Daniel Matsunaga says Heart Evangelista's rich family is not a factor in asking her hand in marriage

IMAGE 0


Daniel Matsunaga on asking Heart Evangelista's hand in marriage: "Wala akong pressure kasi I also have rich family. Not me, not my parents, but my grandpa. He has a lot of money, too. So, it's not about the money. What I want is for me to conquer my own things. And there's no pressure that Heart is rich because I know she can live without those. Alam ko that she can really survive without that. And she already told me that, too."


Lutang na lutang ang kaguwapuhan ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga sa kanyang black coat nang dumalo siya sa thanksgiving-dinner party ng Mercator Model and Artist Management kagabi, December 14.

Ginanap ang pagdiriwang sa Casa Pura sa Scout Rallos, Quezon City. Dinaluhan ito ng mga alaga ng talent manager na si Jonas Gaffud at ilang piling miyembro ng media.

Kasama ni Daniel na dumating sa party ang kanyang girlfriend na si Heart Evangelista, na naka-black dress naman.

A GREAT YEAR. Nasa aura ni Daniel ang kasiyahan noong gabing yun, lalo pa nga't ayon sa kanya, 2011 was "a great year" for him.

Sabi ng model-actor, "Comparing dati sa ngayon, marami rin akong improvements.

"Yung Tagalog ko rin and acting skills ko. Yung lovelife ko...sa buhay ko, di ba?

"It happened a lot of things, di ba?

"Sa buhay ko dito and, of course, because of God.

"And I'm really happy that with everything that happened, it just made me better.

"Better experience in everything—all my shows. Yung mga trabaho ko dito."

Ano ang masasabi niyang best experience niya ngayong 2011?

"Siguro yung Brazil trip, tapos nandito ang pamilya ko.

"Kasi, tatlong buwan na nandito sila. So, masaya.

"We got to bring them to so many places.

"And I got to do my objectives, which is bringing Heart to Brazil and show her what we have, my life in Brazil.

"And also, show my family my life outside Brazil.

"Kasi, it's really hard to bring all of them.

"Kasi, sobrang mahal ang tickets.

"And I'm the one who does that also," saad ni Daniel.

STILL STRONG. Aminado naman si Daniel na simula pa lang ng relationship nila ni Heart, marami na ang humuhula na hindi sila magtatagal o magkakahiwalay rin sila.

Pero ayon kay Daniel, "still stronger" pa rin sila ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can assure that to you," sambit pa niya.

"Kasi, maraming tao that they don't believe on us.

"But we always have the positive side.

"Most of the people believe on the two of us.

"And the most important, ang pinaka-importante, God in our lives.

"Kasi, that's very important to have rules."

SIMILARITIES AND DIFFERENCES. Parehong Christians sina Daniel at Heart, at kapwa uma-attend ng services ng Victory Fellowship.

Bago pa man daw maging sila ay Christians na sila.

Ayon kay Daniel, "So, there's huge connection in the beginning, di ba?

"There's also people who believe on us and I think, that's the most important.

"We just really need to think about the positive side and we have a lot of friends, lots of nice people with us.

"And the people around us just support us, and those things helped a lot.

"At siguro, yung nagsasabi that people think we don't belong, I think it's also different culture.

"It's really hard."

Nagiging problema ba sa relasyon nila ni Heart ang pagkakaroon nila ng magkaibang kultura?

Pag-amin ni Daniel, "Sometimes it's hard because there's a wall.

"Even we say that Brazil is very similar with Philippines, there's still a lot of things.

"Pero still, we have to bring it on a positive side. Always on a positive side.

"You know, we have a problem but we can fix the problem and we always can do our best."

Ano yung madalas na nagiging dahilan ng isyu o pagtatalo sa pagitan nila ni Heart?

"Actually, when we have some discussion about something, it's always about small things.

"Not even about because she's this or that, or I'm this or that, because everyone in a relationship, you have ups and down.

"But the most important is, if you can do something, do fix it. Make it up," sabi ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "You know, in the beginning, you get to know about everything.

"It takes time for you to go and see everything. The whole aspects of your life.

"Of course, I live my life by myself and then, suddenly, you have to share in everything.

"It's a different life and that's [what] I choose for my life, and it's not like I do not know what's happening."

MARRIAGE TALKS. Sa isang interview, nabanggit ni Daniel na sa loob ng dalawang taon ay posibleng ikasal na siya.

Kaya naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kung naiisip na niya ngayon na hingin ang kamay ni Heart sa mga magulang nito.

Aniya, "Meron akong plans, but it's kinda mahirap kasi meron kaming trabaho.

"At gusto ko, ma-save ang pera ko.

"Gusto ko sa future ko, I'll be the one to provide."

So, ilang taon pa sa tingin niya bago niya yayaing magpakasal si Heart?

"Well, if I'll become rich tomorrow, why not?" nakangiti niyang sagot.

"I don't even need to be rich. Gusto ko to have a good life. That's my goal.

"I'm always here to help also my whole family.

"I'm here for a purpose and not just to go out, to have fun and go around."

Dahil sa sinabi niyang kung magiging mayaman na siya kahit kinabukasan din ay pakakasalan na niya si Heart, may pressure ba sa kanya na galing sa isang mayamang pamilya ang gusto niyang pakasalan?

Tugon ni Daniel, "Wala. Wala akong pressure kasi I also have rich family.

"Not me, not my parents, but my grandpa. He has a lot of money, too.

"So, it's not about the money.

"What I want is for me to conquer my own things.

"And there's no pressure that Heart is rich because I know she can live without those.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko that she can really survive without that.

"And she already told me that, too."

Napag-uusapan na rin ba nila ni Heart ang future nila?

"Siyempre, oo naman.

"I love kids pero, really now, it's not the time. It's really not the time.

"I want to do my best in the Philippines."

Ngayong Pasko ay ipagdiriwang daw ito ni Daniel kasama ang pamilya ni Heart.

"Pinoy ang Pasko ko ngayon kasi nandoon na sa Brazil ang family ko," nakangiti niyang sabi.

Samantala, bago matapos ang 2011 ay magsisimula nang mag-taping si Daniel ng GMA-7 afternoon soap na Prodigal Daughter, kung saan makaka-love triangle niya sina Kylie Padilla at Rocco Nacino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN