Anne Curtis clarifies incident at USTv Awards kick-off party

IMAGE 0


Muling nilinaw ni Anne Curtis ang kinasasangkutang kontrobersiya kaugnay ng insidente kagabi, November 10, sa USTv Awards kick-off party. Ani Anne, mali ang paratang sa kanya ng ilang GMA staff at fans nag nagpaka-"diva" raw siya nang pigilang umakyat sa stage.


Buhay na naman ang "network war" dahil sa isang insidente kagabi, November 10, sa kick-off party ng taunang USTv Awards. (CLICK HERE to read related story)

Naganap ang kick-off party sa Plaza Mayor ng Univerity of Santo Tomas campus sa España, Manila.

Dinaluhan ito ng mga artista mula sa tatlong major TV networks ng bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA-7.

Kabilang dito ang Kapamilya star na si Anne Curtis.

Matapos ilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi ang mga mensahe ni Anne sa kanyang personal Twitter account ay nag-umpisa nang uminit ang bangayan ng mga Kapamilya at Kapuso fans sa social networking sites.

Hanggang ngayong umaga, November 11, ay patuloy ang parinigan ng mga fans ng magkabilang network.

Maging ang coordinator ng ABS-CBN artists para sa naturang event, na naroon din nang maganap ang insidente sa UST campus, ay nag-tweet na rin ng kanyang saloobin.

"Nakakainis yung mali naman yung kuwento... alam namin naging makatao kami sa pakikipagusap sa inyo," saad nito tungkol sa source na una ng nagbigay ng pahayag sa PEP.

Dagdag pa niya, "im sorry i just feel so bad that they are putting a good person like anne in a bad light. di siya nagdiva ever kagabi.

"puwede naman sana siya umakyat na sa stage but she chose to leave to respect GMAs decision... nirespeto naming mga KAPAMILYA ang dssyon nio"

ANNE'S STATEMENT. Kanina, pasado alas-dose ng tanghali, ay nag-post muli si Anne ng sunud-sunod na mensahe sa kanyang Twitter account kaugnay pa rin ng isyung ito.

Narito ang kanyang tweets:

"Read some articles & whoever the source was, got some details wrong. So I'd like to explain.

"Firstly, if you read my twitter timeline I didn't arrive late at 8pm. I was asked by UST people to be there between 7-7:30 and they had told my Road Manager as soon as I get there it would be my turn..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If you want an exact time I was there at 7:10 according to driver. O diba? Join din ang driver ko sa drama. Haha.

"No, but seriously, they told me naman since TV5 people were performing already they opted to put me after TV5 artists & before the GMA artists. So I waited in the the standby room and waited for them to call me.

"Secondly, what I meant when I said nauna ako sa GMA Artists dun was that the USTv staff called me to go on stage coz it was my turn.

"When I got backstage pababa na ung Artists of TV5 and I didn't see anyone from GMA except the lady representing GMA. She was the one I saw complaining to the USTv staff.

"So to avoid it being a mess I told her that I won't sing na lang, babati na lang ako ng Hi and Hello. 2minutes lang. She DID NOT explain anything to me.

"I didn't even quite get what she tried to say coz she said this while turning around me. So ang hirap intindihan kung d ka din sinabihan ng maayos diba?

"But to clear it NOONE from the GMA staff explained anything to me as it was said in the article.

"Lastly, I went to UST in good faith coz I was invited not to represent abs or be part of any network war but to go and perform for the Thomasians bilang it was through them I got my Best Actress award for Dyosa a couple of years back.

"It was a way of saying thank you to them. Hindi para makipagagawan ng stage time or to compete with anyone.

"The only reason why I tweeted last night was because pinalabas na ako ng USTv staff to perform so nakita na ako, mas nakakagulat if bigla naman ako nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Its only proper I explain to them what the reason was why I left. I owe that to the Thomasians who tweeted & were waiting for me.

"To clear it, I'm not dissing the network or the artists of GMA. As I said in my tweet don't get mad at the GMA staff they probably had their own reasons.

"But if I was called by the staff of USTv and was already at the side of stage waiting to be called maybe they/she could've taken that into consideration also."

Isang oras matapos ipadala ni Anne ang mga tweets na ito, hiniling niya na sana ay matapos na ang isyung ito.

Samantala, nakatakda namang maglabas ng official statement ang GMA-7 tungkol sa insidenteng ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN