Ruffa Gutierrez tells all in showbiz talk show: "I already knew after all of the curse messages that I got na hindi si John Lloyd yun."

IMAGE 0


Mamayang 1:30 ng hapon (November 6, 2011) sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, bibigyang linaw raw ni Ruffa Gutierez (left) ang kuwento tungkol sa gusot na namamagitan sa kanila ng ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz (right) at Shaina Magdayao (not in photo).



Mamayang 1:30 ng hapon (November 6, 2011) sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, bibigyang linaw raw ni Ruffa Gutierez ang sinasabing buong kuwento tungkol sa gusot na namamagitan sa kanila ng ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Nag-ugat ang huling hidwaan ng tatlo pagkatapos ng nangyaring birthday concert ni Vina Morales sa Republiq noong October 17, kung saan nag-tweet si Ruffa ng, "My gosh, panahon pa ni Magsaysay... wag ka naman ma-insecure!

"There's nothing I can do if my legs are longer than yours. Hellow!"

Sinundan pa ito ng dalawa pang mahiwagang tweets na, "No cure for the insecure. Kalurks ka girl.

"Seriously be real! That was so nineteen kopong kopong!

"I should have stayed home and slept!"

Isa pang tweet ng Paparazzi host noong gabi ding yun ay, "Behind the tweet is a back story.

"Please 'wag niyo po akong palabasin na masama.

"I'm the nicest person on earth but I hate the most is receiving psychotic messages at ungodly hours.

"This isn't the first and thank God, I have many credible witnesses who can defend me."

Dito na nagsimulang lumabas na may namumuong tensiyon na naman sa pagitan ni Ruffa at ang kampo ni Shaina Magdayao.



Mas lalo pang lumalim ang gulo nang lumabas at nagpa-interview sina Shaina at John Lloyd sa The Buzz noong nakaraang linggo kung saan naungkat ang kung sino ang unang nagpadala ng text kanino.

Dito sinabi ni Shaina: si Ruffa ang unang nagpadala ng text sa cellphone ng boyfriend niya, na sinagot naman niya ng "Please leave us alone."



HOW IT STARTED. Pero ayon sa exclusive interview ni Mo Twister kay Ruffa para sa Paparazzi na mapapanuod mamayang hapon, kabaligtaran sa sinabi ni Shaina ang inamin ni Ruffa.

Ayon pa sa Paparazzi host, pumasok ang unang text message sa kanyang cellphone eksaktong 1:33 ng madaling araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naglalaman raw ito ng mga salitang "Shut up."

Sinagot naman niya ito bandang 1:45 a.m. ng: "Excuse me?''

Mabilis naman daw ang nagiging sagot mula sa cell ni John Lloyd bandang 1:46 a.m.: "Shut Up! What do you want from me?"

Ipinakita pa ni Ruffa kay Mo ang naturang "thread of the conversation" sa kanyang Blackberry.

Marami pa daw masasakit na salitang ipinadala sa kanya mula sa phone ni Lloydie, at dito na niya napagtantong hindi nga ito galing sa ex-boyfriend.



Ani Ruffa, "I already knew after all of the curse messages that I got na hindi si John Lloyd yun.

"Kasi si John Lloyd never sent me any messages na nagmumura.

"The person that was sending me messages kept calling me Sharmaine, and hindi naman Sharmaine ang tawagan namin.

"That's why sinabi ko [sabat ni Mo...] Babe! So sabi ko, 'Babe is this you?'

"Parang, gusto ko lang malaman kung siya yun. Obviously, it wasn't."

LLOYD DRUNK AND ASLEEP. Dagdag pa ni Ruffa, imposibleng manggaling sa kanya ang unang text dahil sa kanyang nasaksihan noong gabing yun sa after-concert party ni Vina.

"Siguro mga fifteen minutes before I received the first message, there was a slight commotion towards the right part of the room.

"Pagtingin ng pinsan ko, at pagtingin ko, binubuhat na si John Lloyd palabas ng Republiq by four bouncers.

"The brother of John Lloyd and Shaina [were] also there and nakikita namin na tulog na siya.

"Ibig sabihin lasing na lasing na siya.

"And I've spent time with John Lloyd, I know pag nalalasing siya, pag binubuhat na siya palabas ng club, tulog siya until the following day.

"So sinong papadalhan ko ng message, multo?"

Ikinuwento pa ni Ruffa na ayon sa isa niyang kaibigan, dalawang beses daw nag-attempt si John Lloyd noong gabing yun na lumapit sa kanya, pero napigilan daw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito daw marahil ang "nag-udyok" kay Shaina na mag-text sa kanya ng masasakit na salita at "ungodly hours."

NOT A RELATIONSHIP WRECKER. Isa pang bahagi sa interview ni Ruffa ay ang mensahe nito sa dalawa na sabihin dapat ang totoo dahil, ayon sa kanya, hindi siya "relationship wrecker."

Paliwanag pa nito, "I'm not a relationship wrecker! I mean, if you look back in the past, ako nga yung dinobol time.

"I'm not flirting with John Lloyd Cruz.

"I'm inspired right now and, yeah, with someone else.

"And just like I was loyal to John Lloyd during our time, I'm also loyal to this person.

"So there's no way that I can flirt with him when I'm with someone else.

"Kung meron silang career na inaalagaan, ako naman may mga anak ako na dapat proteksyunan.

"I've been through so much in my life.

"I'm not bitter at all, I'm just so happy I'm back here in the Philippines.

"I'm free, I'm working again, but for me I'm doing this for my kids."

Maraming ipinakitang larawan at text conversations si Ruffa na ngayon lamang maipapakita sa telebisyon.

Tinanong din si Ruffa ni Mo Twister kung "nililigawan" ba siya ulit ni John Lloyd, na sinasabing abangan ngayon sa TV5 show ang kasagutan.

Kasalukuyang nasa Dubai si Ruffa para sa TV5 International Caravan.

Ayon pa sa kanya, "Sinagot ko lang lahat ng accusations against me by telling all."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN