Michael V. on Bubble Gang: "Hindi siya makakatayo kung wala lahat."

IMAGE 0


Michael V. reveals the secret of Bubble Gang: "Kasi ano lang, e, 'di ba parang ito lagi kong definition sa Bubble Gang, e— reflection ng society. So, kung may uso, nakikita niyo do'n sa show namin, kung ano yung trend ngayon nando'n sa show namin. So, habang may mga lumalabas na bago sa society, palagay ko may nagiging materyal kami. 'Yon ang sekreto no'n."


Ngayong Oktubre ang selebrasyon ng 16th anniversary ng longest-running gag show ng GMA-7 na Bubble Gang.

Ang nasabing selebrasyon ay nahati sa dalawang bahagi. Ang una ay ipapalabas sa Oktubre 14, at ang pangalawang serye naman ay sa Oktubre 21.

Mula 1995 ay hindi pa pumapalya ang Bubble Gang sa paghahatid ng walang sawang kulitan at katatawanan tuwing Biyernes ng gabi. At sa tingin ng isa sa mga pioneer cast nitong si Michael V., ang sikreto sa kanilang pagtagal sa telebisyon ay ang kanilang kakaibang relasyon sa kanilang audience.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Michael V. sa set visit ng kanilang show noong Lunes, Oktubre 10, sa studio 6 ng GMA Network sa Timog, Quezon City.

Sinabi niya na, "Kasi ano lang, e, 'di ba parang ito lagi kong definition sa Bubble Gang, e- reflection ng society.

"So, kung may uso, nakikita niyo do'n sa show namin, kung ano yung trend ngayon nando'n sa show namin.

"So, habang may mga lumalabas na bago sa society, palagay ko may nagiging materyal kami.

"'Yon ang sekreto no'n."

Hindi rin naman daw mahirap para sa kanila na alamin kung papatok ba ang kanilang mga segment o karakter sa mga manonood.

"Kasi dito pa lang sa set nandito na 'yong audience, e," paliwanag ni Michael V.

"Mayroon ka nang A, B, C, D, E, na tao dito, e. So, mage-gauge mo na kagad kung magki-click ka o hindi, dito pa lang.

"So, kapag medyo sablay ka dito parang, teka lang baguhin natin."

MICHAEL V- OGIE TANDEM. Ang duo nina Ogie at Michael V. ang isa sa mga pinaka-epektibong tandem pagdating sa pagpapatawa.

Para kay Michael V., ang dahilan daw ng kanilang epektibong pagpapatawa ay ang maganda nilang samahan.

"A, siguro 'yong pagkakakilala na rin namin sa isa't isa," nakangiti niyang sinabi.

"Personally kasi gano'n kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan nga, pakiramdam ko mas nakakatawa pa kami off cam kaysa on cam, e, pagka nagkakasama kami.

"So, 'yong rapport na 'yon hindi naman 'yon ipinanganak ng kahapon lang, e.

"Medyo it took a while bago mag-click."

Gayunman, hindi lang sa pagpapatawa sila nagtutulungan, maging sa pag-iisip din daw ng kanilang gagawin na segments.

Halimbawa daw nito'y ang segment nila na "Boy Pick Up," na ang ideya ay nanggaling sa kanilang writer, at nabuo sa tulong nga nila at ng iba pang cast.

"Actually, ito ay evolution, 'di ko masabi kung level up o level down ng ano, e.

"May ginagawa kami dati, e, yuung flip top, ito yung battle ng parang mga rappers na hindi marunong mag-rap.

"Ginawa namin dahil nauuso yung mga pick-up lines, in-adopt namin, gano'n pa din yung set up pero iba na yung content.

"I would say na ang laking impluwensiya na ginawa ni Ogie Alcasid do'n, siya yung nag-create ng character.

"'Pag binasa mo sa script, it's just another person, pero nu'ng isinabuhay na ni Ogie, 'yun na, nabuhay na si Boy Pick Up.

"Kaniya lahat 'yon— yung itsura, yung salita, yung mannerisms."

Pero, aminado si Michael V. na hindi madali ang naging pagtanggap ng tao sa ganitong tema ng segment na ito ng kanilang show.

Kuwento niya, "It took time, e, dati hindi basta-basta kinakagat yung gano'n, e, kasi ginawa ko na sa Eat Bulaga dati 'yon.

"Dami kong haters no'n, hindi nila ma-gets.

"Finally ito, tumaas na nang kahit papaano yung standard ng kanilang point of view."

IT'S A "GANG." Samantala, nalalapit na ang panganganak ng asawa ni Ogie na si Regine Velasquez. Kaya naman maaari daw mag-leave si Ogie ng ilang araw.

Ngunit, mag-leave man daw si Ogie, tingin daw ni Michael V. ay hindi naman daw maaapektuhan ang takbo ng kanilang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ito nga maganda sa Bubble Gang, e, it's a gang," saad niya.

"'Yun lagi ang basehan ng ano, kumbaga ng kakayanan niya—hindi siya makakatayo kung wala lahat.

"Pero, kung paisa-isa yung nawawala from time to time, puwede pa rin."

Kahit pa man ika-16 na anibersaryo pa lang ang kanilang ipinagdiriwang, may ilan na silang ideya kung paano gagawin ang selebrasiyon ng kanilang 20th anniversary.

"Alam mo hindi nawawala sa plano 'yon, to always look back," saad niya.

"Ito ngang anniversary na gagawin namin dapat wala nang looking back, e. Puro ang tema, e, music video.

"E, it just so happened na nakahanap kami ng opportunity, ng paraan para maipasok pa rin yung ganung content.

"Kasi may kasabihan nga—ang hindi lumingon sa pinanggalingan [hindi makakarating sa paroroonan]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN