PART 2. Sarah Geronimo agrees with KC Concepcion's statement that "hindi lahat nadadaan sa kilig"

IMAGE 0


Sarah Geronimo on why she is not yet accepting suitors: "Kasi, mahirap po talaga na...Ako po kasi, kilala ko ang sarili ko. Sobra akong malambot. Kailangan ko munang maging matalino pagdating sa matters of the heart. Kailangan ko na hindi maging gullible."


Naging matagumpay ang ikalawang pagtatambal nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa pelikula—ang Won't Last A Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.

Pero higit pa rito, kapansin-pansin ang kakaibang sweetness at closeness ng dalawang Kapamilya stars ngayon.

Nakangiting sabi naman ni Sarah tungkol dito, "No, masaya po talaga ako ngayon being around Gerald.

"Unang-una, mabait, guwapo."

Biro namin kay Sarah, posibleng hindi na pang-promo ang sagot niya dahil tinanggap na nga silang muli sa box office.

Katuwiran naman niya, "Opo naman.

"Lahat naman ng sinagot namin sa mga guesting namin, past interviews, wala namang promo do'n.

"Dinadahilan lang namin ang promo-promo, di ba? Binibiro lang namin sila.

"Pero yun, okay, masaya ako na naging magkaibigan kami ni Gerald.

"Kasi noong Catch Me I'm Falling In Love, hindi talaga kami nag-uusap.

"So, ang laking bagay na nagkatrabaho ulit kami."

Mami-miss ba niya si Gerald lalo't mukhang matatagalan yata bago sila magkasamang muli?

"Opo naman. Hindi ko nga alam kung magkakatrabaho ulit kami," sagot ni Sarah.

REUNION MOVIE WITH JOHN LLOYD. Isa raw sa nakalinyang gagawin ni Sarah sa 2012 ay ang balik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula.

Hindi naman itinanggi ni Sarah na isa ito sa inaabangan din niya.

"Yes, siyempre, excited na," sambit niya.

"Pero yun, ang dami pang puwedeng mangyari.

"Puwedeng hindi matuloy...pero huwag naman sana.

"Ako, excited na rin po talaga ako.

"At saka, may mga taong naghihintay na makita kami ulit."

Posible raw na early next year simulan ang shooting ng ikatlong pelikula nila ni John Lloyd.

Naitanong din ng PEP kay Sarah kung ano ang reaksiyon niya sa pinagdaanan o pinagdadaanan ngayon ni John Lloyd kaugnay ng relasyon nito kay Shaina Magdayao.

Pero tumangging magbigay ng kanyang pahayag ang Pop Princess.

Paliwanag niya, "Wala naman...wala naman po ako sa posisyon para magbigay ng comment do'n or any kind of comments, wala naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bilang kaibigan ni John Lloyd, may kurot din ba siyang nararamdaman sa kanyang puso kapag nasasaktan ang aktor?

Sabi ni Sarah, "Siyempre naman po, sa bawat katrabaho natin or hindi natin katrabaho, kahit hindi mo kilalang tao, basta nabalitaan mo na may pinagdadaanan siyang hindi maganda or namatayan siya, siyempre nandoon ang sympathy mo.

"Siyempre, nakakalungkot.

"Pero lahat naman ng bagay, malalampasan natin, especially in prayers, kung ipagdarasal natin ang lahat."

Naging honest naman si Sarah sa pagsasabing wala talaga silang komunikasyon ni John Lloyd ngayon.

Sinadya ba nila ito?

"Intentional? Siguro po, nag-iingat lang din," tugon ni Sarah.

HINDI NADADAAN SA KILIG. Pagdating naman sa usaping pag-ibig, sinabi ni Sarah na sa ngayon ay wala siyang ini-entertain na sinumang manliligaw.

Ito ba ay dahil ayaw niya o bawal pa?

"Ayoko pa po. Ayoko pa," mabilis niyang tugon.

"Kasi, mahirap po talaga na...Ako po kasi, kilala ko ang sarili ko.

"Sobra akong malambot.

"Kailangan ko munang maging matalino pagdating sa matters of the heart.

"Kailangan ko na hindi maging gullible.

"Sabi nga ni KC [Concepcion], hindi lahat, dinadaan sa kilig."

Sinabi ni KC ang katagang ito nang aminin niya sa publiko ang breakup nila ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Ibig bang sabihin ay nakaka-relate si Sarah kay KC?

"Hindi!" natatawa niyang sabi.

"Siyempre, babae rin tayo.

"Dumaan din po tayo sa isang relasyon. Failed relationship.

"Failed relationship...through text messaging!" tawa na naman niya.

Dagdag pa ni Sarah, "Pero totoo po yun, hindi lahat nadadaan sa kilig."

So, ang moral lesson ba ay "huwag maniwala sa kilig"?

"Hindi naman...Ang moral lesson, huwag ibigay ang buong-buong trust," sagot ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN