John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: "I'd rather na tumahimik na lang ako hanggang sa maayos sana namin o mabigyan ng closure kung anuman."

IMAGE 0


John Lloyd Cruz on fixing relationship with Shaina Magdayao: "May mga bagay na kailangan ng panahon para makahinga muna. May mga bagay naman na hindi makakatulong kung patatagalin pa. Kailangan lang sigurong i-acknowledge kung ano'ng pangangailangan, kung ano yung kailangan, yung dine-demand ng sitwasyon. Ako, ganito ang tingin ko."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd Cruz kahapon, October 24, sa renewal ng contract niya sa ABS-CBN.

Hindi direktang nagpahayag ang aktor sa balitang breakup nila ni Shaina Magdayao, pero inamin niyang may malalim na pinagdaraanan ang relasyon nila ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "To be honest, hindi maayos yung mga bagay-bagay ngayon.

"Yun lang ang kaya kong sabihin sa ngayon, yung mga bagay na yun is not looking good.

"I'd rather na tumahimik na lang ako hanggang sa maayos sana namin o mabigyan ng closure kung anuman.

"Basta at this point, the best thing for me to do is to keep quiet."

NO THIRD PARTY INVOLVED. Pero idiniin ni John Lloyd na walang third party sa kung anuman ang problema nila ngayon ni Shaina.

Nadadawit kasi ang pangalan ni Ruffa Gutierrez sa isyung ito, matapos sabihin ng actress-TV host na nagpapadala sa kanya ng hindi kanais-nais na text messages si Shaina. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ayon kay John Lloyd, "Walang kinalaman yun dun.

"Yung mga ibang tao na hindi naman parte ng buhay namin, huwag nating idamay.

"Ako na mismo ang nagsasabi, walang kinalaman si Ruffa, o kahit sinong ex-girlfriend ko.

"Basta kung anuman ang problema namin, it's between me and Shaina."

FIXING A RELATIONSHIP. Ginagawan ba ng paraan ni John Lloyd o ni Shaina na maayos pa ang relasyon nila? Nag-usap na ba sila para ayusin kung anuman ang problema?

"Kung sa'n ba ito matatapos, of course, hindi ko pa alam," sagot ni John Lloyd.

"Medyo... siyempre sana hindi maging mahabang proseso.

"Medyo kumplikado at mahirap na proseso yun, so I can only hope for the best.

"Ang hirap para sa sarili ko, para sa aming dalawa.

"We can be a better people individually."

Dagdag pa niya, "Depende, kasi may mga bagay na kailangan ng panahon para makahinga muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga bagay naman na hindi makakatulong kung patatagalin pa.

"Kailangan lang sigurong i-acknowledge kung ano'ng pangangailangan, kung ano yung kailangan, yung dine-demand ng sitwasyon.

"Ako, ganito ang tingin ko."

JOHN LLOYD STILL LOVES SHAINA. Is he willing to fight for Shaina?

"Basta, wala pa kami dun," sagot ng 28-year-old actor.

"Try munang pag-usapan, pag-usapan muna kung ano ang dapat pag-usapan.

"It's too early to say.

"Sana kung nandiyan na sa harap mo, sana malaman mo kung ano ang gagawin mo."

Masasabi ba niyang mahal pa rin niya ang young actress?

"Kung mahal ko pa siya, oo naman.

"Hindi naman yun mawawala at mananatili lang yun dito.

"Ayoko lang magbigay ng salita o statement na lalo pang magpapakumplika sa isang sitwasyon na medyo kumplikado na," paliwanag niya.

EX-GIRLFRIENDS. Pinabigyang linaw rin ng PEP kay John Lloyd kung totoo bang nagsimula ang pagseselos ni Shaina nung birthday pa lang daw ni Bea Alonzo, kung saan nakita raw na kausap niya ang mga ex-girlfriend niyang sina Ruffa Gutierrez at Liz Uy.

"Wala, yun naman ay medyo exaggerated ang mga balita.

"Actually kay Ruffa, hindi ako nakapag-hi sa kanya.

"Kami ni Liz, ang tagal naming nagkuwentuhan, kasama namin si Dimples [Romana], sila Ma'am Charo [Santos-Concio], si Sir Gabby [Lopez]... and Shaina was also there.

"Wala namang problema, binibigyan ng kulay ng iba."

JOKE ONLY. Sa isang panayam kay John Lloyd ay pabirong nasabi nito na walang bago sa relasyon nila ni Shaina at "boring" pa rin ito.

Dahil sa kanyang naging pahayag ay ginawan agad ito ng isyu.

May ilan ding nagsasabi na baka sa pagbibirong ito ni John Lloyd ay na-offend si Shaina.

Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Medyo disappointing na alam n'yo naman ako, alam naman n'yo kung paano ako magbiro sa inyo.

"Hindi ko alam kung napagsamantalahan ba ang pagbibiro ko at ginawang malaking issue yung bagay na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga isang malaking bagay na natutuhan ko, alam ninyo, tayo-tayo halos magkakilala tayo dito, kilala ninyo ako magbiro.

"Sana kung ano yung biro, gawing biro, huwag pagsamantalahan dahil biro nga yun.

"Kaya ngayon, ang hirap magbiro sa mga kaibigan natin sa press, kasi puwede palang pagsamantalahan ang isang biro at gawan ng isang malaking issue.

"Alam n'yo naman ako, pag personal na bagay ang pinag-uusapan, ang tendency namin, medyo umiwas lang sa topic na yun kasi medyo hindi kami kumportable mag-share ng detalye.

"Ang gusto ko lang mangyari nun ay magbiro na lang at umiwas na lang sa topic.

"Parang ang sinasabi ko lang, 'Wala, walang bago, boring lang.'

"Sinabi ko naman yun—it's the word 'boring' na pinagsamantalahan nila at ginawan ng issues against me," pahayag ng aktor.

Sa ngayon ay ang panig na lang ni Shaina ang hindi naririnig tungkol sa balitang breakup nila ni John Lloyd.

Mananatiling bukas ang PEP sakaling handa na si Shaina na magsabi ng kanyang saloobin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN