Jericho Rosales on working with ex-girlfriend Heart Evangelista: "Maybe someday, a good project maybe."

IMAGE 0


Jericho Rosales says he finds his role in Yesterday, Today, Tomorrow "medyo challenging." When asked if he had a hard time during the shoot, his answer: "Hindi naman."


Masigla pa rin si Jericho Rosales kahit pa ilang oras na itong nakababad sa shooting ng Yesterday, Today, Tomorrow sa Republiq ng Resorts World Manila.

Ang masayang bati niya, "Okay naman, mabilis kaming natapos, I think nag-start kami two months ago. Everything went smoothly. And enjoy naman yung shooting namin."

Sa nasabing film ni Jun Lana ay nakasama niya sina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Lovi Poe, Carla Abellana, at Solenn Heussaff.

First time makatrabaho ni Echo (palayaw ng aktor) ang mga Kapuso actresses na nabanggit. Pero sina Lovi at Solenn daw ang madalas niyang ka-eksena.

Nagkuwento pa ito tungkol sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Regal Films. "Well, it's tama lang, tama lang siya na drama.

"Puro ano kasi, e, tungkol sa relationships, e. May mga mabibigat na eksena, mga tamang-tamang timpla ng drama.

"Hindi siya puro sigawan, maganda yung flow nung buong movie, maganda yung takbo ng istorya niya."

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang role?

Sagot ng Kapamilya star, "Medyo challenging lang para sa akin.

"I guess it's about cooperation lang, nabasa ko naman yung script before kami nag-start nung movie.

"Nahirapan lang ako siguro kapag medyo bitin kami sa oras, kapag ginagabi na kami, I need time to prepare kasi."

Aniya, ang galing ng isang aktor ay mas lalabas kung maganda ang script.

"Basically if you're working [on] a good script, magiging madali lang ito para sa 'yo.

"Madali mo lang ma-imagine yung mga bagay kasi most of the requirements naman sa mga eksena, makikita mo na siya dun sa script pa lang.

"So kaunting beses na lang kami nag-usap ni Direk kung ano ang mga gusto niyang lumabas sa eksena," ang saad ng Genesis talent.

Umaasa ba siyang makakatanggap ng acting award dahil sa pelikula?

Ang mapagkumbabang sagot niya, "Ako, hindi na, hindi naman focus ko lagi ang awards or anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gumagawa ako ng pelikula, hinahanap ko na talaga yung may magandang istorya, may magandang message for me.

"Yun ang magandang award, na may maipasa ka sa mga tao, [na] pag mapanood nila, may mapulot silang lesson.

"Yung awards, bonus na lang yun. But this is a good ano, actually a good project. Pag mapansin, mas okay."

WORKING WITH HEART EVANGELISTA. Kumalat dati ang balitang ang character ni Lovi Poe ay originally intended for Heart Evangelista.

Kung natuloy ito, tatanggapin pa ba niya ang pelikula?

"Oo naman, okay naman sa akin, it's more interesting di ba. Pero maybe some other time."

Ibig bang sabihin nito ay open siya na makipag-trabaho sa dati niyang girlfriend?

"I think right timing lang naman di ba, but right at the moment, di pa tama siguro yung timing. Maybe someday, a good project maybe."

WORKING WITH LOVI POE. Nadako ang usapang kay Lovi, na hayagang nagsabi na crush siya.

Noong mga unang araw ng shoot ay pinapanood lang daw siya ng dalaga.

"Awkward," ang paglalarawan ni Echo. "Medyo kasi noong unang eksena namin, medyo mabigat na kaagad kasi unang kinunan yung mga wedding photos namin.

"So, kailangan medyo close with each other kasi siyempre mag-asawa di ba.

"'Tapos medyo iyakan ng kaunti, so medyo ang hirap.

"Ayun, nagtatawanan kaming dalawa. Pero pinag-usapan na namin at I'm happy din kasi hindi ako nahirapan."

MYSTERIOUS NON-SHOWBIZ GIRL. Medyo tahimik ang love life ni Echo sa ngayon.

Pero ilang beses na niyang sinabi na may isang non-showbiz girl daw siyang dine-date. Kaya naman, kinulit namin siya kung sino nga ba ang nagpapatibok ng kanyang puso?

"Siya ay non-showbiz. Next time na lang pag Pasko na," sabay halakhak at biro pa niya sa writer na ito.

Dagdag pa ni Jericho, "Galing siya sa mga pangarap."

ON PIOLO-KC BREAKUP. Bilang panghuli, hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa paghihiwalay nina Piolo Pascual at KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm sad kasi kaibigan ko si PJ and KC. But I'm not the best person to ask about details.

"Nung napanuod ko, siyempre nalungkot ako. I'm praying for them.

"Siguro in time, everything will be okay," ang pahayag ni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN