Vilma Santos-Sharon Cuneta movie shelved

IMAGE 0


"Hindi ako matatahimik hangga't hindi kami gumagawa ng movie together," reaksyon ni Sharon Cuneta (above) sa hindi natuloy na movie project nila ni Governor Vilma Santos. Ayon naman kay Governor Vi, "Ang mga proyekto there's such a thing as right timing e. Pagka may mga obstacles na ganyan, huwag nating ituloy. Baka kasi hindi pa time yan."




Marami ang natuwa noong unang mabalita na magsasama sa isang pelikula ng Star Cinema ang Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Megastar Sharon Cuneta.

Kaya naman marami rin ang nalungkot nang mabalita na hindi muna matutuloy ang higanteng pelikulang kanilang pagbibidahan.


Sa report nga ng Bandila kagabi, October 21, maging sina Governor Vi at Sharon ay nanghihinayang sa pagkaudlot ng pagsasama nila sa pelikula.

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi kami gumagawa ng movie together," reaksyon ni Sharon.

Ayon naman kay Governor Vi, "Ang mga proyekto there's such a thing as right timing e. Pagka may mga obstacles na ganyan, huwag nating ituloy. Baka kasi hindi pa time yan. Pero definitely, ang magandang balita is nakareserba yan."

Sa ngayon, itutuon muna ng Megastar ang atensyon sa pelikula kung saan makakasama niya sina Gerald Anderson, Enrique Gil at Julia Montes. Sa direksyon ito ni Laurenti Dyogi.

"It's a family movie, e. Mapipilitan akong magtrabaho sa call center dahil nakaaksidente yung asawa ko," patikim ni Sharon sa next movie niya.

Samantala, isa namang horror film ang gagawin ng Star for all Seasons na ididirek ni Chito Roño. Makakasama ni Governor Vi sina Kim Chiu, Pokwang at Janice de Belen.

"Tungkol ito sa kulturang Pinoy na mahilig sa faith healer. Kung minsan, talaga naman, naniniwala tayo minsan na malaki ang maitutulong niyan sa atin, tama? Pero minsan baka hindi natin alam baka may sumpa," paglalarawan ni Vilma Santos sa konsepto ng pelikula niya.

Naka-schedule ipalabas sa 2012 ang naturang dalawang pelikulang hatid ng Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN