UPDATED Heart Evangelista calls issue linking her to Mo Twister "stupid"

IMAGE 0


"I don't understand it! It's stupid!" exclaims Heart Evangelista about the issue linking her to controversial radio and TV personality Mo Twister (inset).


Mabilisang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Heart Evangelista kamakailan sa Christmas party ng Mercator Artist and Model Management, Inc.

Talent kasi ng Mercator ang Brazilian-Japanese model turned actor na si Daniel Matsunaga, na boyfriend ni Heart.

Isinama siya ni Daniel sa party ng artists and models' management group.

BEING LINKED TO MO. Sa kainitan ng kontrobersiyang kasalukuyang kinasasangkutan ng dating magkasintahan na sina Rhian Ramos at Mo Twister, heto't bigla na lang ikinabit ang pangalan ni Heart sa dating Paparazzi host at radio DJ.

Bakit nga ba sila na-link bigla ni Mo?

"I don't understand! It's stupid!" mabilis na reaksyon ni Heart sa tanong ng PEP.

Hindi raw alam ni Heart kung saan nanggaling ang isyu.

Nagtataka nga rin daw siya dahil nananahimik na raw siya ngayon matapos ng naging intriga sa kanila noon ni Marian Rivera. (CLICK HERE to read related article.)

"Naku, huwag na nga silang mag-ano!

"Tama na, nananahimik na ako!" bulalas pa ng 26-year-old actress, host, and VJ.

Inamin naman ni Heart na magkaibigan sila ni Mo.

"He's a friend, oo.

"And he's also friends with Donita Rose and many other people.

"Bakit ako?" mareklamong balik-tanong ni Heart sa PEP kung bakit nga naman siya ang isinasabit ngayon sa kontrobersiyal na radio at TV personality.

SWEET IN HER TWEETS? May mga nagsasabing nag-ugat daw ang intriga sa "sweet" na pag-uusap nila ni Mo sa Twitter.

"What?" gulat munang reaksyon ni Heart.

"No! Those are friendly tweets!"

Hindi nga naman masasabing "sweet" ang mga palitan nila ni Mo, sapagkat di naman katulad nito ang palitan ng malalambing na salita sa pagitan ng magkasintahan o sa nagliligawan.

Noon kasing nagpahayag ng kagustuhang mag-hibernate muna sa New York ni Mo (CLICK HERE to read related story), isa si Heart sa mga nagsabing hindi siya payag sa desisyong ito ng DJ-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Apat na beses pa ngang nag-tweet si Heart noong November 25 tungkol sa hindi niya pagsang-ayon sa desisyon ni Mo na umalis na ng Pilipinas.

Tweets ni Heart: "@djmotwister: you cant leave my friend! :(

"@djmotwister no! Manila will miss having you they will regret this!!!"

"Rt if you dont want @djmotwister to leave!!" at "RT#djmotwister dont leave!"

Bago umalis for New York si Heart, isang beses lang daw sila nag-usap sa Twitter ni Mo.

Ito'y nung imbitahan siya ni Mo mag-dinner nung November 29.

Heto ang palitan nila ng tweets:

"djmotwister: @heart21485 pssst...Nobu dinner next week? I have to make reservations as early as now! It's a great NY restaurant."

"heart21485: @djmotwister wait! It kinda hard to get out of the sked!:("

Pagpapaliwanag pa ni Heart: "Kahit si Daniel, ka-tweet niya.

"So, huwag na, nakakaloka!"

Sa kabila ng intrigang ito, going strong pa rin daw ang relasyon nila ni Daniel Matsunaga, ang kaedad niyang Brazilian-Japanese model-actor na boyfriend ni Heart ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN