Bea Alonzo squashes rumor she'll move to TV5; says boyfriend Zanjoe Marudo makes her "happy"

IMAGE 0


"Happy ako ngayon. Hindi ba ako mukhang happy? Blooming na blooming!" says Bea Alonzo about the status of her lovelife.


Usung-uso na talaga ngayon ang balitang lipatan ng mga artista.

Matapos maintrigang lilipat na raw ng network sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Cristine Reyes, Derek Ramsay, at Sharon Cuneta, sunud-sunod naman ang blind items tungkol sa isa pang Kapamilya actress na nagbabalak diumanong lumipat sa TV5.

Ayon sa mga blind item, nakipag-meeting na raw ang young actress na ito sa ilang executives ng TV5.

Kalaunan, pinangalanan na rin ang Kapamilya young actress na lilipat sa Kapatid network—ito raw ay si Bea Alonzo.

Pinabulaanan na ito ni Bea sa mga naunang interview sa kanya.

Pero hindi pa rin talaga tumitigil ang isyung ito dahil lumabas naman ang balita na sa nalalapit na selebrasyon ng kanyang birthday—October 17—inimbitahan diumano ni Bea ang ilang Kapatid stars.

Hudyat na kaya ito na may mga pag-uusap talaga ng kanyang paglipat?

RUMOR HAS IT. Sa launch ng Esquire Philippines noong Miyerkules, October 5, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea pagdating nito sa The Peninsula Manila kasama ang boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Nilinaw namin kay Bea kung ano nga ba ang katotohanan sa balitang lilipat na siya sa TV5.

Aniya, "Wala. Kasi matagal pa ang contract ko sa ABS-CBN."

Pero may pag-uusap ba o meeting kasama ang ilang TV5 executives?

"Wala pa naman. Matagal pa kasi kontrata ko sa ABS," giit ng aktres.

Ibig kayang sabihin nito ay contented siya sa takbo ng kanyang career sa ABS-CBN?

Maiksi pa rin ang sagot ni Bea sa tanong na ito, at paliwanag niya: "So far, yeah."

HAPPY WITH ZANJOE MARUDO. Hindi man nagpaunlak ng panayam si Zanjoe Marudo, na kasintahan ni Bea, malugod namang sinagot ng dalaga ang mga tanong tungkol sa kanilang relasyon.

Masaya ba siya sa estado ng kanilang relasyon ngayon ni Zanjoe?

Nakangiting sagot ng Kapamilya actress, "Yes, I am. Ikaw din magiging happy ka, kung bakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy ako ngayon. Hindi ba ako mukhang happy?

"Blooming na blooming!"

Naggo-glow naman talaga ngayon ang ganda ni Bea.

"Maybe nga, kasi he makes me happy," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN