Marian Rivera living in with Dingdong Dantes? "Hindi totoo 'yan. Kasi may bahay ako sa Makati, may bahay si Dong sa Cubao."

IMAGE 0


Are Marian Rivera and Dingdong Dantes living in? "Pinupuntahan ako ni Dong sa bahay kapag may time. Ako rin, pumupunta ko sa bahay nila. Minsan kasi, ini-invite rin ako ng mommy niya. So, kumakain kami ro'n," explains Marian. "Wala akong nakikitang masama kung pumupunta siya at pumupunta ako [dahil] nasa tamang edad naman na kami at hindi na kami mga bata. At saka, may kanya-kanya kaming bahay, may kanya-kanya kaming trabaho."


Hanggang October lang sana ng taong ito ang Amaya, ang epicserye ng GMA-7. Pero dahil sa napakataas na rating nito, extended ang primetime series, na pinagbibidahan ni Marian Rivera, hanggang sa January of 2012.

Pumasok na nga ang ilang Kapuso stars ngayon tulad nina Yasmien Kurdi at Aljur Abrenica. Si Aljur bilang pinakabagong leading man ni Marian sa Amaya.

At dahil baguhan ang dalawa sa epicserye, tinutulungan daw ni Marian ang mga ito sa kanilang characters.

"Okay naman kami pero siyempre, nangangapa sila. Bilang matagal na rin ako sa Amaya, tinutulungan ko sila ni Yasmien kung paano mag-deliver ng mga linya.

"Minsan kasi, kapag sobrang lalim, parang tumutula. So, nire-remind ko sila na hindi sila ma-o-offend. Tipong bumubuwelo naman ako."

Biro naman namin kay Marian, tipong naging acting/voice coach pa siya.

"Hindi naman. Hindi naman. Pero gusto ko lang i-open sa kanila na pwedeng magkamali. Mahirap naman talaga."

Nakasama na ni Marian si Aljur sa ilang projects.

"Nagkatrabaho na kami sa Dyesebel, sila ni Kris Bernal. Tapos sa Temptation Island, ang tagal ko rin nakatrabaho 'yan. "

Kung tutuusin, Marian really lives up to her title of Primetime Queen, dahil ang Amaya has become the longest-running series and highest- rating primetime soap ng network.

Ayon naman kay Marian, "Siyempre thankful ako sa lahat ng bumubuo ng [serye] sa GMA. Pero higit sa lahat, sa mga taong nanonood at sumusuporta."

Tinanong ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) si Marian kung ine-expect ba niya na tatagal at mag-e-extend pa until next year ang Amaya.

"Ine-expect ko na ang soap hanggang three to four months lang.

"Ang alam ko talaga, doble siya. Pero hindi ko ine-expect na triple pa siya.

"So, wala lang, ang saya lang. At least, nakaka-proud noong mapanood ko ang VTR namin."

Kung tutuusin, halos lahat naman ng primetime series na pinagbidahan ni Marian ay naging top-rater. Bukod pa rito, title role pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya madi-differentiate ang Amaya from her previous other soaps?

"Lahat kasi 'yan, title role para sa akin. So, lahat 'yan mahalaga at importante sa akin.

"Pero ang Amaya kasi, first time kong gumawa ng hindi remake. Lahat kasi remake.

"First time ko with an original story. Yun lang ang kaibahan."

LIVING IN? Sinagot na ni Dingdong Dantes ang isyung diumano'y nagli-live-in sila ni Marian. (CLICK HERE to read rlated story.)

Pero sa nakaraang presscon/thanksgiving ng Amaya, nilinaw at sinagot din ni Marian ang isyung yun na ibinabato sa kanilang dalawa ngayon.

"Sige, sasagutin ko po 'yan," sabi niya.

"Okay, ang live-in issue, hindi totoo 'yan. Kasi may bahay ako sa Makati, may bahay si Dong sa Cubao.

"Ngayon, pinupuntahan ako ni Dong sa bahay kapag may time. Ako din, pumupunta ko sa bahay nila.

"Minsan kasi, ini-invite din ako ng mommy niya. So, kumakain kami do'n.

"Wala akong nakikitang masama kung pumupunta siya at pumupunta ako [dahil] nasa tamang edad naman na kami at hindi na kami mga bata.

"At saka, may kanya-kanya kaming bahay, may kanya-kanya kaming trabaho.

"Wala naman sigurong masama kung puntahan niya 'ko. Kung puntahan ko siya or kumain kami sa labas, kasama rin ang family.

"Wala akong nakikitang masama."

Against ba siya sa live-in arrangement?

"Wala namang masama basta nasa tamang edad at alam n'yo ang ginagawa n'yo. Malinis ang konsensiya n'yo.

"Parang, wala...parang normal na araw lang 'yan.

"Kaya mas maganda nga po na may kanya-kanya kaming bahay at yun ang totoo.

"At for sure, 'yan din ang sinasabi ni Dong, kanya-kanya kami."

Nao-offend pa ba siya kapag may mga ganoong intriga?

"Wala, e...nandito ako sa showbiz...Nandito ka sa mundong ito, wala kang choice.

"Nag-artista ka, public property ka. Dapat lang siguro alam mong i-handle ang sitwasyon. Alam mo naman siguro kung ano ang tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, chill na lang. Dedma na lang."

PROJECT WITH DINGDONG. Kailan kaya sila muling gagawa ng project ni Dingdong na mapapanood muli ang loveteam nila?

"Hindi ko alam," sagot niya.

"Kasi may soap siyang gagawin, di ba? Matatapos naman ako. May movie rin siyang gagawin."

Sinasadya ba talaga nila na huwag munang magsama or talagang ayaw muna silang pagsamahin?

"Hindi ko alam sa GMA!" natatawang sabi ni Marian.

Gusto ba niyang gumawa sila ulit ng pelikula na magkasama?

"Oo naman," mabilis na sagot niya.

"Sabi ko nga, nami-miss ko na siyang katrabaho. Kaso, hindi ko alam.

"E, di ba, may soap pa sila ni Rhian [Ramos]?"

Pagkatapos ng Amaya, sisimulan naman na ni Marian ang bago niyang sitcom. Magpapahingha muna raw siya sa paggawa ng soap.

"Pahinga muna siguro sa soap. Pahinga muna siguro.

"Dyusko, 'day, walong buwan naman akong nagtrabaho, pagpahingahin mo muna ako sa soap!"

TWO DAYS IN AMERICA. In real life, masasabing hindi naghihiwalay at palaging magkasama sina Dingdong at Marian.

Tuloy na nga ang balak nilang pumunta sa Amerika ngayong November. Pero natatawa si Marian dahil parang big deal naman ang pag-alis nila, gayong two days lang naman daw siya ro'n.

"Two days lang ako do'n! Ano ba?" natatawa niyang sabi.

"Kaya nga natatawa ako na sobrang big deal. Sobra naman ang mga 'to, kung alam lang nila, e, dalawang araw lang ako do'n."

Kailangan daw bumalik agad si Marian dahil na-extend ang Amaya.

"E, di ba nga, na-extend ang Amaya, so, wala kaming pondo. Kailangan naming bumalik agad.

"Kesa naman sa hindi, kahit dalawang araw, okay na."

Kasama ang lola at mommy ni Marian habang ang mommy naman ni Dingdong ay kasama rin nila. Kasabay rin daw ni Marian na uuwi ang lola at mommy niya.

Gustuhin man daw nito na one week, hindi raw talaga puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw talagang pumayag ng Amaya. Buti nga pumayag pa sila.

"Siyempre, yung travel, isang araw na yun. Tapos biyahe pabalik, isang araw na rin.

'So, walang choice."

Ano naman ang reaction ni Dingdong na dalawang araw lang siyang magkakasama nito sa Amerika?

"Okay lang yun. Buti nga nakasama pa ako.

"Dapat sila lang aalis, hanggang sa, sige na nga, sama na ako.

"Si Dong ang medyo magtatagal."

Natawa naman kami sa hirit ni Marian nang may magtanong dito kung nagsisimula na rin daw ba si Dingdong mag-taping ng bagong soap.

"Sa 18 pa po yata."

Alam ba niya talaga ang schedule ni Dingdong?

Hirit naman ni Marian nang natatawa, "Ganoon talaga kami. Nagpapasahan kami ng schedules para alam namin kung paano isisingit ang aming pag-ibig!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN