Gretchen Barretto says she can only pray for her sister Claudine and what she's going through

IMAGE 0


"Ayoko siyang palakihin. I feel for her as a sister, pero siyempre may pinagdaraanan din ako, and as a family, may pinagdadaaanan din kami, so ayokong mag-comment tungkol dun. All I know is kakapit kami sa Diyos," says Gretchen Barretto on sister Claudine and husband Raymart Santiago's disappearing bank account.


Marami ang natuwa sa muling pagkakaayos ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto.

Matagal din na panahon ang nakalipas bago natuldukan ang naging tampuhan, patunay lamang daw ito na hindi mo pa rin talaga kayang tiisin at talikuran nang tuluyan ang iyong pamilya.

Kamakailan nga ay isang matinding issue na naman ang kinaharap ng magkapatid kung saan nakunan si Claudine na umiiyak kasama ng abugadong si Atty. Maranan dahil na-withdraw ang laman ng joint account nila ng asawang si Raymart Santiago.

Nabuhay muli ang isyu na may malalim talagang pinagdaraanan ang pagsasama ni Claudine at ng asawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News kay Gretchen last Wednesday sa Christmas station ID shoot ng ABS-CBN, hiningan namin siya ng reaksyon sa bagong isyung kinasasangkutan ni Claudine.

Tinanong din namin kung ano ba ang suportang ibinibigay niya sa bunsong kapatid?

"Right now, I'd rather not comment pagdating sa pamilya niya.

"All I can really say is ipagdarasal ko siya ng ilang rosaryo, and I think that's all I can really do.

"Ayoko siyang palakihin.

"I feel for her as a sister, pero siyempre may pinagdaraanan din ako, and as a family, may pinagdadaaanan din kami, so ayokong mag-comment tungkol dun.

"All I know is kakapit kami sa Diyos."



ALTA UPDATE. Dahil umiwas na itong pag-usapan si Claudine, kinumusta si Gretchen tungkol sa Alta, at kung bakit ba ito natagalang gawin, gayong nung una ay isa ito sa seryeng sisimulan sana ng ABS-CBN.

"I think first quarter of next year ipapalabas, so were gonna start taping really soon.

"Natagalan kasi ang creative, kasi mahirap daw talagang mag-umpisa after Magkaribal.

"Kailangan talagang gawing kaabang-abang din ito."

Aminado si Gretchen na excited talaga siya sa project na ito lalo't matagal-tagal din siyang namahinga sa paggawa ng teleserye.

"I'm very excited kasi nagkaroon ng lull.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nagtrabaho, so nabigyan ko talaga ng time ang sarili ko, ang pamilya ko.

"Nagawa ko yung mga gusto ko, and now I'll focus already on Alta.

"Reading-ready na ang mga susuotin ko. We did workshops and, of course, I exercised a lot."

Gretchen also expressed her excitement about working with KC Concepcion and Angelica Panganiban.

She's also open to becoming friends with Angel na noon ay nakaalitan niya.

"I'm very excited to work with Angelica and KC. Nakasama ko na si Angelica sa Pantene commercial, so parang nahuli ko na siya.

"Kung puwede kaming maging friends [ni Angelica]? I believe so.

"Nakilala ko kasi ang totoong Angelica sa workshop.

"So pag-uwi ko, tinext ko agad si Derek [Ramsay].

"Sabi ko: 'Oh my God, I really like Angelica. Parang I feel nung nagkatampuhan kami, you just have to get to really know the person talaga.'

'Sabi ni Derek sa akin, 'I told you.'

"Tahimik si Angelica.

"Dun ako nahihirapan, pero I know eventually magiging maingay na rin siya kasi ako ang kasama niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN