The KC Concepcion and Piolo Pascual romance—is it over?

IMAGE 0


A few weeks before their first anniversary, October 21, breakup rumors are hounding the couple.


"Break na raw sila."

Ito ang balitang kumakalat tungkol sa magkasintahang Piolo Pascual at KC Concepcion.

Isang source ang nagparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "totoo" ang balita.

Ang source na ito ay may koneksiyon sa ABS-CBN, na mother network ng high-profile na magkasintahan. Regular ding nakakasalamuha ng source sina Piolo at KC, lalo na ang huli na The Buzz co-host.

Aniya pa, "Hintayin na lang kung magsasalita si KC sa linggong ito."

MEANINGFUL STATEMENTS. Ang alingasngas tungkol sa paghihiwalay ng binata (na sinasabing pinaka-guwapo sa Kapamilya network) at ng dalaga (na anak ng dalawa sa pinaka-prominenteng showbiz stars) ay nagsimula noong nagpa-interview ang dalaga bago ito lumipad papuntang Paris, France, noong October 5.

Sabi ni KC, "Sa dinami-rami ng nangyari, or nangyayari, siguro ano lang, kailangan ko lang mag-isip talaga. Kailangan ko lang ng konting time na mapag-isipan lang yung mga nangyayari, and para lang mahanap ko ang sarili ko ulit."

Nang tanungin siya tungkol sa nobyo—kung alam ba ni Piolo ang tungkol sa kanyang pag-alis at kung sila pa rin ba—apat na beses sinagot ni KC ng, "Hindi ko po alam." Bakas din sa mukha ni KC ang lamya at pagkalito.

(CLICK HERE to read related article)

Samantala, maingat na maingat naman si Piolo sa pagsagot nito ng tungkol sa kanila ni KC sa naganap na presscon para sa Sun Life Financial Philippines noong October 8.

Sa tanong tungkol sa pagse-celebrate ng kanilang first anniversary, ang matipid na sambit ng singer-actor ay, "A, sa amin na lang po yun."

Pero tungkol naman sa kung magiging masaya ang kanyang Pasko, "Hope so, hope so," ang kanyang tanging tinuran. (CLICK HERE to read related article)

Halatang umiiwas si Piolo sa mga tanong tungkol sa kasintahan, kaya hanggang dalawang katanungan lang ang naitala ng entertainment press.

FRIENDS ARE MUM. Maging ang mga taong nakakakilala sa couple ay tikom ang bibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP, via text messaging, ang publicist ng Star Magic, ang presidente ng isang fan club ng magkasintahan, at isang department head ng isang produktong ini-endorso ni Piolo. Lahat sila ay nagsabing wala silang alam.

Nitong nakaraang Agosto, nabalita nang may hinaharap na problema ang dalawa. Subalit agad na idinenay ito ng mga kaibigan na na-interview ng PEP, at nagsabi pang "Magkakabati rin sila." (CLICK HERE to read related article)

Nitong October 17, nang makuha ng PEP ang balitang hiwalay na talaga ang dalawa, naghanap kami ng kumpirmasyon. Ngunit tatlong araw na ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag ang Star Magic at iba pang mga kaibigan ng dalawa.

Ang huling sinabi ng talent-management company ng dalawa ay babalitaan ang PEP sakaling makausap nila sina Piolo at KC.

Dalawang kaibigan ang nagsabing wala silang alam. Ang dagdag ng isa, "They have a concert this late October, we'll see the truth."

Nakatakda nang magkaroon si Piolo ng series of shows sa Estados Unidos na tatagal ng dalawang linggo. Kasama sa mga naturang shows si KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN