KC Concepcion returns after weeks of representing the country in different events abroad

IMAGE 0


"Nawala man ako, I represented Philippines with pride. I am so proud to be Pinoy sa lahat ng pinuntahan ko. Hindi nga ako mukhang pure Pinay, pero talagang nagpapaka-Pinay ako doon. And I always talk about the Philippines sa Clinton dinner. At sa mga nakilala ko doon, ipinagmamalaki ko ang Pilipinas in every way that I could," says KC Concepcion.


Ilang linggong nawala sa Pilipinas si KC Concepcion.

Kasabay ng pag-alis ng bansa ni KC ay ang pagsabog ng intriga sa diumano'y totoong estado ng relasyon nila ni Piolo Pascual.

Pero sa halip na tungkol sa relasyon nila ni Piolo ang pinag-usapan sa pagbabalik niya sa The Buzz kahapon, November 13, ang tungkol sa pagbibigay karangalan at pag-aangat sa ating bansa ang nabigyan ng highlight sa kuwento ng TV host-actress.

Nagsimula ito sa pag-attend ni KC sa isang charity event ni former U.S. President Bill Clinton.

Kasama ni KC na nagpunta roon ang kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Pagkatapos nito ay sumaglit si KC sa Manila para simulan ang rehearsals para sa concert series nila nina Piolo at Yeng Constantino sa Amerika.

Sumunod nito ay dumiretso si KC sa Indonesia para mag-perform sa opening ng 26th Southeast Asian (SEA) Games.

Kinanta ni KC ang official theme song ng SEA Games na "Together We Will Shine," kasama ang Asian divas na sina Jaclyn Victor ng Malaysia at Agnes Monica ng Indonesia.

Pero ayon kay KC, ang pinakaimportanteng ginawa raw niya sa SEA Games ay ang ma-inspire ang Filipino athletes na lumalaban doon.

Sa kasalukuyan ay nasa pang-anim na puwesto ang Pilipinas sa labing-isang bansang naglalaban-laban doon. Nasa unang puwesto ang host country na Indonesia.

Kuwento ni KC tungkol sa kanyang mga karanasang ito: "You know, these are the things na hindi natin ine-expect, di ba? And it's so nice.

"Like you said nga sa opening, Tito Boy, talagang may mga balita dito sa Pilipinas, sa bansa natin, na hindi naman talaga nakakapagpabuti sa mga Filipino.

"In a way, in your own little way, gusto mo mapa-smile ang ibang Pinoy—hindi lang dito kung hindi abroad.

"Nag-umpisa siyang talaga, it's been a whirlwind four weeks or one month na kaya rin ako nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nawala man ako, I represented Philippines with pride.

"I am so proud to be Pinoy sa lahat ng pinuntahan ko.

"Hindi nga ako mukhang pure Pinay, pero talagang nagpapaka-Pinay ako doon.

"And I always talk about the Philippines sa Clinton dinner.

"At sa mga nakilala ko doon, ipinagmamalaki ko ang Pilipinas in every way that I could.

"And siyempre, noong nagpunta tayo sa U.S., kami nila Piolo at Yeng, lahat ng mga Pinoy do'n, sabik na sabik na makakita ng mga Filipino, yung mga nakikita nila sa TFC.

"So, that was very nice na makita silang lahat sa Chicago, sa L.A., sa New York, sa Union City...

"Thank you very much sa lahat ng pumunta sa show.

"Sa mga supporters namin ni PJ, supporters ni Yeng, supporters ko, thank you sa pagpunta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN