Raymond Gutierrez on Ruffa-Shaina issue: "For me, it's not even about who texted first, it's about what the messages said."

IMAGE 0


Raymond Gutierrez on being named Best Emcee at the Aliw Awards: "There's a lot of great hosts out there na I look up to talaga, so I just wanna carve my own niche also from what my family does. So, I appreciate pag may mga ganitong award-giving body na nagpapa-remind sa akin na you're doing a good job."


Ginanap kagabi, November 8, ang 24th Aliw Awards sa Newport Performing Arts sa may Resorts World Manila, Pasay City.

Isa sa nanalo ay ang Showbiz Central at Party Pilipinas host na si Raymond Gutierrez na pinarangalan bilang Best Male Emcee.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Raymond pagkatapos ng awards night, sinabi nitong magsisilbing inspirasyon sa kanya ang napanalunang tropeyo upang lalo pang galingan ang trabaho bilang host.

Aniya, "Yeah, definitely this award would just make me work harder, make me prove myself and strive for this industry.

"There's a lot of great hosts out there na I look up to talaga—so I just wanna carve my own niche also from what my family does.

"So, I appreciate pag may mga ganitong award-giving body na nagpapa-remind sa akin na you're doing a good job."

Hindi naman maiwasang matanong ng PEP kay Raymond ang mga kontrobersiyang kinauugnayan ng kanyang mga kapamilya.

Matatandaang ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ruffa Gutierrez ay nagbuhos ng kanyang saloobin sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 noong Linggo, November 6.

Ito ay kaugnay ng naging relasyon ni Ruffa at ni John Lloyd Cruz noon at ang tensiyon sa pagitan ni Ruffa at ni Shaina Magdayao ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

Isa pang kontrobersiya ay ang tungkol sa mga kasong isinampa ni Nadia Montenegro laban sa ina ni Raymond na si Annabelle Rama. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi naman nagdamot na magbigay ng pahayag ang TV host sa aming mga katanungan.

ON SISTER RUFFA. Alam ba niya ang buong kuwento tungkol sa mga inilahad ni Ruffa sa Paparazzi?

Sagot ni Raymond, "More or less, alam ko. Nakukuwento niya sa akin, siyempre."

Alam din daw niya ang tungkol sa controversial text conversations na namagitan kina Ruffa at John Lloyd, at nang lumaon ay sa pagitan nina Ruffa at Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Shaina, si Ruffa ang unang nag-text kay John Lloyd. Pero giit ni Ruffa, hindi siya ang unang nag-text.

Sabi naman ni Raymond tungkol dito, "Yeah, I think my sister...her phone, she showed me, kasi I asked her about it.

"And she showed me that it was really John Lloyd's phone that texted first.

"And you know, it's not even a big deal who texted first, whatever.

"At the end of the day, si Shaina talaga ang nag-text first.

"For me, it's not even about who texted first, it's about what the messages said. You know what I mean?

"It's just been going on for so long, that for me, it's kinda time to move on."

May alam ba si Raymond sa mga tawag ni Shaina at "ungodly hours" sa kanyang kapatid? Nagkuwento ba si Ruffa sa kanya tungkol dito?

Ayon kay Raymond, "You know, I'm not really up to date with every detail, I'm also very busy.

"I just know it when my sister would like to share or if I ask her.

"I don't know every detail, e, because John Lloyd and Shaina are not naman part of my life."

Bagamat nagbigay na ng pahayag si Ruffa, wala pang naririning na reaksiyon mula sa kampo nina John Lloyd at Shaina pagkatapos ng interview nila noon sa The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)

Samantala, ngayon daw ay masaya naman si Raymond na may inspirasyon ang kanyang Ate Ruffa.

Kuwento niya, "You know, she introduced a guy to us, and he's very nice to me, to us. He's very nice to the kids.

"A, di ko lang alam if they are officially together.

"But if they are, then I'm happy for her because she deserves a good guy."

Pinoy kaya itong tinutukoy ni Ruffa na "Batman'"ng kanyang buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, the guy I met is not Filipino," sabi ni Raymond.

(Ang bali-balitang nasagap ng PEP ay isa itong Brazilian na nagngangalang Eduardo Puertas. Ang sigurado ay guwapo ito at matangkad tingnan sa tabi ni Ruffa, kahit pa napakataaas ng takong ng sapatos ni Ruffa.)

ON MOM ANNABELLE RAMA. Hindi naman maitago ni Raymond na masama ang loob niya pagdating sa mga pangyayari sa pagitan ng kanyang ina na si Annabelle Rama at sa dating kaibigan nitong si Nadia Montenegro.

Matatandaang sinampahan ng mga kasong child abuse, falsification of document, at libel ni Nadia si Annabelle. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Raymond, "You know, this just upsets me because these are the people that she helped a great deal, and people that were close to us, to our family.

"And these people asked for help and help was given.

"So, it's just so unfortunate na humantong sa ganito yung relationship and yung friendship.

"Uhm, yun lang, parang nakakapanghinayang.

"And, you know, you just see talaga that in showbiz, bihira yung mga taong may utang na loob."

Nalulungkot din daw siya sa kinahantungan ng pagkakaibigan ng kanyang pamilya at ng pamilya ni Nadia.

Dagdag pa ni Raymond, "Of course, it saddens me because I've seen how my mom treated Nadia and defended Nadia and her kids, not only to us but to network executives. To, you know, just a lot of people.

"So, nakita ko yung pagtitiwala ni Mommy sa family nila, and ganun yung gagawin, di ba?

"May kasabihan nga na 'don't bite the hand that feeds you.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN