon nga ay nariyan ang matinding away ng mommy niyang si Nadia Montenegro at ang talent manager niyang si Annabelle Rama.

"Hindi madali ang pinagdaraanan namin ngayon, lalo na si mommy.

"Alam namin lahat na nahihirapan na siya but she's being strong for all of us," pahayag ni Ynna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Naaawa ako sa mommy ko at lahat ng puwede kong ibigay na suporta sa kanya ay binibigay ko.

"Mahirap para sa isang anak na makita ang nanay mo na nasasaktan.

"Isa nga sa nagpapalakas ng loob namin ay si Mark.

"He is always there for us and he has never left our side.

"May times ngang nahihiya na ako kay Mark dahil puro na lang problema ng family namin ang nakikita niya.

"I told him na kaya ko naman ang lahat.

"Kailangan kong maging strong para sa mommy ko at sa mga kapatid ko.

"Pero sabi ni Mark na kung ano ang pinagdadaanan ko, nandiyan lang siya para tumulong at sumuporta sa amin.

"Kaya ako nakakangiti nang ganito ay dahil alam ko na may tao pa rin sa paligid namin na hindi kami tatalikuran."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEFENDING YNNA'S FAMILY. Nag-aalala lang daw si Ynna na baka madamay si Mark sa nagaganap na gulo sa pagitan ng ina niyang si Nadia at sa dinedemanda nitong si Annabelle Rama.

"Sinasabi ko yun kay Mark. Ayokong madamay siya.

"Ayokong may mga magalit sa kanya.

"Yung mga taong naninira sa aming pamilya ay baka siraan din siya.

"Pero wala raw siyang dapat katakutan dahil wala naman siyang ginagawa sa mga taong ito.

"Hindi raw kasalanan ang ipagtanggol ang mga taong importante sa kanya.

"Nasasaktan din kasi si Mark kapag may nababasa siyang hindi maganda tungkol sa pamilya namin.

"Kapag nakikita niyang malungkot ako, sasabihin niya sa akin na huwag akong sumuko.

"Na kailangan ako ni mommy at nandiyan siya para samahan ako, " ang sabi niya.

PROMISE RING. Bilang simbolo ng pagmamahal ni Mark para kay Ynna, binigyan niya ito ng isang promise ring.

Suot nilang dalawa ang singsing na kulay itim na may mga maliliit na bato sa paligid.

"Binigay ni Mark ito a few days ago.

"May sorpresa raw siya sa akin at sinuot nga niya yung promise ring sa daliri ko.

"Meron din siyang [singsing] kapareho ng binigay niya sa akin.

"Symbol daw iyon ng love niya sa akin.

"Kapag nalulungkot daw ako, tingnan ko lang daw yung promise ring, at kahit wala raw siya sa tabi ko, mararamdaman ko yung love niya," ngiti pa ni Ynna.

Natawa na lang ang aktres nang may magtanong kung engagement ring na raw ba iyong binigay ni Mark sa kanya.

Kung engagement ring daw iyon, sana ay mas mahal na singsing ang iniregalo sa kanya ni Mark, pabirong sabi ni Ynna.

"Mura lang daw yung promise ring, kaya yun lang daw muna ang kaya niyang ibigay.

"Tsaka wala namang ikakasal pa, e!" tawa pa niya.

"Hindi pa kami handa ni Mark sa ganyan. Marami pa kaming gustong gawin sa buhay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Mark, may mga gusto siyang maabot pa. Gano'n din naman ako.

"Laging payo sa amin ni mommy na isipin muna ang lahat bago kami magdesisyon.

"Alam naman ni mommy kung ano pa ang mga gusto kong mangyari.

"Tiwala siya na hindi pa ako mag-aasawa agad.

"May tiwala rin siya kay Mark na hindi pa ako yayayain nito magpakasal," pagtatapos ni Ynna Asistio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN