Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it

IMAGE 0


Nagpunta ang aktres na si Claudine Barretto kaninang bandang tanghali sa isang bangko sa Quezon Avenue, Quezon City, upang mag-withdraw ng balanse ng pera sa joint account nila ng mister na si Raymart Santiago. Pero laking gulat ng aktres na, habang nasa bangko sila, may iba nang nag-withdraw sa natitirang pera.


Hindi napigilan ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang emosyon nang magkaroon umano ng aberya habang nagwi-withdraw siya ng pera sa isang bangko.

Diumano'y nawala na lang bigla ang perang wini-withdraw niya kahit wala pa siyang nakukuha.

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kanina, October 25, galit na galit daw si Claudine nang datnan nito ang aktres sa isang bangko sa Quezon Avenue sa Quezon City.

Kasama ng aktres ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Maririnig sa video ang mataas na boses ni Claudine na nagsasabing, "Nasaan na yung pera... ngayon wala na!"

Kuwento ng mga nakakita, bandang alas-dose ng tanghali raw kanina nang dumating sa bangko sina Claudine at Atty. Maranan para mag-withdraw.

Nakumpirma pa raw ng dalawa kung magkano ang balanse sa account.

Pero inabot na raw ng mahigit sa kalahating oras ay hindi pa rin nakukumpleto ang proseso ng pagwi-withdraw.

Hanggang sa sabihan na lang daw sila na wala na raw ang inaasahan nilang balanse sa bank account.

Nang makausap ng PEP ang abugado ni Claudine, ayaw nitong magsalita. Ang tanging kinumpirma niya ay na-withdraw na raw ang pera sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.

Sinubukan ni Nelson na tanungin si Claudine kung ano ang nangyari, pero umiiyak nitong sinabi na, "Tanungin n'yo na lang yung lawyer ko, please."

Ganun nga ang ginawa ng GMA News reporter, na nagtanong kay Atty. Maranan.

Sinabi ng abugado, "Draw your own conclusions, pero the timing 'no? ...It was withdrawn at the time we were here, [when we were] asking to withdraw it.

"We were here for more than 30 minutes.

"I was able to confirm from the teller that the funds were still there.

"And then suddenly, about 40 minutes or 30 minutes later, wala na yung funds."

Napag-alaman ni Nelson na ang nawawalang pera ay galing sa joint account ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And/or ang naturingang bank account.

Ibig sabihin, kahit isa lang sa mag-asawa ay puwedeng mag-withdraw ng kanilang pera.

Ayaw namang magkomento ng bank manager nang hingan ng panig ni Nelson tungkol sa nangyari.

"Hindi po ako makakapag-comment," sabi lang ng manager.

Sinubukan din ng GMA News na kunan ng pahayag si Raymart tungkol sa isyu, pero hanggang sa press time ay hindi pa rin ito nagbibigay ng pahayag.

Samantala, nakausap din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Maranan kaninang hapon sa pamamagitan ng telepono.

Nang hiningan ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan ng pahayag ang abugado ni Claudine, sinabi nitong humingi muna raw kami ng permiso mula sa tumatayong manager ng aktres na si Shirley Kuan.

Si Shirley raw ang magbibigay ng go-signal kung maaari siyang maglabas ng statement sa PEP.

Hindi pa sumasagot sa text message ng PEP si Shirley.

Pero ayon kay Atty. Maranan, tungkol sa nangyari kay Claudine: "I was there. It happened. It was not right."

Bukás ang PEP sa panig ni Raymart tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN