PART 2. Heart Evangelista on reconciling with Marian Rivera: "Sa kahit sino naman, I'm just gonna bow my head."

IMAGE 0


Heart Evangelista on being replaced in The Beloved: "I trust GMA and their choices naman. So, kung iyon ang naging choice nila, I'm also happy. Kasi ayoko rin ng gulo. Ayoko rin ng anything. Sometimes it's better to just back off, di ba?"


Si Heart Evangelista ang original choice para maging kapareha ni Dingdong Dantes sa upcoming primetime series ng GMA-7 na The Beloved.

Ayon sa usap-usapan, dahil sa naging isyu noon ni Heart sa girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island, hindi natuloy si Heart sa proyekto.

Si Rhian Ramos ang pumalit kay Heart.

Pero kahit nakapagsimula nang mag-taping si Rhian, papalitan din ito ng ibang aktres, bunsod ng isyung kinasasangkutan naman nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mo Twister.

Sa Christmas party ng Mercator Model and Artist Management, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart kung ano ang pakiramdam niya na hindi siya natuloy sa The Beloved, na nagkakaroon ngayon ng problema sa pagka-cast ng leading lady.

Ayon sa Kapuso actress, "I trust GMA and their choices naman.

"So, kung iyon ang naging choice nila, I'm also happy.

"Kasi ayoko rin ng gulo. Ayoko rin ng anything.

"Sometimes it's better to just back off, di ba?"

LEGACY. Bagamat nawala kay Heart ang The Beloved, may ipinalit naman na project para sa kanya ang Kapuso network.

Ito ay ang Legacy na pagsasamahan ng ilan sa pinakasikat na young at veteran stars.

Bukod kay Heart, kasama rin sa cast sina Lovi Poe, Sid Lucero, Geoff Eigenmann, Alessandra de Rossi, Solenn Heussaff, Cherie Gil, at Eddie Garcia.

Noong Martes, December 13, ang first taping day ni Heart para sa Legacy.

"Ecxited ako para sa project," sambit niya.

"Magagaling 'yong mga artistang kasama ko.

"Lahat naman minsan may kapalit, e.

"Mas maganda pa nga minsan 'yong kapalit na napupunta sa 'yo. Mas makakabuti.

"So, okey lang."

Tungkol ba saan ang Legacy?

Ayon kay Heart, "It's about sisters' rivalry, unconditional love of the family.

"Tatlo kami nina Lovi at Alessandra na magkakapatid.

"Sa story, mag-aagawan kami sa lalake. Parang hindi namin akalain na iisa lang pala ang minamahal namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero more on the sister and the family ang focus ng story."

MARIAN RIVERA. Nangiti naman si Heart nang usisain sa kanya ng press kung hindi pa ba nagkaroon ng chance na magkasalubong sila ni Marian Rivera.

"Hindi pa," sagot niya.

Pero dagdag ni Heart, "You know, I'm not really that type na...

"Ano naman ako, e, parang...sa kahit sino naman, I'm just gonna bow my head.

"So, if there's a chance, I won't hesitate to come forward naman.

"Para tapos na."

Willing siya na unang lumapit kay Marian?

Sabi ni Heart, "Of course.

"I'm always willing naman.

"Especially if the doors are open naman na...may chance.

"Gano'n lang naman talaga ang showbiz. May nag-aaway."

CONTRACT WITH GMA-7. Hanggang kailan ang kontrata niya sa GMA-7?

"Uhm, less than two years pa. Marami pang time.

"And they're taking care of me. Naka-enumerate naman 'yong mga plano for me.

"And at the end of the day, we just all need to pay our bills, di ba?

"Para sa akin, wala na 'yong sino sikat o ano ba.

"Basta I'm given a good project, di ba? And I'm paid. It's okay," saad ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN