Ruffa Gutierrez receives "psychotic messages at ungodly hours"

IMAGE 0


Ruffa Gutierrez's name (main photo) is being dragged into the reported breakup of John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao (inset). A few days before the news about the breakup broke out, Ruffa tweeted this message: "BEHIND A TWEET IS A BACK STORY. PLEASE HUWAG NYO PO AKONG PALABASIN NA MASAMA. I'M THE NICEST PERSON ON EARTH BUT I HATE THE MOST IS RECEIVING PSYCHOTIC MESSAGE AT UNGODLY HOURS. THIS IS ISNT THE FIRST. THANK GOD THIS TIME I HAVE MANY CREDIBLE WITNESSES W


Isang araw bago lumabas ang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa breakup nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nakapanayam ng The Buzz si Ruffa Gutierrez. (CLICK HERE to read related story.)

Dawit ang pangalan ng TV host-actress sa hiwalayang ito nina John Lloyd at Shaina.

Diumano, nag-ugat ang lahat sa birthday party ni Bea Alonzo noong October 8 sa The Establishment, The Fort, Taguig City. Pare-parehong imbitado sa party sina John Lloyd, Shaina, at Ruffa.

Sa lumabas na reports, nagselos at nairita diumano si Shaina sa pakikipag-usap ni John Lloyd kay Ruffa—at pati na sa isa pang ex-girlfriend ng aktor na si Liz Uy—sa party.

THE INVOLVED PARTIES. Sa panayam ng The Buzz kahapon, October 23, kay Ruffa, pinabulaanan nito na nag-usap sila ni John Lloyd sa party ni Bea.

"Actually, that's not true. Nagkita kami do'n, pero hindi kami nag-usap.

"So, I don't know kung saan nanggaling 'yang ganyang balita.

"For me, that issue is so over and done with. Two years ago na 'yan."

Dagdag pa ni Ruffa, "They're happy, I'm happy.

"We just saw each other there. Nag-smile siya, nag-smile ako.

"Friends kami ni Vina [Morales], and kapatid si Shaina ng kumare ko. So, para sa akin, walang bad blood sa amin, 'di ba?"

Nilinaw rin ni Liz ang isyu nang makapanayam siya ng The Buzz sa isang event.

"Hindi naman kami nag-usap nang mahaba. Hindi naman mahaba yun. Nagkumustahan lang kami.

"We're friends now. Civil lang kami, hi and hello," saad ng celebrity stylist.

Sa hiwalay na panayam ay sinang-ayunan din ni Shaina ang sinabi ni Ruffa, at ipinagtanggol pa niya si John Lloyd.

Aniya, "Hindi sila naglapit ni Ruffa. Parang unfair nga for him na binigyan sila ng ganoong impression.

"Actually, hindi sila naglapit. We were with my ate at hindi siya lumapit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He was beside me the whole time."

Tungkol naman kay Liz, ito ang pahayag ni Shaina: "I have no problem with Liz.

"Before kami naging ni Idan [tawag niya kay John Lloyd], nakilala ko na naman si Liz.

"So, wala akong problema with her."

Sabi pa ni Shaina, "Actually, kung meron man na magki-clear nito, you should just ask him [John Lloyd].

"Kasi pangit yung lumalabas, 'di ba? And I just feel it's just so unfair na may mga ganoong lumalabas.

Ang maikli namang reaksiyon ni John Lloyd tungkol sa isyu ay ito: "Wala, wala yun."

RUFFA'S TWEETS. Nakapagtataka lang na sa kabila ng mga paglilinaw ng mga sangkot na personalidad sa isyung ito ay ang sunud-sunod namang pag-post ni Ruffa ng mga nakaka-intrigang entries sa kanyang Twitter account pagkatapos ng birthday concert ni Vina noong madaling-araw ng October 18, Martes.

Narito ang ilan sa tweets ni Ruffa:

"My gosh, panahon pa ni Magsaysay...huwag ka namang mainsecure! There's nothing I can do if my legs are longer than yours. Hellow!"

"No cure for the INSECURE! Kalurks ka girl!!! Seriously. Be real! That was so nineteen kopong-kopong! I should've stayed home and slept."

Pagkatapos nito ay muling nag-tweet si Ruffa na tila pagdedepensa nito sa sarili sa mga nag-react negatively sa mga nauna niyang tweets.

"BEHIND A TWEET IS A BACK STORY. PLEASE HUWAG NYO PO AKONG PALABASIN NA MASAMA. I'M THE NICEST PERSON ON EARTH BUT I HATE THE MOST IS RECEIVING PSYCHOTIC MESSAGES AT UNGODLY HOURS. THIS IS ISNT THE FIRST. THANK GOD THIS TIME I HAVE MANY CREDIBLE WITNESSES WHO CAN DEFEND ME."

Hindi binanggit ni Ruffa kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang tweets, pero marami ang humuhula na posibleng si Shaina ang pinatutungkulan niya.

Pero nang tanungin ng The Buzz kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang tweets, sinabi niyang wala naman daw siyang pinatatamaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think yung mga tweet ko, dapat gawing controversial. Kasi wala naman akong...

"You know, hindi naman lahat tayo, perfect. We go through things," paliwanag niya.

Pinabulaanan din ni Ruffa nang tanungin kung may kaaway siya kung kaya't nakapag-tweet siya ng ganun.

"Ay, wala akong kaaway. I'm so peaceful and loving. Wala talaga," sabi niya.

Pero si Shaina ba ang pinatatamaan niya sa kanyang tweets?

"Naku, ayoko nang mag-comment diyan.

"Panahon pa ni Mahoma 'yan, so let's not talk about it.

"Let's be positive," pag-iwas ni Ruffa.

Noong October 21, Biyernes, ay nag-tweet na naman si Ruffa kung saan sinabi nitong wala siyang planong pangalanan ang taong tinutukoy niya sa kanyang mga naunang tweets.

"NO CURE FOR THE INSECURE. EVERYONE STILL KEEPS ASKING ME WHO I AM PERTAINING TO. SOMEONE SAID SORRY NA IN HER BEHALF. THAT'S ALL THAT MATTERS."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN