PEP EXCLUSIVE: Ronnie Liang talks about maintaining his lean frame

IMAGE 0


Ronnie Liang reveals how he stays fit: "Hindi ako nagra-rice, plus nagwo-work out pa 'ko three times a week, four times a week, gano'n."


Kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday celebration ni Ronnie Liang sa Philippine Children Medical Centre, Quezon Avenue, Quezon City, noong January 31.

At isa sa mga napag-usapan noong nagkaroon kami ng pagkakataon na interbyuhin ito ay ang kanyang matikas na pangangatawan.

"A, hindi ako nagra-rice," ang abilis niyang nasambit. "Kasi ang rice, 'di ba carbohydrate siya? Kapag hindi mo na-burn, [tataba ka]."

Nang tanungin siya kung ano ang kanyang diet plan, aniya, "Anything, hindi lang rice.

"Anything na kinain mo, pag hindi na-burn yun, magiging fats.

"Pero malakas kasing magbigay ng carbohydrate ang rice, so kuha ka ng food na mas less sa carbohydrates."

Hangga't maaari, ayaw nitong kumain ng red meat, na mas mahirap tunawin, "so more on chicken lang ako and fish," ang dagdag pa ng birthday boy.

Ang fitness routine naman niya ay "nagwo-work out pa 'ko three times a week, four times a week..."

Minsan, sumasali siya sa mga fun run, "yung mga ano, 5 kilometers, 3 kilometers, gano'n."

At kapag may pagkakataon, tumtakbo siya.

Ang kuwento pa ni Ronnie, "I usually do that lalo na kung free, walang gagawin, ganyan. Enjoy din kasi."

BUSY BEE. Bago siya pumirma ng bagong kontrata sa VIVA, "uut of town shows, out of town concerts" ang pinagkaabalahan niya.

Dagdag pa niya, "Nagpro-promote ako ng perfume—Ronnie Liang: for men and women. Best-selling siya sabi sa 'kin.

"Malakas siya and a, according to Joel Cruz, best-selling nga talaga.

Hindi ba siya gumigimik o lumalabas kasama ang kanyang mga kaibigan?

"No," ang mabilis niyang sagot. "I just stay at my condo, gano'n. A, nag-aaral ng mga kanta, nagbabasa ng libro, gano'n. Ayon nanonood ng DVD."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN