Marian Rivera says she has no right to give advice to KC Concepcion about rumored breakup with Piolo Pascual

IMAGE 0


Marian Rivera when asked about her advice to KC Concepcion, who is rumored to have broken up with Piolo Pascual: "Ay, wala akong karapatang magpayo! Yung akin lang muna ang mas aayusin ko. Kasi minsan, madaling mag-advise pero pag nangyayari na sa buhay mo, hindi mo na ma-apply yun. So, wala akong karapatang magsalita ng mga comments na ganyan. Parang perfect naman ako masyado kung magsa-suggest ako. Huwag na lang."


Sa isang panayam ay sinabi ni Kris Aquino na "I would love to work with her" nang tanungin kung gusto rin niyang makatrabaho si Marian Rivera. (CLICK HERE to read related story.)

Ang boyfriend kasi ni Marian na si Dingdong Dantes ay kasama ni Kris sa horror-suspense movie na Segunda Mano, entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Nang banggitin naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian ang tungkol dito, sinabi nitong gusto rin niyang makatrabaho si Kris.

"Bakit hindi, oo, bakit hindi? Malay natin, magawa.

"Kahit maging kontrabida pa niya ako, papayag ako, ako yung multo!

"Okay lang, okay lang yun. Bakit naman hindi, Kris Aquino iyan," saad niya.

Payag siyang maging kontrabida ni Kris?

"Para maiba naman," sambit niya.

"Dahil ito naman, hindi naman soap, hindi naman papanoorin nang mahaba.

"Ito, movie naman ito, para iba din."

Sa mga leading men naman na hindi pa niya nakakatrabaho, sino ang gusto niyang makasama sa isang project in the future?

"Kahit sino naman ako, e. Kahit sino," sabi ni Marian.

Ano ang dream role ni Marian?

"Madami pa, madami!

"Hindi pa ako nag-a-abnormal, wala pa akong luka-luka [na role], wala pa ako na fight scene na..."

Mala-Angelina Jolie?

"Oo, yung mga ganun."

Gusto rin daw ni Marian na gumanap bilang isang... lalaki!

"Iyan, gusto ko 'yan. Huwag tomboy, ha, lalaki!" diin niya.

Payag din ba siyang magkakaroon ng kissing scene sa kapwa niya artistang babae?

"Ay, hindi ko pa maisip, parang hindi ko kakayanin!" tawa niya.

Sa hiwalay ring interview ay sinabi ni Kim Chiu na kung naging lalaki raw siya ay isa si Marian sa mga liligawan niya.

"Ay, si Kim Chiu! Why not, Kim Chiu!" tawa nang tawang reaksiyon ni Marian.

Nagkakilala naman na raw sila ni Kim.

"Okay naman, e. Gusto ko siyang makatrabaho, bakit hindi, 'di ba? Ate niya ako, o!" saad ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KC-PIOLO RUMORED BREAKUP. Natanong din si Marian tungkol sa diumano'y breakup nina KC Concepcion at Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Naka-bonding ni Marian ang dalawang Kapamilya stars nang gumawa sila ng isang commercial para sa isang iced tea brand, kasama rin ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

Ayon kay Marian, "Naku, kung totoo man yun, siyempre nalulungkot ako kasi after kasi [ng shoot ng commercial], nagkaroon din kami ng koneksiyon din ni KC.

"Napaka-sweet niyang tao, ang bait niya, as in!

"Minsan magte-text lang siya, 'Hi Yani, how are you?'

"May ganun siya, e," saad ng Kapuso actress.

Pero hindi ba ipinaalam ni KC sa kanya kung may problema nga ang relasyon nito with Piolo?

"Hindi, kasi hindi naman ganun ka-OA ang friendship namin, e, para mangialam din ako sa mga ganyan.

"Siyempre, kung totoo man 'yan, e, isa ako sa mga malulungkot kasi bagay sila, e," saad ni Marian.

Ano ang maipapayo niya kay KC?

"Ay, wala akong karapatang magpayo!

"Yung akin lang muna ang mas aayusin ko.

"Kasi minsan, madaling mag-advise pero pag nangyayari na sa buhay mo, hindi mo na ma-apply yun.

"So, wala akong karapatang magsalita ng mga comments na ganyan.

"Parang perfect naman ako masyado kung magsa-suggest ako.

"Huwag na lang," iwas niya.

LOVERS' QUARREL. Sila ni Dingdong, kapag nagkakaroon ng problema sa relasyon nila, naaayos ba nila agad?

"Sa awa ng Diyos!" sambit ni Marian.

Gaano katagal umaabot kadalasan ang lovers' quarrel o LQ nila? Ilang araw?

"Araw? Hindi, oras lang. Minuto lang, 'no!"

Bago raw sila umuwi sa kani-kanilang bahay ng araw na iyon ay nagkakaayos agad sila.

"Oo naman."

Sino ang madalas sumuko o manuyo?

"Depende kung sino ang may kasalanan. Wala kaming pride pagdating sa love," sabi niya.

Sino ang mas madalas na may kasalanan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, pantay! Parehas kasing makulit."

Ayon pa kay Marian, "Ang maganda naman sa amin, kapag ako yung [mainit ang ulo], siya naman yung nakatingin lang.

"Pag siya naman yung [mainit ang ulo], ako naman yung nakatingin lang din.

"So, hindi kami nagsasalubong."

Ano ang ginagawa nila para hindi magkasawaan?

"Iba ang routine ng buhay namin.

"Kung nanonood lang ng sine or kakain sa labas, next, iba na.

"Magpapamasahe naman kami, o kaya manood kami ng DVD.

"Kailangan naiiba rin.

"O kaya, ako minsan, naka-dress ako, minsan naka-tomboy lang ako.

"Parang nagugulat siya na, 'Oh! May something!'" tumatawa pang sinabi ni Marian.

Dagdag pa niya, "'Di ba, para iba lang! Enjoy lang."

NOT YET... Papakasal na ba sila?

"Hindi pa!"

Hindi ba niya gustong ikasal sila ni Dingdong?

"Hindi naman sa hindi ko gusto, hindi naman sa ayaw.

"Kasi ang dami lang projects. Kailangan magpakabongga muna bago 'yang mga 'yan."

Kapag mag-asawa na ba sila, magla-lie low na siya sa pag-aartista?

"Hindi," sagot ni Marian.

"Pero siyempre, iba naman yung buhay may-asawa sa single, ibang usapan na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN