PEP EXCLUSIVE Jaclyn Jose on Albie Casiño's statement asking for a DNA test: "Walang DNA test na magaganap kailanman!"

IMAGE 0


Jaclyn Jose on Albie Casiño: "They took the pregnancy test, silang dalawa ni Andi. The both of them! Anong pinagsasabi niyang he doesn't know? I don't wanna deal with him. In fact, I don't wanna see him. He's not welcome in my life, in Andi's life, or my apo's life! The whole clan of the Casiño, whatever."


Kahapon, November 7, ay present ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng TV5 para sa Valiente, ang remake ng epic '90s teleserye na umere ng limang taon.

Ang remake ay pagbibidahan nina JC de Vera, Nadine Samonte, Oyo Sotto, at Niña Jose.

Kasama rin sa cast ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, na gaganap bilang kontrabida.

"ANYTIME SOON." Matapos ang storycon ay eksklusibong nakapanayam ng PEP si Jaclyn Jose.

Agad naming kinumusta ang kalagayan ng anak niyang si Andi Eigenmann, na napabalitang manganganak na sa November 22.

Okay naman daw si Andi, at manganganak na "anytime soon."

Excited na ba siyang makita ang kanyang bagong apo?

"Sobra. Sobrang excited," sagot ni Jaclyn.

"Pati siya [Andi]. At the same time, ano na rin siya, inip.

"Ang laki na ng tiyan niya. She wants to have it ano na."

Ayon pa kay Jaclyn, may offers na kay Andi para bumalik sa showbiz, at payag naman siyang magtrabaho muli ang kanyang anak.

"Sabi ko sa kanya, siguro mga early summer [of 2012].

"Meron naman ata, na early summer may work siya. She's excited to work."

Tinanong ng PEP kung paghihigpitan niya ba si Andi pagbalik nito sa showbiz.

Saad niya, "Wala. It will be the same, lalo na ngayong may anak na siya. She must know how to ano, di ba?

"Kung noon, nandiyan ako to guide her, ngayon medyo male-lessen yun.

"Kasi she has to grow up, she has to mature, she has to take care of her daughter.

"She has to know how to deal with life."

Dagdag pa ni Jaclyn, "Sabi ko sa kanya, 'Isang pagkakamali lang, ha? Sa pangalawa, magagalit na ako.'"

Ang tinutukoy ng aktres ay ang maagang pagbubuntis ng kanyang anak na dalaga.

NO TO DNA TEST. Tinanong na rin ng PEP kung ano ang reaksiyon ni Jaclyn sa mga pahayag ng young actor na si Albie Casiño, na itinuturong ama ng dinadala ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang sinabi ni Albie sa isang panayam na hindi kumbinsido ang kanyang pamilya na sa kanya ang anak ni Andi.

Sang-ayon din daw si Albie sa gusto ng kanyang pamilya na magkaroon ng DNA test para maging malinaw ang sitwasyon.

Pero kung siya raw talaga ang ama ng bata ay aakuin naman niya ang responsibilidad. (CLICK HERE to read related story.)

Pumayag si Jaclyn na ibigay ang kanyang panig sa unang pagkakataon para sa PEP.

"Walang DNA test na magaganap kailanman! Wala.

"Pasensiya siya, dahil wala akong pakialam kung sumali sila o hindi," ang matapang na pahayag ni Jaclyn.

Pagpapatuloy ng aktres, "I do not care about them or their family.

"Siya at ang kanyang nanay, at lahat ng mga nakita ko sa interview. Wala akong pakialam.

"So 'wag nila akong pakialaman kapag lumabas na [ang bata].

"Nagagalit ako.

"Napanood ko, e. Tumatalak ng DNA, e, manganganak na!"


ALBIE KNOWS. Pahayag pa ni Jaclyn, sigurado raw siyang alam ni Albie na sa kanya ang dinadala ng kanyang anak.

"Dati pumayag ako, e. At first. Kasi alam ko naman, e.

"E, loko-loko pala siya, e! Alam niya.

"They took the pregnancy test, silang dalawa ni Andi. The both of them!

"Anong pinagsasabi niyang he doesn't know?

"I don't wanna deal with him. In fact, I don't wanna see him.

"He's not welcome in my life, in Andi's life, or my apo's life!

"The whole clan of the Casiño, whatever."

Hindi rin daw niya nagustuhan na lumalabas na sila ang dapat lumapit sa pamilya ni Albie.

"Aba, may ganun pa akong narinig.

"Lapit daw kami, kung kailangan namin ng tulong.

"We will never do that. I will never do that."

Kaya naman daw niyang palakihin ang apo ni Andi nang walang tulong nina Albie.

"I can! Yung nanay [ni Albie], sorry, wala akong pakialam sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They will never be part of my apo," saad ni Jaclyn.

ANDI'S BABY. May pangalan na rin daw silang napili para sa kanyang apo.

"Meron na. Adrianna Gabrielli.

"Nag-start 'yan sa Gabrielle, yung 'elle.'

"I like the name Gabrielle. Nagustuhan ko na rin sa girl.

"E, gusto naman niya [Andi], Adrianna. So para pair, it sounds Italian pareho."

At hindi raw nila gagamitin ang apelyidong Casiño

"Of course, surname ko.

"They will have no ano in that paper, don't worry.

"They don't have to ask for DNA because I will never give it to them," pahayag pa ni Jaclyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN