KC Concepcion not ready to share what's inside her heart; asks for more time

IMAGE 0


"Yung sa akin lang, I'll share my heart naman as I always have. Lagi ko namang binabahagi ang puso ko, yung nararamdaman ko sa mga tao. It's just that bigyan n'yo lang po ako ng time, kasi gusto ko ring kayaning humarap sa inyo na totooo yung nararamdaman ko, yung totoo yung ibabahagi ko sa inyo," says KC Concepcion.


Bago umalis ng bansa ni KC Concepcion papuntang Spain at U.S., sinabi ng TV host-actress na kailangan niya munang magpahinga at hanapin ang kanyang sarili.

Kasabay nito ang pag-amin ni KC na may malalim na pinagdaraanan ang kanilang relasyon ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa pag-alis ni KC ay nagkasama silang muli ni Piolo para sa series of shows nila sa U.S., kasama rin si Yeng Consttantino.

At kung pagbabasehan ang closeness at sweetness nina KC at Piolo na nakita sa videos ng mga show nila, iisiping tila nagkabalikan na ang dalawa.

Ito ang inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay KC nang makausap namin siya sa pictorial ng upcoming primetime series ng ABS-CBN, ang Alta, sa San Agustin Church kahapon, November 14.

Kumusta na nga ba ang lagay ng puso niya ngayon?

Saad ni KC, "What can I say about that?

"Ako kasi, hindi ako magsasalita until I'm ready.

"Hindi ako nagsasalita because iniisip ko rin yung ibang tao.

"Yung sa akin lang, I'll share my heart naman as I always have.

"Lagi ko namang binabahagi ang puso ko, yung nararamdaman ko sa mga tao.

"It's just that bigyan n'yo lang po ako ng time, kasi gusto ko ring kayaning humarap sa inyo na totooo yung nararamdaman ko, yung totoo yung ibabahagi ko sa inyo."

Nagtagumpay ba si KC sa hangarin niyang mahanap at mas makilala ang kanyang sarili?

Ayon sa Kapamilya star, "Para ma-remind ko lang kung sino ako, ma-remind ko lang ang sarili ko na babae lang ako, may nararamdaman din, na may pinaninindigan din, yun lang.

"Kung saan ako lumaki, kung saan ako kumportable, bago ko pa nakilala lahat ng tao na nakilala ko dito nang mabuti, binalikan ko lang."

SUPPORT FROM MOM SHARON. Matatandaang sumunod din kay KC ang ina niyang si Sharon Cuneta sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay dahil na rin sa hiling ni KC na makasama ang Megastar.

Para kay KC, isa itong bagay na labis niyang ipinagpapasalamat sa ina.

"Actually, si Mama kasi, siyempre nagtatanong din siya.

"Parang hirap-hirap sagutin kasi may mga bagay na parang kakayanin ko muna on my own.

"She just made sure to let me know na 'Nandito ako para sa iyo, kung anuman 'yan, sasabihin mo sa akin, di ba?'

"Sabi ko, 'Opo, Ma, pag ready na ako.'

"Mostly naman, ang mga nanay, bago ka pa magsalita, alam nila yun, nararamdaman nila yun.

"Of course, I'm very thankful and she knows that.

"She knows na kahit na anong suporta ang nakukuha mo sa ibang tao, kahit na anong pagmamahal ang dala-dala mo at ibinibigay sa iyo, pag nanay mo na ang nagbigay, iba pa rin."

HIGH EXPECTATIONS. Paano niya kinakaya ang mataas na expectations sa kanya ng ibang tao sa paggawa ng mga desisyon sa buhay?

At paano niya iha-handle ang kumplikadong sitwasyon sa kanyang buhay?

Ayon kay KC: "Isa 'yan sa mga bagay na pag-uusapan 'pag ready na ako.

"Sobrang hirap na i-handle yung expectations ng ibang tao.

"Pero, I think, ang pinakaimportante sa lahat, kailangang honest ka sa sarili mo.

"Kasi once na nagawa mong maging honest sa sarili mo, okay ka."

SHOW IN U.S. Kinumusta rin ng PEP kay KC ang series of shows nila nina Piolo at Yeng sa Amerika, at kung ano ba ang naging pagtanggap sa kanila ng mga kababayan natin doon.

Kuwento niya: "Talagang nakakataba ng puso na ang daming dumating, na to the point sa San Francisco show namin, soldout na siya and punung-puno talaga yung venue.

"Ang sarap, nakakataba ng puso.

"They shared our joys na pag nagpapatawa kami on stage, tawa sila.

"Pag medyo ramdam na ramdam ko yung mga kanta, ramdam na ramdam din nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And sinasabayan din nila ako sa mga songs na familiar sa kanila."

Masaya ring ikinuwento ni KC ang naging experience niya nang maging representative siya ng Pilipinas sa opening ceremony ng Southeast Asian Games noong November 10.

"Sabi ko, 'Anong gagawin ko, 30,000 katao ang nandito tapos kitang-kita yung presidente ng Indonesia!'

"Kinabahan talaga ako.

"Ang laki ng stage, akala ko talaga malulunod ako, parang lulunukin ako sa laki.

"Tapos, kasama ko pa si Agnes Monica, who is a big star in Indonesia...parang wala na akong maisip.

"Ang coping mechanism ko para maka-survive ako, 'Pinay ako, ako lang ang Pinay dito.'

"Nairaos, and ang sarap rumampa sa stage na gumagalaw, totally humihiwalay ka sa stage.

"First time kong makaramdam ng feeling ng beauty queen!"

ALTA. Samantala, excited naman si KC na magiging bahagi siya ng Alta.

Makakasama niya rito sina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Zanjoe Marudo, at Luis Manzano.

Kuwento ni KC, "Sabi ko kanina, alam ninyo manonood ako ng show na ito gabi-gabi.

"Na-realize ko kasama pala ako dito!

"It's really exciting, kasi nag-shoot na kaming tatlo na girls [KC, Gretchen, at Angelica].

"Nae-excite ako. Ako mismo na-excite. Grabe, ano kaya ang mangyayari sa kanilang tatlo?

"May kanya-kanya silang hugot ng mga damdamin, ng emotions, iba't iba ang kuwento nilang tatlo.

"It's a new thing for me.

"In three years na bumalik ako sa showbiz, sa three years na yun, ang dami ko nang nagawa.

"Pero marami pa akong kailangang gawin, marami pa akong puwedeng gawin.

"Mga projects na siguro I feel ready for it, and I feel good about it, kasi nga tatlo kaming girls.

"And I've never done a project na girls ang kasama ko—laging loveteam or nanay na anak ako. So this is first time.

"Of course, sa boys, si Luis friend ko na, and si Zanjoe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, of course, first time ko ring makatrabaho si Diet.

"So, I'm really excited."

Ano ba ang role niya sa Alta?

"Ako si Alexa Ocampo.

"Isa ako sa mga Alta na ayaw maging Alta, nagrerebelde being an Alta.

"So, makikita ng mga tao yung mga pinagdaraanan ng mga tao sa ganung klaseng pagpapalaki.

"Na maaaring yung problema nila, maaari ring ganun rin ang problema namin.

"Makikita nila yung puso ng mga taga-Alta."

Ano naman ang preparations niya para sa primetime series na ito ng ABS-CBN?

"Heto, nagpapapayat uli ako.

"Nag-workshop din kami kay Direk Lauirice Guillen.

"I feel good naman na dumaan ako sa kanya and diretsahan naman siyang nagte-training sa amin.

"I've been watching din sa some movies na ganun ang kuwento, or pareho ang character ko dun sa bida.

"So, nanonood din ako ng iba't ibang movies."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN