Pen Medina says no to politics: "Hindi ko linya."

IMAGE 0


"Kahit si PNoy, kung may palpak siya, 'yong talagang kalokohan, titirahin ko siya. Ibig sabihin, kikilos talaga ako. Gano'n lang, walang kampihan 'yan. Doon lang tayo sa tama," says Pen Medina about joining political rallies and events.


Pen Medina doesn't just keep himself informed about the country's issues, but also involved.

In fact, he has been joining public rallies—the latest of which had something to do with Senate hearing for the impeachment of Chief Justice Renato Corona.

In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) recently, Pen said his presence in such events is his way of showing support to the current administration, which he thinks is doing better than the previous nation leader.

"Matagal na tayong niloloko ng pulitiko kagaya nga ng sinabi ko kanina, pati mga kasama sa military, judiciary, at sa religion.

"Pagkakataon na natin ito dahil sa nakikita ko ngayon, totoo 'yong ginagawa nina PNoy [President Noynoy Aquino].

"Tingnan mo, kinontra si Arroyo, itinakwil si ganito...si CJ pina-impeach, si [Jovito] Palparan hinahanap ngayon, 'tapos ngayon ang NBI director pinapatanggal.

"Totoo na, so, suportahan na natin.

"Kasi, kapag pinabayaan natin 'yan, nakikita ng kalaban, ng grupo ni Arroyo, at iba pang mga kalipi niya o kalahi niya, lalakas na naman ang loob nila.

"Tuloy na naman ang kalokohan so, tuluy-tuloy na naman ang problema natin—ang kahirapan, 'yong [krimeng] papatayin ang mga aktibista, mga estudyante, pati ang pagnanakaw."

"DOON LANG AKO SA TAMA." Since he's very vocal about his personal views on politics, is he a member of any political group?

He immediately replied, "Wala akong grupo. Doon lang ako sa totoo. Doon lang ako sa tama."

Pen would not have second thoughts supporting government officials who are efficient and effective.

"Kahit si PNoy, kung may palpak siya, 'yong talagang kalokohan, titirahin ko siya.

"Ibig sabihin, kikilos talaga ako.

"Gano'n lang, walang kampihan 'yan. Doon lang tayo sa tama."

DEBATE WITH FELLOW ACTORS. Sadly for him, not a lot of celebrities are vigilant about national issues.

He told PEP, "Pero karamihan sa kanila, sadly, [sinasabi sa akin], 'Pen, huwag ka nang makialam diyan. Sa mga pulitiko na lang 'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At times, he admitted, a simple conversation with a fellow celebrity would turn into a heated debate.

"Hindi nila 'yon maintindihan. I try to explain na lang kaso inaaway ako. May mga nakakadebate kasing mayroon silang sinusuportahang pulitiko."

NO PLANS TO ENTER POLITICS. But despite his visibility, joining politics never crossed his mind.

The acting coach explained, "Wala akong balak. Kasi panahon ni Marcos ginagawa ko na ito.

"Kung gusto ko talaga maging pulitiko, ang tagal na.

"Ang tagal nang may nag-[hihikayat] sa akin, sa bayan namin, na mag-mayor or kahit ano lang daw sa barangay.

"O kaya magpapa-expose ka lang sa pulitika, tumulong-tulong ka."

But it's not his cup of tea.

He also stressed, "Madaling pumasok, e. Kaya lang hindi ko linya.

"At saka kung papasok ako, presidente kaagad.

"Mas marami kang magagawa, basta malakas ang loob mo at ready kang mamatay para sa ginagawa mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN