Sarah Geronimo admits Mommy Divine still handles all her finances; denies being highest-paid in ASAP Rocks

Jan 31, 2012
Sarah Geronimo on handling her own earnings: "Hindi pa po ako nakikialam sa pera ko. Talagang ipinagkakatiwala ko muna po kay Mommy ang lahat. Pero soon, soon po, aayusin ko rin po talaga para maging hands-on din ako sa savings ko, sa sarili kong kinikita."

Sa presscon/mini-fashion show ni Sarah Geronimo para sa ini-endorse niyang Unica Hija kagabi, December 7, 2011, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer/actress kung maituturing niya ang sarili na isang modern-day Filipina.

Tugon ng Pop Princess, "I would like to think po na, yes, I'm a modern-day Filipina.

"Kasama na rin po kasi dun yung pagiging independent mo sa mga bagay-bagay, at isa po yun sa gusto kong magawa.

"Gayundin po, being a strong woman."

Ang presscon ay ginanap sa Cerchio restaurant sa Scout Limbaga, Quezon City.

Gusto raw isipin ni Sarah na habang tumatagal ay mas lalo siyang nagiging matatag bilang isang babae.

Pero natawa siya nang tanungin namin kung ang mga pinagdaanan niya pagdating sa pag-ibig ay mas nagpatibay sa kanya.

Kinalaunan ay sumang-ayon din siya sa aming tinuran.

Aniya, "Opo. Siguro po.

"Siyempre po, kapag may mga napagdaanan ka naman, na-experience, nagiging daan din po yun para mas maging strong pa."

Continue reading below ↓

Matatandaang noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nabunyag ang naudlot na pag-iibigan nina Sarah at Rayver Cruz.

MONEY MATTERS

Natanong din si Sarah kung ngayon ba ay siya na ang humahawak ng kanyang pera o ang Mommy Divine pa rin niya.

"To be honest, hindi," pag-amin ng 23-year-old.

"Hindi pa po ako nakikialam sa pera ko.

"Talagang ipinagkakatiwala ko muna po kay Mommy ang lahat.

"Pero soon, soon po, aayusin ko rin po talaga para maging hands-on din ako sa savings ko, sa sarili kong kinikita.

"Mas may knowledge na rin tayo sa paghawak ng pera."

Pero ayon din kay Sarah, kung minsan ay napag-uusapan nila ng kanyang ina ang tungkol sa paghawak ng finances niya—para kapag nag-asawa na raw siya ay handa na siya sa ganitong aspeto.

Saad ni Sarah, "Nabi-bring up ko rin po sa mommy ko ang topic na yun.

"Pero masyado po kasing busy ang nanay ko. Mas busy pa sa akin!

Continue reading below ↓

"Pero, eventually po."

Giit pa ni Sarah, "May idea naman po ako kung magkano ang kinikita ko sa isang proyekto.

"Pero yung totality...meron naman."

Magkano nga ba ang kinikita niya?

"Ay, hindi ko alam!" natatawang sabi niya.

Totoo bang siya ang highest-paid artist sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks?

Natatawang itinanggi ito ni Sarah.

Aniya, "Ay, hindi totoo. Hindi totoo!

"Parang hindi naman po yata ako maniniwala na ako ang highest paid.

"Nandoon sila Miss Zsa Zsa Padilla, sila Sir Martin Nievera, sila Sir Gary Valenciano.

"Ako, e, napakasuwerte lang po na napasama sa ASAP.

"Pero siyempre, ang mga pioneer po ng ASAP, sila Sir Gary, Ms. Zsa Zsa."

ANGELINE QUINTO...AGAIN

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring naitatanong kay Sarah ang kapwa niya singer na si Angeline Quinto.

Hanggang ngayon din kasi ay pilit silang iniintriga at pinagkukumpara.

Pero ayon kay Sarah, "Wala naman sigurong problema do'n if everyone naman has/his time to shine.

Continue reading below ↓

"Sobra akong happy for Angeline, sa success niya ngayon.

"Ang tagal ng... tulad ko, ang tagal din ng hinintay niya.

"Mas nauna lang ako ng isang taon.

"At napakagaling ni Angeline. Makikita n'yo naman po, super-galing niya.

"Ako po, bow ako diyan. Lalo na yung kanyang endurance, yung high notes niya.

"Kahit na tuluy-tuloy ang trabaho niya, same pa rin ang quality [ng boses niya]. Hindi napapagod.

"So, walang kaso po.

"Kasi, ganyan talaga sa business natin. Palaging may darating na mas magaling."

Sa huling tinuran ni Sarah ay tila inamin niyang mas magaling sa kanya si Angeline?

Tyak na hindi pabor dito ang marami niyang mga tagasuporta, lalo na't marami na siyang napatunayan at na-accomplish.

Tugon ni Sarah dito, "Sabi ko nga po, may kanya-kanya naman po tayong galing.

"Meron akong kayang gawin. Meron siyang [Angeline] kayang gawin.

"Siguro po, hindi ko kaya yung sobrang birit niya talaga.

"Hindi ginawa ang lalamunan ko para do'n."

Continue reading below ↓

Opinyon naman ng iba, pagdating sa pagiging malapit sa masa at hatak sa takilya, malaking challenge pa yun kay Angeline kumpara kay Sarah na marami nang napatunayan sa departamentong ito.

Ano ang masasabi ni Sarah dito?

"I don't think na yun ang iniisip ni Angeline ngayon sa paggawa ng pelikula niya.

"Gumagawa siya ng pelikula para maipakita ang talent niya, mai-showcase ang kanyang acting talent.

"So, tingin ko, hindi naman niya iniisip na pantayan ang kahit sino," saad niya.

Kasalukuyang ginagawa ni Angeline ang launching movie niya kapareha si Coco Martin para sa Star Cinema.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo on handling her own earnings: "Hindi pa po ako nakikialam sa pera ko. Talagang ipinagkakatiwala ko muna po kay Mommy ang lahat. Pero soon, soon po, aayusin ko rin po talaga para maging hands-on din ako sa savings ko, sa sarili kong kinikita."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results