Jennylyn Mercado on Claudine Barretto-Raymart Santiago issue: "Problema ng mag-asawa 'yan, huwag na akong idamay!"

IMAGE 0


Jennylyn Mercado has issued this statement on the Claudine Barretto-Raymart Santiago controversy: "Kung meron man silang problema, problema na nila yun, ayoko nang sumama sa mga ganyang isyu. At huwag na sana nila akong isasama sa mga ganyan dahil nakakaano, hindi maganda sa akin, lalo na may anak ako, di ba?"


Sa nangyayaring isyu sa pagitan ng aktres na si Claudine Barretto at mister nitong si Raymart Santiago, may mga taong nakaladkad sa kontrobersiya.

Isa na rito ang actress/TV host na si Jennylyn Mercado.

Co-star ni Raymart si Jennylyn sa katatapos lamang na TV series ng GMA na Futbolilits.

At sa panayam (via taped interview) ng Startalk TX kay Jennylyn na ipinalabas kahapon, October 29, sinabi ni Jennylyn:

"Ano naman, problema ng mag-asawa 'yan, huwag na akong idamay!

"Tsaka kung meron man silang problema, problema na nila yun, ayoko nang sumama sa mga ganyang isyu.

"At huwag na sana nila akong isasama sa mga ganyan dahil nakakaano, hindi maganda sa akin, lalo na may anak ako, di ba?

"Puwede naman sa single, huwag naman sa ano, sa may-asawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN